CHAPTER 24 : Problems

952 57 0
                                    

Chapter 24 : Problems

SHANAIZE'S POV

Pabagsak akong humiga sa aking kama ng makabalik na kami sa Sparley Academy, sobrang napagod ako sa biyahe at nag enjoy din naman ako. Nakabalik na nga ako pero hindi naman nawala ang problema ko.

Unti-unti na akong kinain ng antok at nagpalamon na nga ako nito.

"Tanga!"

Nagising ako dahil sa isang sigaw, napakunot ko ang noo ko ng mapansin ang kakaibang mundo. Nasaan ako?

"Hindi ko po sinasadya, uulitin ko nalang po. Huwag niyo po akong saktan!"

Napalingon ako sa isang babaeng malaki-laki na, mukhang nasa edad na desi-otso ito at kaharap niya ay isang lalaking may edad na.

"Hindi kita sasaktan kung hindi ka nagkamali sa trabaho mo! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na unahin mo ang costumer at huwag kang manghugas dyan!"

Nabigla ako ng isang malakas na sampal ang natanggap ng babae. Nakatalikod ito sa akin at tanging ang mukha ng lalaki ang ang nakikita ko.

"P-pasenya na po, h-hindi na po mauulit. Bigyan n-niyo po ako ng isang pagkakataon, h-hindi na po mauulit. Pasensya na po." Nakita kong umiyak ang babae habang hawak-hawak ang kamay ng lalaki. Napakunot naman ang noo ko sino ba ang mga 'to? Ano na naman 'to?

"Ilang beses ko na itong sinabi sa'yo at hindi ko na kaya ang mga pagkakamali mo. You're fired! Umalis ka sa restaurant na ito, hindi namin kailangan ng tangang katulad mo!"

Napaluhod ang babae habang nakatingin sa lalaki, umiiyak ito at tinitingnan na siya ng mga katrabaho niya. Naawa din ito sa kanya.

"I-isang pagkakataon p-po, k-kapag nagkamali ulit ako, ako na mismo ang aalis. M-maawa po kayo, wala po a-akong makain. Wala na po akong pamilya. M-maawa po kayo, b-boss."

Pinatid lang nito ang babae saka niya patawang tiningnan ang babae. Gusto kong tulungan ang babae pero hindi ko kayang kumilos.

"Nakakaawa ka nga! Hindi ko alam kung bakit ka nawalan ng pamilya, siguro ay nagsawa na sila sa'yo at pinaalis ka. Umalis kana dito, nakakahiya ka sa ibang costumers at trabahador!"

Tumalikod sa kanya ang lalaki pero pinigilan nito ang babae sa pamamagitan ng pagkapit sa isang paa nito habang nakaluhod.

"I-ibigay niyo po a-ang aking sahod sa buwan n-na 'to boss. I-iyon lang ang tanging bumubuhay sa a-akin, pangako aalis n-na ako pagkatapos n-nito."

Tiningnan siya ng lalaki saka niya muli itong pinatid.

"Wala kang kwentang trabahador at wala kang naitulong sa restaurant na ito. Sa tingin mo bibigyan kita ng sahod? Tanga! Umalis kana! Guard kunin niyo 'to!"

May lumapit sa babaeng dalawang guard at kinuha ito. Nakita kong sobrang iyak nito. Pagkaharap nito sa'kin ay isa itong may maamong mukha, nalagpasan pa ako nito.

"B-boss 'yung sahod ko p-po! K-kahit 'yun lang boss! B-boss, maawa kayo! B-boss parang awa niyo na a-ang sahod ko!"

Nagsisigaw pa ito habang dinadala ng mga guwardiya hanggang sa pabagsak nila itong itinapon sa labas ng restaurant.

Nabigla ako ng nasa harapan ko na pala siya, nakatingin ito sa restaurant at kita ko ang pagkuyom ng kamao nito habang umiiyak.

"Maawa kayo! Maawa kayo sa'kin!"

Paulit-ulit niya itong sinisigaw hanggang sa mapaos ito at mapagod. Humiga ito sa kalye at  biglang nag-iba ang aking paligid.

"500,000 thousand. Sapat na ba ito para gawin mo ang nais namin?" isang nakamaskarang lalaki ang nakita ko, may dala itong yosi at nakangisi ang lalaki habang tinitingnan ang babaeng nasa harapan nito.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now