CHAPTER 18 : Lost Words

1.1K 59 5
                                    

Chapter 18 : Lost Words

ZINA'S POV

What a day. Sobrang naboboringan ako, suggest nga kayo kung anong gagawin? Kainis.

"Look what you've done Magenda!  Isusumbong kita kay Dad. Sobrang tanga mo!"

"Aba't kasalanan ko pa bang masira 'yang relationship niyong dalawa Kuya Henry? She's not a princess or from a royal family. Nakalimutan mo na bang bawal tayong magmahal ng hindi kagaya natin?!"

"Wala kang karapatan para turuan ako Magenda. Mas matanda padin ako sa'yo, alam ko ang ginagawa ko. Bakit ba ang kulit-kulit mo?! Nakakainis ka na ha!"

"Go on tell dad about this. Tingnan lang natin kung sinong kakampihan niya, I bet mas kawawa ka."

"Go on saktan mo'ko Kuya! Sige ituloy mo, hindi lang sigaw ang madadama mo kay Dad kung hindi sakit din! Come on, slap me!"

Napatayo ako dahil sa sigawan ni Henry at Magenda. Kahit kailan talaga, hindi magkakasundo ang kapatid na ito. Inis akong naglakad papunta sa kanila, dito pa talaga sila magsisigawan sa royalties' area.

"Hey guys, pwede ba pakihinaan niyo ang boses niyo? Kung gusto ninyong magpatayan, sa labas niyo 'yan gawin."

Nakita ko sa harapan si Henry at Magenda. Ang kamay ni Henry ay nasa ere at mukhang sasampalin si Magenda. Ano pang hinihintay mo Henry? Sampalin mo na 'yang bruha na 'yan. Go on slap her.

"Oo nga Magenda, Henry. I suggest sa kaharian ninyo kayo magpatayan. Sobrang ingay niyo may ginagawa kami." dumating naman si Draey kasama si Drake na nakatingin sa kanila ng walang gana.

"Hindi niyo ba nakikita? Sasaktan ako ni kuya, hindi niyo ba siya titigilan?!" nagtinginan naman kami nila Draey nung sumigaw si Magenda.

"Ah hindi?" patanong na sagot ko. Well, hindi naman talaga ha? Bakit ano bang pakialam namin sa away nila? Away magkapatid 'yan no. Hindi din kami pakielamera.

"Nakakainis! Pagsabihan niyo nga 'yang si kuya na kahit kailan, walang mabubuong relasyon sa mga royalties at mga normal lang na tao! Nakakainis, tabi nga!" tumabi ako ng dumaan si Magenda sa aking harap at malakas niyang sinarado ang pintuan sa kanyang kwarto.

"Mabuti naman at matatahimik nadin kami. Sobrang ingay niyo bro, at oo nga naman tama si Magenda, bawal talaga ang relasyon sa normal na magic user lang at isang royalties. Mag move-on ka nalang bro, makakahanap ka pa ng ibang babae na mas better at mas karapatdapat." sabi ni Drake saka ti-nap ang balikat ni Henry saka sila bumalik sa kwarto nila. Nagkibit-balikat naman ako saka bumalik sa inuupuan ko kanina.

Iyak ka Henry bawal daw HAHAHAH. By the way, nasaan na ba si Kuya Kyldren? Kahapon ko pa siya hindi nakikita.

"Zina." tumingin ako sa baaeng nasa harapan ko ngayon.

"Uy Shadda nandito ka pala. Nasaan ba sila Jericka, Keifer at Venon?"

"I don't know wala akong pakialam sa kanila at si kuya Keifer naman nandoon sa Water kingdom. Pinapatawag kasi siya ni Mom at Dad mukhang hinahanda ang pagdating ng mga mag-aaral dito sa Sparley." sagot nito.

"Matutuloy pala ang paglilibot nila?"

"Yes. Marami ngang nagrereklamong mga estudyante, ang unfair daw pero wala na silang magawa. Napapansin ko nga na naghahanda na ang ilan eh sa next week pa naman ang paglilibot nila."

"Ah oo nga pala, si Kuya nakita mo?"

"Nope. Hindi ko siya nakita mula kahapon. Baka nasa mahal niyang babae. You know? Shanaize." napatango naman ako sa sinabi niya, oo nga naman.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora