EPILOGUE

2.5K 96 34
                                    

EPILOGUE

Napabuntong-hininga ako saka ko tiningnan ang mga bituin at ang kalawakan saka ko tiningnan ang kamay ko.

"Nasaan ka na kaya?" I asked myself. Kinuyom ko ang kamao ko at pumikit.

"Hindi ko pa siya nahahanap" sabi ko kay ina.

"Mahahanap mo rin anak, mahahanap mo siya."

Napanguso ako at linaro ang buhok kong kulay puti. Ihh. Gusto ko talaga ang buhok na ito. At ganito na ang buhok ko noon pa.

"Anong sasabihin ko kapag magkita nga ulit kami ina?"

"Kapag nagkita kayo. Sabihin mo ang nangyari pero 'wag kang magmadali. Dahan-dahanin mo. Hayaan natin siyang malaman ang nangyari."

"Paano kong hindi niya parin malalaman?"

"Malalaman niya. Magtiwala ka"

Napamulat ako ng mata ko at tiningnan ang kalangitan. Alam ko na kung saan ka hahanapin. Hintayin mo lang ako.

Hindi sapat ang nalaman mo. Dahil ang mga nalaman mo ay kalahati pa sa buo.

"Nakalimutan mo? Ibabalik ko."

Maghintay ka sa akin Shanaize...
Maghanda ka, magkikita muli tayo.

***

Napangisi ako ng nakarating na ako dito sa Magic World. Hindi ko alam na makakabalik pa pala ako dito, pero makakaalis ako dito ng hindi na sa kalungkutan kung hindi ay sa kasiyahan.

I used my power at may isang malakas na pagsabog ang nagbunga nito dahilan para magsigawan ang mga tao. Sisirain ko ang kasiyahan niyo.

"Ahh miss. Sino ka?" tiningnan ko ang tatlong babaeng nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang takot nila.

"Umalis na kayo rito." at saka ako umalis sa harapan nila. That three girls will be my prey.

Tiningnan ko ang kaharian na nagkakagulo na at nakita ko ang mga takot sa mukha nila. Mula ngayon, wala ng kasiyahan na magbabalot sa inyo.

***

I smirked as I looked at my hands. Nandito ang missing piece na ninakaw ko kanina lang. Hindi ko lang maisip na walang nasabihan ang babaitang iyun na muling nabuhay ang pinakamakapangyarihan na kaharian, mabuti naman ako na mismo ang sisira sa kanya.

***

"I'm s-sorry miss. Okay ka lang?"

Iwinakli ko ang kamay niya ng akmang lalapitan niya ako. I looked at her, familliar siya sa akin.

"Yes, I'm okay. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi na ito mangyari ulit miss."

"Y-yeah, I'm sorry talaga. H-hindi ko s-sinasadya."

"Sushi okay ka lang?" hindi ko pinansin ang bagong dumating sa pagitan namin.

"You don't have to be sorry to me. Hindi naman ganoon kasakit." Tiningnan ko muna siya at tinalikuran.

"Pagpasensyahan mo na si Sushi, ganoon lang talaga siya. By the way, okay ka lang ba? Kamusta kana Shanaize?"

I stopped when I heard a familliar name. I looked back to check kung sino ang nagsabi nun. I saw Goldie talking to the new girl, Shanaize? Shanaize. Napangisi ako ng muli ko siyang makita.

It's been a long time...

***

Mukhang swinerte yata ako at naging magka dormmate kami ni Shanaize. Nakita ko siyang lumabas sa kwarto niya at mabilis akong nagpunta sa lugar niya. I saw a book na walang pamagat because of my curiousity binasa ko iyon.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now