CHAPTER 1 : The Return

6.2K 284 29
                                    

Chapter 1 : The return

SHANAIZE'S POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Yung mga tingin sa akin ng mga tao parang kilalang-kilala na nila ako. Luh? Para silang mga baliw na tumitingin sa akin. At sino nga ba yung lalaking bigla akong hinalikan? Walang hiya siya! Kahapon lang yun nangyari at hindi ko makakalimutan. Anong akala niya? Dahil gwapo siya gugustuhin ko rin siya?

"Shanaize!" Tumingin ako doon at nakita ko si? Sino nga ba 'to nakalimutan ko.

Nauna kasi akong umalis sa room dahil ayaw kong makita ang mga mata ng mga taong tumitingin sa akin. Para kasing na we-weirduhan ako. Lumapit ito sa akin at kumagat naman ako ng burger ko saka ko siya tiningnan.

Nakalimutan ko pangalan niya.

"Shanaize? Bakit ka naunang lumabas kanina sa room? Sasamahan sana kita eh" ngumuso ito saka niya kinuha ang burger niya at kumain.

Napatawa naman ako ng palihim saka ko siya tiningnan.

"Wag ka ngang ngumuso, hindi bagay sayo. Ay oo nga pala, wag kang magalit ha? Sadyang nakalimutan ko lang talaga. Sino ka nga ulit?" Nakita kong napakunot ang noo nito saka hinawakan ang kamay ko at tinuro sa mukha niya.

"Ako si Tiara Ty. Ako ang kaibigan mo dati at tumira ka pa nga ng isang araw sa bahay namin. At ang ganda ng pangalan mo talagaa. Shanaize! Wohooo. Pero maganda din naman ang Sera."

Nangunot ang noo ko sa sinasabi niya. Pinagsasabi nito? Hindi ko alam ang mga sinasabi niya.

"Anong bang sinasabi mong tumira ako sa inyo at ang pangalan ko ay Sera. Para kang baliw."

Binitawan niya ang kamay ko at tiningnan ang buo kong mukha. Para bang sinusuri niya ako.

"Aray!" Nabigla nalang ako ng pinitik niya ang noo ko kaya't napahawak ako doon.

"Ano ba?!"

"Para ka kasing baliw. Nag ka amnesia ka ba girl? Hindi mo na ako maalala. At nag iba ka na ngayon. Ang buhok mo kulay ginto. Noon naman kulay puti. Yieee~ bagay yan sayo"

Hinawakan ko ang buhok ko at tiningnan siya ng nagtataka.

"Puti? Para naman akong matanda niyan"

"Hahaha! Ano ka ba? Bagay nga sayo eh. Puti, tapos yung skin mo. Ganun parin. Maputi!"

Napangiwi ako at kumagat ng burger saka ako tumingin sa paligid. Nakatingin parin sila sa akin. Anong meron sa akin? Nakakainis na ah! Tiningnan ko si Tiara na kumakain saka ko siya tinawag.

"Tiara?"

"Oh?"

"May mali ba sa mukha ko?" Tiningnan niya ako ng nagtataka saka tiningnan ang mukha ko at umiling.

"Wala naman. Bakit?"

"Ang weird kasi ng tingin sa akin ng mga tao dito" tumingin siya sa paligid saka siya tumawa at tiningnan ako kaya't tiningnan ko siya ng nagtataka. Gago to ah?

"Ano ka ba? Syempre, sinong hindi mapapatingin sayo? Ikaw kaya ang nagligtas sa amin noon. Isang taon kang nawala tapos sumusulpot ka lang. At alam mo bang? Noon ay ang dami mong sekreto tapos ngayon ay wala na!"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Anong pinagsasabi niyang noon? Isang taon akong nawala?

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maiintindihan" tumingin ito sa akin saka niya ako tiningnan ng seryoso.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Oo nga"

Bumuntong-hininga ito saka siya kumagat ng burger at tumingin ulit sa akin.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now