SPECIAL CHAPTER

2K 68 26
                                    

Special Chapter

SOMEONE'S POV

"Ate, ate! Ano pala ang ibig mong sabihin na totoo 'yung mga story book mo po? Kasi po nakikita ko po kasi na parang ako lang ang interesado sa mga binibenta mong mga books, alam ko naman na medyo luma na ang cover nito pero maganda naman ang story eh. Hindi ko nga alam bakit puro nalang love story ang binabasa ng aking mga kaklase, elementarya pa kaya sila katulad ko." tanong ko kay Ate Nicole na kumakain sa shop, kumakain pala kaming pareho. Nandito talaga ako para matikman ang mga niluto niya, ang sarap kasi.

"Alam mo ba na ang mga binabasa mo ay nandyan ako sa mismong libro na iyan. Ako kaya ang nagsulat d'yan at ako din ang mismong gumawa sa mga librong binabasa mo." sabi nito at kumain ulit ng noodles, sarap na sarap talaga siya sa mga noodles na kanyang kinakain.

"Talaga ate? Saan ka po dito? Ano po ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya, napangiti ito sa akin at binigyan pa ako ng noodles na niluto niya, ang sarap talaga!

"Ako? Ako 'yung pinakamakapangyarihan d'yan HAHAHAHA." napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya at tiningnan ang librong nakalapag sa lamesa.

"Po? Ang ibig niyo pong sabihin ay ikaw po si Sera, ang idol ko po? Totoo po?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko akalain na siya si Sera na idol at hinahangaan ko. Alam niyo bang si Sera ang pinakamalakas sa Sparley Academy sabi sa libro at isa siyang misteryosang babae.

"Ikaw ang bahala kung maniniwala ka."

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Sa nakikita ko ay wala silang kapareho ni Sera na idol ko at isa pa, wala naman talagang kapangyarihan si ate Nicole!

"Ay hindi ako naniniwala. Wala ka namang kapangyarihan at hindi naman maputi ang buhok mo ha? Isa pa, matanda ka na po ate Nicole!" sabi ko sa kanya.

"Ay grabeh ka naman makapagsabi na matanda na ako, thirty pa lang ako no!" sabi nito sa akin at sinamaan pa ako ng tingin.

"Kaya nga po, thirty ka palang pero wala ka parin pong asawa. Baka naman po tatanda kang mag-isa ate Nicole." sabi ko at kumain ulit.

"Ay hala grabe siya oh. Hindi ko talaga minamadali ang lovelife kasi dadating din 'yan sa atin 'no. Malapit ng gumabi, baka hinahanap ka na sa inyo?" napatingin naman ako sa relos ko at nanlaki ang mata ko.

"Hala! Oo nga, baka pagalitan ako ni nanay! Mauuna na po ako ate Nicole salamat po sa pagkain at hihiramin ko na naman po ito ha?" Sabi ko at pinakita ang librong napili ko kanina.

Tumango ito sa akin kaya't mabilis akong umalis sa book shop at tumakbo papuntang bahay. Hindi ko naman talaga binibili ang mga librong nababasa ko at hinihiram lang ito, wala kasi akong pera at nasa elementarya palang ako. Grade six.

Pagkadating ko sa bahay ay agad bumungad sa akin si Nanay na nakapameywang na nakatingin kay Tatay na nakahiga sa kama at tila pagod ito. Alam ko na, lasing na naman ito.

"Hay naku Rafael! Sumasakit na naman ang ulo ko sa'yo. Naku, tingnan mo pagkagising mo wala na ang manok mo. Nakakainis hindi pa binayaran ang kuryente!" narinig kong sigaw ni Nanay. Napalingon ito sa akin at nagsalita ulit. "Bakit ngayon ka lang inday?"

"Pasensya na 'nay nandoon lang ako sa book shop nakihiram ng libro ni ate Nicole." sagot ko sa kanya. Napailing naman ito at kinuha ang bag ko.

"Hindi ko talaga alam kung saan ka nagmana, hindi naman kami mahilig sa libro at mabait ka din naman. Hindi katulad ng mga kapatid mo, tingnan mo, kay tagal umuwi mag aalas-sais na."

"Sige po 'nay magbibihis na ako."

Pumunta ako sa kwarto at agad na inilapag ang librong hiniram ko ni ate Nicole. Mabilis akong nagbihis at humiga sa kama ko. Tatlo kami sa kwarto, si kuya at ate. Agad kong binuklat ang librong hindi ko pa natapos at binasa ito.

"Namatay silang dalawa na magkatulad ang araw at ang lugar. Maraming nalungkot at maraming hindi makapaniwala. Lumipas ng panahon at umaasa sila na babalik at babalik ulit siya, kagaya noong una. Pero lumipas ang isang taon at hindi bumalik at tagapagligtas nila, dumaan pa ilang mga taon at nawalan na sila ng pag-asa, maraming sumuko at kaunti nalang ang umasa pero kagaya padin noon, hindi na ito muling nabuhay, hindi na muli itong nakita. Patuloy silang umasa hanggang sa unti-unti na nila itong nakalimutan. Nabaon na lamang ito sa alaala."

Sinarado ko ang libro at pinigilang umiyak. Hindi ko alam na ganito magtatapos ang istorya, akala ko lahat ng nababasa ay magwawakas ng masaya pero bakit ito hindi? Nakakainis paborito ko pa naman ito.

"Inday, bumili ka nga nga ng suka at yelo!"

Napabangon ako sa sigaw ni Nanay. Mabilis akong pumunta sa kusina at ibinigay niya sa akin ang pera.

"Nay akin na ang sukli ha. Ibibili ko lang mikmik."

"Sige, bilisan mo."

Napangiti ako at kaagad na tumakbo patungo sa tindahan ni aling Laida. Agad akong bumili at lumakad na pabalik sa bahay. Habang naglalakad ako ay may napansin akong kakaiba sa kamay ko.

Napatigil ako at tiningnan ang yelo na ngayon ay hindi na ito matigas. Teka, ano? Tiningnan ko pa itong mabuti at tama nga ang hinala ko! Agad akong bumalik sa tindahan ni aling Laida at ipinakita sa kanya ang yelo.

"Aling Laida bakit mo naman po ako binigyan ng yelong hindi matigas?"

Napakunot naman ito sa sinabi ko at tiningnan nga ang dala kong tubig nalang.

"Huh? Matigas 'yan kanina." nagtataka na lamang itong nakatingin sa akin at kumuha ulit ng yelo.

"Ito ha, matigas na 'yan." sabi nito sa akin. Agad kong tinanggap ang bagong yelong ibinigay nito at mahinang lumakad saka tiningnan ang kamay ko.

Ilang oras lang ay napahinto ako habang nakangangang nakatingin sa kamay kong umuusok at tinunaw ang yelo! Teka, ano?!
Nabitawan ko bigla ang yelo at tumakbo.

"Nanay tulong, may sunog!" Sumisigaw na saad ko habang papunta sa bahay, napahiyaw nalang ako ng bigla akong nadapa at naramdaman ko ang sakit sa bandang dibdib ko.

Umiiyak na tiningnan ko ang kamay kong ngayon ay namumula at may lumabas na dugo, mas lalo akong umiyak. Pero napahinto ako ng bigla nalang may lumabas na apoy na parang sinusunog ang kamay ko. Hindi ako nakapagsalita at nakapagsigaw ng tulong man lang dahil sa nakikita ko. Bigla akong kinabahan at tiningnan ang kamay kong wala na ngayong sugat o maski dugo man lang.

Anong nangyari?

___

Happy 2022!

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن