CHAPTER 29 : The Past

1.3K 73 4
                                    

CHAPTER 29 : Tha Past

SHANAIZE'S POV

Napakamalas ng araw na 'to sa akin. Natapunan lang naman ako ng orange juice. Natapunan ba talaga o binuhusan.

"Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"

Hindi ko talaga magets kung bakit nakabangga ko na naman ang isa sa naging kaaway ko. Si Magenda.

"Excuse me? Ako na nga 'yung natapunan ikaw pa ang galit? Hindi ka man lang ba magso-sorry sa ginawa mo?" sabi ko at pilit pinagpag ang juice na nasa uniform ko.

"Why should I? You're just a nobody. Hindi ko naman kasalanan na natapunan kita ng juice, kung hindi ka humaharang sa dinadaanan ko edi sana hindi ito mangyayari. Naging rank 1 ka lang, sinago-sagot mo na ako?"

Napatawa ako ng pagak at tiningnan siya.

"Oh talaga? Isa ka lang sa mga royalties Magenda. Hindi porket mas mataas ang posisyon mo aabusuhin mo na ako. Panindigan mo ang pangalang nakapatong sa ulo mo, act like a model to us."

Napatawa ito ng pagak.

"Buti naman at alam mong mas mataas ang posisyon ko sa'yo, tumabi ka dyan. Wala akong balak na humingi ng tawad sa'yo. Tabi, may pupuntahan pa ako."

Hindi ako tumabi sa kanya gaya ng sinabi niya kaya't binangga niya nalang ang balikat ko at lumakad. Buti nalang kaunti lang ang nakakakita sa amin, nagkabanggaan kasi kami sa hallway.

"I'm sorry for what she did to you."

Tiningnan ko ang nagsalita at kinabahan ako ng makita ko si Kyldren. Ilang buwan na ng muli ko siyang makita ng ganito kalapit, tuluyan na nga niya akong nakalimutan.

"Hindi mo naman kasalanan, kaya wala kang dahilan para mag sorry sa akin. Sige ha, aalis na ako." Saka ako yumuko sa kanya at nilagpasan siya.

Hanggang ngayon nandito padin sa alaala ko ang sakit na ginawa ko sa kanya. Sa pagtutulak ko sa kanya palayo. Nandito padin. Mga boses niyang nasasaktan habang kausap ako, hindi ko padin makakalimutan. Siguro nga mas mabuti na 'to, mas mabuting kalimutan niya na ako.

Mahirap tanggapin pero nasasaktan ako habang iniisip na parang wala lang ako sa kanya, na parang walang nangyari sa amin noon. Pero wala na akong magagawa, mukhang masaya naman siyang hindi niya ako kilala.

"I'm sorry honey ngayon lang ulit ako may oras para sayo. Ang higpit kasi ng schedule namin kaya't paminsan ay hindi ako makakarating kapag pinapapunta mo ako, nag-abala ka pang puntahan ako ngayon."

"No it's okay to me. Buo na ang araw ko ngayon ay nakita na muli kita. Don't stress yourself okay? Isipin mo nalang ang pag-aaral mo, hindi naman ako mawawala sa tabi mo."

Napalingon ako sa likod ng makarinig ako ng boses, napakagat ako ng ibabang-labi. Hindi ko akalain na magiging sila ni Sushi at Kyldren, at bakit ko ba 'to nakikita? Sa harapan ko pa talaga.

Sa nakaraang mga buwan palagi ko silang nakikitang magkasama, tama nga ako dahil magkasintahan na sila. Nagyakapan sila at nakita kong hinalikan ni Kyldren ang noo ni Sushi. How sweet they are. At sa nakikita ko, masaya si Kyldren kasama si Sushi.

Nabigla ako ng napatingin sa akin si Sushi kaya't napatingin din sa akin si Kyldren. Nagkatinginan kaming tatlo. Napaisip ako
Kung isa itong drama, siguro ako ang kontrabida. Binasag ko lang naman ang paglalandian nila. Ang pagmamahalan nila.

"Oh? Nandyan ka pala Shanaize."

Napatingin ako sa kamay ni Sushi na iniangkla sa kamay ni Kyldren at nakita ko pang ningitian niya ako.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now