CHAPTER 13 : Familliar Scene

1.2K 73 4
                                    

Chapter 13 : Familliar Scene

TIARA'S POV

"Kaklase niyo si Tyler diba? Nasaan siya?" nakangiti akong nagtanong sa isang babaeng nasa harapan ko. Ngumiti din ito sa akin at tumingin sa parang pwesto ni Tyler saka siya tumingin sa akin.

"Hindi yata pumasok, wala kasi siya kanina eh." napatingin ako sa pwesto na tiningnan niya kanina at tumingin sa babaeng nasa harapan ko.

"Ganun ba? Sige ha, thank you!" umalis ako ng bigo at bumalik sa cafeteria. Tiningnan nila ako na para bang naghihintay sa sasabihin ko.

"Hindi daw pumasok si Tyler sabi nung babae. Paano na 'yan? Ibig sabihin hindi tayo makakabalik ngayon sa mundo natin? Nakakainis huhuhuhu!" nakakainis talaga.

"Wala siya sa room niya?" tiningnan ko si Shanaize at tumango.

"Paano na 'yan? Matutuloy ba ang plano natin ngayon?" Tanong ni Gerald at tumingin kay Lawrence at Shanaize.

"Hindi ko din alam. Saan nakatira si Tyler?" tanong ni Lawrence, walang sumagot sa kanya kaya't napabuntong-hininga ako.

"Alam ko kung saan siya nakatira." sabay kaming tumingin kay Shanaize, nabuhayan ako sa sinabi niya.

"Ibig-sabihin makakabalik tayo ngayon sa mundo natin? Excited na ako!" pumalakpak pa si Richard.

"Maayos. Pagkatapos ng klase pupuntahan natin ang bahay niya." Sabi ni Chelsey at napatango kami.

Napansin kong napatingin si Lawrence kay Shanaize, huhuhuhu gusto niya ba talaga si Shanaize? Hindi na ba talaga mababago? Nakakainis naman, kaibigan ko pa!

"Paano mo nalaman ang bahay niya?"

Sabay kaming tumingin kay Shanaize ng tinanong iyon ni Lawrence. Oo nga naman, paano niya nalaman? Huwag mong sabihin na pumunta siya sa bahay niya at? Omg!

"Omg Shanaize don't tell me nag ano kayo?" napakunot ang noo niya.

"Anong ano?"

"Yung ano, 'yung ano nga! Alam mo, 'yung ano" ipinagdikit ko ang index finger ko at malakas niya akong hinampas sa kamay, aray naman!

"Hindi ah!" pagtatanggi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil ang lakas talaga ng pagkakahampas niya.

"Kung hindi, paano mo nalaman ang bahay niya?" inis na sabi ko. Grabeh talaga ang hapdi ng kamay ko.

"Sinabi niya sa akin. Apartment lang ang tinitirhan niya at hindi bahay. Wala siyang kasama at mag-isa lang siya." sabi nito, napatango naman ako.

"Ganyan na kayo ka close?" tanong naman ni Chelsey.

"Hindi kami close. Talagang nagkwentuhan kami noong unang araw ko dito. Noong araw din kasi na iyon ay may punishment siya kaya pareho kami ng lugar kung saan maglilinis." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Okay.

"Hoy!" pareho kaming napalingon sa nagsalita at tumingin sa tatlong babaeng nasa harapan namin ngayon. Napaikot ako ng mata, ano na naman ba ito?

"Akala mo makakatakas ka sa amin sa ginawa mo sa amin kanina? Ha Shanaize?!" Napatingin kami kay Shanaize. Ano na naman ang ginawa niya? Bakit ang lapitin niya ng disgrasya?

"Hala? Hala wala kaya akong ginawa!" napatayo pa ito at napatawa naman ang tatlong babae.

"Huwag ka ng magpanggap, alam mo ang nangyari kanina." sabi nung Samantha.

"Alin ba doon? 'yung sinapak ko kayo o 'yung nabuhusan ko kayo ng pintura? Ay grabeh naman kayo, ang bilis niyong makapagbihis. Hehehe." Napakunot kami ng noo, anong ginawa niya kanina? Nauna kasi kaming pumasok dahil sa ang tagal kumilos ni Shanaize.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now