CHAPTER 7 : Hi friend, Tyler!

2.5K 151 40
                                    

Chapter 7 : Hi friend, Tyler!

SHANAIZE'S POV

"Ginawa mo 'yun?" Tumingin ako kay Tiara saka ako tumango. Nandito na ako sa cafeteria para sa mga last section.

"Shanaize! Bakit mo yun ginawa? Bakit ka ba kasi nandoon sa cafeteria na iyon?"

"Tss. Wag ka ngang magproblema dyan. Sinabi ko lang naman sa kanya iyon, atsaka bagay lang sa kanya yun"

"Pero girl. Masama yung ginawa mo, inaway mo siya ng ganun lang. Oh my god baka patulan ka non" sabi naman ni Chelsey.

"Ano ba 'tong milk tea na 'to. Ampangit ng lasa" sabi naman ni Gerald saka tumingin sa milk tea niya at kitang-kita ang pandidiri sa mukha.

"Sanayin mo na. Last section kasi tayo, ay oo nga pala bakit tayo nasa last section? Wala naman tayong ginawang masama ah" sabi ko. Nakita kong sabay silang tumingin sakin saka umiling-iling.

"Ewan ko din. May nilagay siguro si dean sa files natin" sabi naman ni Chelsey kaya tumango ako.

"Bakit kaya niya 'yun ginawa?" Tanong naman ni Tiara.

"Baka nandoon sa last section ang hinahanap natin na tao or baka trip nya lang" sabi naman ni Richard. Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit ba kasi yun ginawa ni dean?

"Uyy Shanaize. Kilala mo 'yon?" Lumingon ako doon at napakunot ang noo ko ng makita ko si Tyler. Teka? Anong ginagawa niya dito sa cafeteria ng mga last section.

"Oo, si Tyler yan eh" sabi ko. Hinampas ako ni Tiara dahilan para mapatingin ako sa kanya. Sakit ng balikat ko ah.

"Gwapo."

Napailing nalang ako at tiningnan si Tyler na ngayon ay nasa bulsa nito ang magkabilang kamay niya at parang may hinahanap.

"Hindi ba bawal dito ang hindi last section?" Tanong ko. Napatingin ako kay lawrence ng bigla siyang nagsalita.

"They are allowed to enter our cafeteria"

Andaya! Kami hindi pwede tapos sila pwede?! Ano yun, ang unfair ng school na 'to.

"Shanaize, tingnan mo nga yung pader na iyon" napakunot ang noo kong tiningnan si Tiara saka tumingin sa tinuro niya.

"Ang laki ng bilog, parang dinaanan ng malaking bato na hinampas doon diba? Ano kaya 'yan"

Hinampas? Makikita kasi sa pader ang isang malaking bilog na parang dinaanan ng isang malaking bato talaga. Parang may isang comet na himampas doon.

"Ano kaya nangyari nyan? Ano kayang himapas dyan?"

Hinampas? Napakunot ang noo kong may nag flash sa utak ko pero hindi klaro. Napahawak ako sa ulo ko saka pumikit dahil parang nahihilo ako.

"Shanaize ok ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Tiara but I'm focused to the scenes that keeps flashing into my mind.

Pero hindi klaro.

I saw a girl with a pink shoes. Ano ba 'to? Hindi ko makita ang mukha niya. But I know na may binubully ito.

"Shanaize?"

Iminulat ko ang mata ko saka ako umiling-iling hanggang sa nawala na ang mga pangyayari na iyon na hindi ko maintindihan.

"Sumakit lang ulo ko ng konti" sabi ko kay Tiara pero nakikita parin ang pagtataka niya.

"Oh look, Tyler is coming here" sabi ni chelsey. Napalingon tuloy sila Lawrence doon kay Tyler na papunta nga dito.

Hinahanap ba niya ako? Ngii. Ang feeling mo girl.

"Girl, ikaw yata ang tinitingnan ni Tyler wahahah" sinamaan ko ng tingin si Tiara. Ang lakas ng boses nito dahil napalingon sa amin yung ibang nandito. Tahiin ko bibig nito eh.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now