2

2.4K 103 0
                                    

Abby's POV

"Ate, Ayos kalang?" Tanong ng kapatid ko sakin agad ko naman niyakap si Abea at hinalikan siya sa kanyang noo.

"A-ah? O-oo okay na okay lang ako" Sagot ko sa kanya inalis ko ang pagkakayakap ko at tumingin kay Abea.

"Kilala kita ate abby, May bumastos nanaman siguro sayo. Ate umalis kana kasi sa trabaho mo hayaan mo nalang ako dito" Tumahimik nalang at tinignan siya.

"Hindi ba nangako si ate sayo na ilalabas kita dito sa ampunan"

"Pero ate...Ayukong nakikitang nahihirapan ka dahil sakin tignan mo may pasa kapa sa braso mo" Agad ko naman tinakpan ang pasa ko para hindi niya makita. 

"Ate abby, Pano kung hindi lang panghahawak at pagbabastos ang gawin nila sayo. Hindi ko mapapatawad sarili ko kung pati ikaw ate mawala sakin" Pinunasan ko naman ang luha ni Abea at hinawakan ang kanyang balikat.

"Alam mo ba kung bakit ginagawa ni ate to? para hindi mo maranasan to kaya kita pinunta dito sa ampunan abea para walang sinoman ang makapanakit sayo. Balang araw maiintindihan mo si ate kung bakit nya ginagawa to" Hinalikan ko naman ang pisngi ni Abea bago siya yinakap.

Napapikit nalang ako habang yakap yakap si Abea. Kung mayaman lang ako baka naialis ko na siya dito sa ampunan, ayukong danasin ni Abea kung ano ginagawa ko. Pinangako sa sarili ko simula ng namatay ang parents namin ni Abea ay poprotektahan ko siya. Kahit ako nalang mahirapan huwag lang siya.

Wala ako maisip na ibang madaling pagkakitaan kaya naman pinasok ko ang pag tatrabaho sa bar, Kung sino sinong lalake ang tinatable ko pero ni minsan hindi ako nagpagalaw sakanila dahil kahit papano may dangal pa ko na ihaharap sa kapatid ko.

"Hala! Ate abby may pasok ka pa bakit kasi dumaan kapa dito sa ampunan eh!" Parang nanay na sabi ni Abea, Natawa naman ako bahagya sa sinabi niya para talagang mas matanda si Abea sakin kahit na 9 years old palang siya.

"Minsan lang tayo magkita tapos pinapaalis mo na agad ako?" natatawang tanong ko sa kanya agad naman niyang hinalikan ang pisngi ko.

"Ate abby Diba sabi mo pag nakapagtapos ka gaganda na yung buhay natin? Pumasok kana para gumanda buhay natin in future tapos sstop kana sa trabahong pinapasokan mo ah!" Napaka matured talaga mag isip ni Abea isa lang masasabi ko ang swerte ko at nabigyan ako ng kapatid na katulad niya marunong siyang umintindi sa nangyayare samin.

"I love you ate! Para sa future natin magkapatid magaaral kang mabuti ah!"

"I love you too little sis, para sayo lahat ng gagawin ni ate" Nakangiting sabi ko at tumayo.

--

Naglakad nako papuntang University malapit lang naman ang ampunan sa pinapasokan ko. Kaya naman nadadalaw ko kahit papaano ang kapatid ko.

"Hi Abby!" Masayang bungad sakin ni Belle ng makapasok ako sa gate ng University.

"Hello Belle" Nginitian ko nalang siya, Sinabayan naman niya ako sa paglalakad every morning naman siya ang lagi kong kasama.

Into You Where stories live. Discover now