Special Chapter

1.5K 117 29
                                    

Sevi's POV

"26 kana pero wala ka pa din Girlfriend. Bakla kaba Kuya?" Agad kong sinarado ang libro na binabasa ko tinignan ng masama si Sedine.

Everyday niya ako sinasabihan na bakla, ako bakla? Sa gwapo kong ito?

"Will you pls stop? Hindi ako bakla okay! Sadyang wala lang akong balak magkaroon ng girlfriend" Seryosong sabi ko. Tumayo ako para iwan siya sa may sala ng makasalubong ko si Daddy.

"Inasar ka nanaman ba ni Sedine?" Tanong sakin ni Daddy inakbayan niya ako. Tumango tango lang ako "Sinabihan ka nanaman niyan bakla tama ba? Huwag mo nalang pansinin si Sedine. Alam mo naman tuwang tuwa yun pag nakikita ka niyang nagagalit" Paliwanag ni Daddy sakin. Napangiti nalang ako sa sinabi niya, ginulo naman ni Daddy ang buhok ko.

"Daddy hindi na ako bata hahaha" Tawa ko habang ginugulo niya ang buhok ko. Everytime na magkikita kami ni Daddy ay lagi niyan ginugulo ang buhok ko.

"Pero ikaw pa din ang daddy's boy ko Sevi" Tinapik ni Daddy ang balikat ko bago siya pumasok sa kwarto nila Mommy.

"Oy Si Bakla!" Napabalik naman ako sa pagiging pokerface ng bigla kong nakita ni Sedine.

"Hindi mo talaga ako titigilan? Umalis kana nga! Teka diba may pasok ka!? Bakit ka nandito pa din sa bahay? Isusumbong kita kay Daddy hindi ka nag aaral ng maayos" Pananakot ko sa kanya, Napangisi naman si Sedine.

"Magsumbong ka~ puro ka naman isusumbong kita kay Daddy nye nye nye" Pang aasar pa niya lalo nilabas niya pa ang dila niya para bilatan ako.

Napaka isip bata talaga.

"Daddy! Mommy! Si Sedine oh nang aasar nanaman!" Embes na matakot si Sedine napahalagakgak to sa tawa habang hawak hawak niya ang tiyan niya.

"Napaka sumbongero mo talaga kahit kailan kuya. Palibhasa lahat ng gusto mo binibigay sayo ni Mommy at Daddy hays!" pinunasan naman niya ang luha niya kakatawa niya kaya naluha na siya.

"Anak nang--Umalis kana may pasok ka lagi ka nalang late kaya lagi kang nakakakuha ng pasang awa na grades. Kapatid ba talaga kita?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Paano ba naman? Si Sedine isa sa mga sakit sa ulo nila Mommy at Daddy dahil sa kanya kulang nalang maging second home na ng parents namin ang guidance lagi din bagsak ang grado niya. Ako na nga halos gumagawa ng mga project at assignment niya makapasa lang siya.

"Kakasabi ko lang na huwag kong papakealaman ang buhay mo, pero bakit mo pinapakelaman buhay ko?" Naka crossarm na sabi nito. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Pupunta dito ang mga friends ko ngayon, magkukulong ka nanaman ba sa kwarto mo Kuya Sevi? Ayaw mo ba makipag usap sa iba?" Tanong sakin ni Sedine sinenyasan ko na siya na tumahimik, ayoko talaga naririnig ang boses niya napaka ingay.

Hindi kaya anak siya ni Tita Sheki? Pati kay Tita Sheki sumasakit ulo ko, pag magsalita tuloy tuloy hindi nauubosan ng kwento.

"Punta na ako sa kwarto ko" Sagot ko sa kanya, Irap lang ang sinagot sakin si Sedine kaya hindi ko nalang siya hinintay pa na magsalita.

Into You Where stories live. Discover now