CHAPTER 10 : Who are they?

1.8K 114 6
                                    

Chapter 10 : Who are they?

DENISE'S POV

It's been 3 days since wala dito sa magic world sila Shanaize. At alam niyo ba kung anong nangyari nung birthday ni Shadda? Myghad! It's a big disaster.

FLASHBACK

"Nasaan na si hailey, goldie?" tanong ko kay goldie habang inaayos ang make up ko. Birthday kasi ngayon ni Princess Shadda at syempre lahat ay imbitado.

"Si hailey? Ewan ko nakita ko naman siya kanina dito sa kwarto ko. Siguro nag cr lang babalik yun dito" sagot sa akin ni Goldie.

Napatango nalang ako at sa wakas ayos na ang mukha ko. Napatingin ako sa salamin saka ako ngumiti. Ganda ko talaga shet.

"Oo nga pala denise, anong oras ba umalis sila shanaize?" tanong nito habang inaayos ang kanyang gown.

"Ewan ko, maaga siguro hindi ko na sila naabutan eh. At alam mo ba? I heard na sumunod daw si Kyldren but hindi pa ako sure kung totoo. Bali, chismis-chismis lang alam mo naman ako chismosa din HAHAHA"

"Ay naku ewan ko, baka hindi siguro alangan namang hindi siya pupunta sa kaarawan ni prinsesa shadda diba?" napaisip naman ako sa sinabi ni goldie at saka tumango.

Tama nga naman.

"Uy guys!"

Tumingin kami sa likod at nakita namin si hailey na suot na ang kanyang gown at aaminin kong sa aming tatlo siya talaga ang pinakamaganda.

"Uy Hailey! Saan ka ba galing?" tanong ni Goldie.

"Lumabas lang ako, nagugutom kasi ako kaya bumalik ako sa kwarto ko may extra food ako doon kumain ako saglit" sagot nito.

Napatango naman kami sa sinabi niya. Yun lang naman pala, akala namin kung ano na. Pagkatapos naming mag-ayos ay pumunta agad kami sa kaharian ng tubig.

Pagkapasok namin doon ay mga tao kaagad ang sumalubong sa amin lalo na mga estudyante sa sparley. Madami na palang tao dito pero kahit na ganun, ang laki parin ng espasyo. Syempre kaharian ito.

"Doon tayo" sabi ko at tinuro ang pwesto kung saan bakante ang upuan. Lumakad kami papunta doon saka kami umupo.

Bakit parang may masamang mangyayari? Pero umiling lang ako at pinukos ang tingin ko sa harap kung saan makikita ang mga pagkain.

Pota talaga nagutom agad ako.

Saan na nga ba ang mga partners namin? Sila pa yung mga lalaki tapos sila pa yung nahuhuli? Gago ah! Sabi nila susunduin kami kaso hindi dumating kaya't kami nalang ang pumunta dito.

"Nasan na ba ang gagong John na yun?" bulong ko sa sarili ko. Antagal naman ni babe!

"I think, may masamang mangyayari" nabaling ang tingin namin sa isang babae na hindi namin kilala. Naka hood ito ng itim at nakikita ko ang buhok niya sa hulihan at kulay puti ito.

"Ahh miss. Sino ka?" tumingin ito sa amin ng may blankong ekspresyon dahilan para kabahan kami. I don't know pero there's something weird in her.

Hindi masyadong klaro ang mukha nito dahil sa hoodie at tanging mata lang niya na pula ang makikita.

"Umalis na kayo rito"

Nabigla nalang kami ng bigla siyang nawala sa harapan namin na parang bula. What the hell? What was that? Sino yun?

"Who's that girl?" tanong sa amin ni hailey napa 'ewan' nalang kami dahil hindi naman talaga namin iyon kilala.

*BOOM!*

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now