37

2K 97 27
                                    

Sela's POV

"Sela! Tumayo ka nga diyan sumama kana kasi samin!" Pagpilit sa akin ni Ecka at hinampas pa ang likodan ko.

"Ayuko tapos ano makikita ko silang dalawa? Nag momoveon na nga ako dito Ecka" Sagot ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. "Ano hihiga ka lang diyan? Hahayaan mo na mapunta siya kay Nile, Hello Sela unang napunta si Abby sayo" Inalis ko naman ang unan na nakatakip sa mukha ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"Ako ang nauna pero si Nile ang wakas manahimik kana Ecka naantok nako!" Sigaw ko at tinalikodan siya ngunit biglang hinila ni Ecka at paa ko kaya nalaglag ako sa hinihigaan ako.

Napahawak naman ako bandang bewang ko sa sobrang sakit ng mafall ako sa sahig dahil sa ginawa ni Ecka, Minsan na nga lang mafall sa mali pa.

"Puro kayo Nile at Abby, Mga bakla antagal nyo naman ako na hahaggard sa inyo" Saad ni Sheki at pumasok na din sa loob ng Kwarto ko tumayo nalang ako habang hawak hawak ang bewang ko na sumasakit.

"Anyare kay Sela? Ikaw Ecka! Pinagsamantalahan mo si Sela yari ka" Binatokan ko naman si Sheki ng makadaan ako sa kanya. Psh! Ang ingay ingay ng babae na to dapat sinasalpakan ng Mic djk mahal na mahal ko si Sheki as a friend.

"Antagal kasi niya Mars, Nagdadalawang isip pa kung sasama o hindi kaya ayon hinila ka nafall tuloy sa sahig" Natatawang sabi nito.

"Gugutom nako bilisan niyo" Pag mamaktol ni Sheki habang hawak hawak ang kanyang tiyan.

"Sheki hindi naman tatakbo ang hotel palayo, maghintay ka nga" Paalala ko sa kanya. Buti nga kasundo ko pa si Sheki compare sa girlfriend niyang si Alice na walang ginawa kundi tarayan ako. Hindi maka moveon si ate mong girl.

"Alam mo sela, Minsan na nga lang may manlibre tatangihan paba natin? Mas masarap pag libre" agad naman ako nakipag apir sa sinabi niya "Okay lang buraot, atlis busog sheki nuh!" Natawa naman kami pareho sa sinabi namin hanggang sa pag-untogin kami ni Ecka.

"Punyetang baboy!/Ecka masakit!" Sabay na sabi namin ni Sheki habang nakahawak sa noo namin.

"10x ko kayong pag uuntogin pag lalo niyo pang binagalan umayos kayo" Pananakot ni Ecka bago umalis ng kwarto tumingkayad naman si Sheki at pinitik ang noo ko.

"Ginagalit mo ang bakla yare ka! Babush nasa sala lang kami" Pananakot ni Sheki habang tinuturo turo pako nag flip hair pa to bago lumabas ng kwarto.

--

Nakarating na din kami sa venue pagkapasok na pagkapasok namin sa hotel.

"Asan yung pagkain ec---" Agad tinakpan ni Ecka ang bibig ni Sheki dahil sa lakas ng boses nito napagtinginan tuloy kami ng di oras dahil sa pag sigaw ni Sheki.

"Oo kakain tayo bakla ka ng taon hinaan mo boses mo" Gigil na sabi ni Ecka, Pinigilan ko nalang na mapatawa sa ginawa nito.

Nahanap na din namin ang pwesto namin at nakita ko ang babaeng pinalit sakin ni Abby na nagcecellphone... Where's abby hindi ko siya makita?

Into You Where stories live. Discover now