CHAPTER 19 : Water Kingdom

1.1K 58 2
                                    

Chapter 19 : Water Kingdom

TIARA'S POV

"Kuya paki-kumusta nalang ako nila Inay at Ton-ton. Pakisabi nadin miss ko na sila." Tumango sa akin si Kuya Trace at saka niya ibinigay sa akin at aking mga dalang bagahe.

"Don't worry Tiara, sasabihin ko nila Inay at Ton-ton. Madali lang ang isang linggo Tiara, makikita mo na din muli sila Inay."

"Hindi padin sapat sa akin Kuya. Pagkatapos ng isang linggo tapos nadin ang sem-break ibig sabihin nun, hindi ko padin makikita sila Inay. Sobrang unfair!" pinat niya ang ulo ko ng mas lalong ikinainis ko.

"Sinabing huwag mo ulit 'yang gawin eh, para akong aso." napanguso ako. Totoo naman talaga, para akong isang pet.

"Okay lang 'yan Tiara. Goodluck sa adventure niyo tingnan mo lang magpapasalamat ka din sa'kin pagkatapos nito. Alam kong mag e-enjoy ka!"

"Sana nga Kuya. Sana nga mag-eenjoy ako."

"Nasaan pala si Shanaize? Bakit hindi kayo magkasama? hindi ko din siya nakita kanina sa dorm niyo." inis kong kinuha ang bagahe saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Huwag mo na ngang banggitin ang pangalan ng babaeng 'yun, frienship over na kami kuya. Hindi niya na ako pinapansin kaya hindi ko na din siya pinapansin, anong sa tingin niya siya lang marunong na hindi mamansin? Ha! Asa siya!"

"Ewan ko sa'yo Tiara. Hindi magtatapos ang friendship niyo lalo na't close kayo sa isa't-isa, noon hanggang ngayon. Ayusin niyo 'yan Tiara. Osiya, aalis na ako ha. Mag-iiba tayo ng direksyon ngayon."

Napapadyak ako dahil sa lungkot. Kasi naman eh! Bakit pa kasi ngayon eh, nakakainis. Kumaway sa akin si kuya ng nakita kong papalabas na ito ng paaralan kita ko pa ang ngisi nito, aba nang-iinis ba ang kumag!

"Babye Tiara. See you next week, pakasaya ka!" at saka siya tumalikod na.

Konti lang kaming natira dito, puro mga ka-batch ko lang ang nandito mga grade 11 students. Nakita ko pang lahat sila may kaibigan ako lang mag-isa dito sa tabi. Nakakainis! Inis akong nagpadyak. Ang unfair!

"Kahit umiyak ka pa d'yan wala ka na talagang magagawa." Napahinto ako sa pagpadyak ng marinig ko ang pamilyar na boses nito, tiningnan ko siya at mas lalo akong nainis.

Anong ginagawa ng babaeng ito sa harapan ko? Parang walang nangyari sa amin ha, anong akala niya? Ang sarap niyang suntukin, tigilan niyo ko! Please lang!

"Punch me if you can."

Mas lalo akong nainis. Tiningnan ko pa siya at wala itong dalang gamit, ha! Anong tingin niya sa sarili niya? Akala niya libre lang ang gamit doon? Ha tanga siya!

"Alam mo Sushi nabwebwesit ako sa'yo." Deretsong sabi ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon, at naalala ko na naman sa kanya si Sera. Ang dating Shanaize. Lintek!

"Ako din." aba!

"Oh bakit nandito ka sa harapan ko? Umalis ka na nabwebwesit ka naman sa'kin diba? Ano pang hinihintay mo? Umalis kana!"

"Mas gusto ko dito, hindi maingay."

Ano gusto niya bang makipagsuntukan? Bakit ano ba ang kapangyarihan niya? Bilis? Lakas? Hangin? ha! Kaya ko kaya 'yun. Ano Sushi natatakot kana ba sa'kin?

"Hindi ako mamamatay sa tingin mo Tiara."

Inis ko siyang tinalikuran, wala akong pakialam sa'yo Sushi. Nandidilim ang paningin ko sa'yo.

"Hindi padin ba kayo nagkakaayos ni Shanaize?"

Sarap nitong patayin, diba? Nararamdaman niyo din ba? Diba? Diba? Sabihin niyo oo! Walang kwenta! Hinarap ko naman siya ng puno ng confidence, excuse me mas maganda ako sa kanya.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now