CHAPTER 30 : The Truth

1.9K 95 5
                                    

Chapter 30 : The Truth

GOLDIE'S POV

Sa mga araw na nagtagal. Mas lalo kong nakilala ang mga taong nakapaligid ko, kung sino ang nagpakatotoo at hindi.

Napatingin ako kay Sushi. Sushi Yamoto. Naging magkaibigan kami ng ilang buwan, mabait naman siya at may pagkamesteryosa.

Mapupulang mata. Naalala ko ang trahedyang nangyari noon, sa kaarawan ni Shadda. Hindi ko alam pero, nakita ko ang mga matang iyon sa mata ni Sushi. Siya ba ang nagligtas sa amin noong may nangyari sa kaarawan ni Shadda? Siya ba 'yung kumausap sa amin? (Refers to Chapter 10).

"Tulala ka dyan girl?" napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Hailey. Napatingin naman ako sa kanya at tumawa.

"Ah wala may iniisip lang." sabi ko at tiningnan muli si Sushi na kasama ngayon si Kyldren.

"Nasaan na ba ang bebeboy mo? Si John? Mukhang naiinggit ka nila Sushi at Kyldren ha." napairap naman ako sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo. Hindi ako naiinggit 'no, mas sweet padin kami ni John kahit palaging missng in action 'yun."

"Sabagay. Pareho naman kayong Corny."

Pulang mata, 'yan ang nakita ko kagabi noong pupuntahan ko sana si Sushi sa dorm niya pero iba ang nakita ko. Naging pula ang mata niya at naalala ko sa kanya ang babaeng kausap namin noon.

"Tulala ka na naman. Ano ba kasi 'yang iniisip mo?"

"Wala talaga Hailey." sabi ko at ngumiti. Ah basta ewan ko, hindi ako pwedeng magkamali. Si Sushi iyon.

Napatayo kami ng sabay ni Hailey ng makita namin si Magenda na papunta sa pwesto namin. Napakunot naman ako ng noo, bakit ngayon lang ang babaeng ito.

"Tiara!" tiningnan namin siyang lumapit kay Tiara at basta-basta nalang itong hinila.

"H-hoy teka, saan mo ako dadalhin!" narinig kong sigaw ni Magenda. Pareho kaming sumunod nila Magenda at Tiara hanggang sa nakarating kami sa Royalties' area. Mukhang ngayon lang yata kami napansin ni Magenda dahil nabigla siya mg makita ako.

"Bakit kayo nandito?!" nabigla pa kami ng sinigawan kami ni Magenda.

"Eh kasi nandito si Tiara baka ano ang gawin mo sa kanya." handa ulit kaming sigawan niya pero ginulo niya lang ang buhok niya saka inis kaming tiningnan.

"Bwesit! Bahala na nga!"

Tumingin ito kay Tiara at bumuntong-hininga.

"I want to meet your kuya right now!" teka wait? Interesado ba si Magenda kay Trace? Iniisip ko palang 'yun ay nandidiri na ako.

"H-ha? Bakit naman!"

"Bilisan mo! Tawagin mo ang kuya mo at bumalik kayo dito! Bilis!" sinigawan pa niya ang si Tiara. Ano na naman kayang pakulo meron itong si Magenda.

"Bakit kasi?!"

"Basta nga! Sumunod ka nalang sa akin kung ayaw mong ma-kick sa school na 'to!"

Wala nang magawa si Tiara at sinunod si Magenda. Hindi na kami sumabay sa kanya dahil nakakapagod kayang maglakad. Nagtaka pa ako dahil dumating si Henry. Ang kapatid niya, ano na naman 'to?

"Kayo? Ano bang ginagawa niyo dyan? Umalis na kayo!" inis kong tiningnan si Magenda saka kami umalis.

Edi umalis! Bakit sino ba siya para sigawan kami? Porket isa sa royalties.

TIARA'S POV

Ano bang pumasok sa isipan ng Magenda na ito? Inis akong bumalik sa Royalties' area at kasama ko na ngayon si Kuya.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now