CHAPTER 20 : Fire Kingdom

1K 59 2
                                    

Chapter 20 : Fire Kingdom

DENISE'S POV

"As you can see, mas maganda pa ang sa akin kaysa kay Goldie." sabi ko at ipinakita ang nabili kong alahas dito sa Water Kingdom.

"Maganda ang alahas pero hindi bagay sayo Denise. Ops, sorry not sorry."

Hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya. Wow ha! Ang kapal niya, mas gumanda kaya ang alahas ng sinuot ko 'to.

"Pareho namang maganda sa inyo mga iha, bagay na bagay sa inyong magagandang mukha."

Ngumiti ako sa binilhan naming babae dahil sa sinabi niya ganoon din ang ginawa ni Goldie. Pero mas maganda padin ako. He!

"Attention Class, after 5 minutes papasok na tayo sa Museum dito. Kaya't bilhin niyo na kung anong gusto niyong bilhin."

Sumang-ayon kami sa sinabi ni ma'am, syempre kumuha pa ako ng ibang alahas at ayun din ang ginawa ni Goldie. Si Hailey naman ay nasa kabilang bilihan. Ewan ko kung ano ang kanyang binili.

***

"Ang museum na ito ay isinagawa matapos ang Dark Age. Pagkatapos ng Dark Age, maraming nawalan ng buhay at nawala sa kaharian na 'to, madami ding iba't-ibang nilalang na namatay na mahahalaga sa buhay ng mga tao dito kaya isinagawa ang museum na ito bilang palatandaan na ang Dark Age ang pinaka hindi nagustuhan ng buong Magic World at hanggang ngayon nakatatak padin sa kanilang isipan ang pagkasira nila dahil sa Dark Age at pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay." naglakad kami patungo sa may pintura. "Itong pintura na nandito ay ito mismo ang makikita pagkatapos ng Dark Age, maraming nasira na mga bahay at mga mahahalagang bagay sa mga tao dito. Pati nadin ang mga gusali na malalaki ay hindi nakaligtas." napa-wow naman ako sa pintura na nakalagay sa dingding nito. Nakikita ko ang iba't-ibang tao na wala ng buhay at ang pagkasira sa paligid nito.

Ang Dark Age ay ang pinakakinatatakutan at namuo ang kasakiman sa panahon na iyon. Marami ang nawalan ng buhay at naghirap kaya't para sa kanila, ang panahon ng Dark Age ang pinakamasama nilang panaginip. Ikwenento din kasi ito ni Ina.

Pumunta kami sa gitnang bahagi ng Museum at mas lalo akong namangha.

"Ang statue na ito ay si Aqua Ferlin. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kanyang mga mamayan. Sa panahon ng Dark Age si Aqua ang pinakamakapangyarihang magic user sa Water Kingdom. Kilala siya bilang isang prinsesa sa dagat at bilang isang malakas na Water Manipulator. Namatay siya sa labanan noong panahon ng mga Dark Age, marami siyang nagligtas at kasabay doon ay iyon din ang kanyang pagkawala. Ginawa ang statue na ito bilang palatandaan ng kanyang kabayanihan." namangha ako sa nakikita ko, isa itong sirena na babae at sa gilid nito ay may dala itong tungkod. "Ang tungkod na nakikita niyo ay hindi lang basta tungkod kundi iyan ang pinakamakapangyarihang gamit na pagmamay-ari niya, sa tungkod na iyan pwede mong sirain lahat ng gusto mong sirain, pwede mo ding manipulahin lahat ng nais mong manipulahin, kaya si Aqua ang nagmamay-ari dyan dahil siya mismo ang pinili ng tungkod na iyan."

"Hindi po ba nasira ang tungkod na iyan ma'am?" ngumiti si ma'am at sinenyasan kaming sumunod sa kanya at mas lalo akong namangha ng nakita kong buhay na buhay pa ang tungkod ni Aqua. Nasa loob ito ng isang box na yari sa glass.

"Totoo ang nakikita ninyo, buhay pa ang tungkod ni Aqua. Sa ngayon, hindi pa alam ng taga-dito kung gumagana pa ba ito sapagkat sa pagkamatay ni Aqua ay siya ding pagkamatay ng buhay sa tungkod na ito. Ang mga naririnig ko, mabubuhay lamang ang tungkod na ito kung may bagong karapat-dapat na magmamay-ari sa tungkod na ito. Hindi ko pa pala sinabi, ang tawag sa tungkod na ito ay Pleas."

Tiningnan ko sa muli ang tungkod saka kami naglakad ulit. Malaki ang Museum na ito at mukhang kami lang na galing sa Sparley ang nandito. Nakikita ko ang ibang section na nasa iba't-ibang sulok kasama ang kanilang adviser.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now