95

1.7K 133 37
                                    

Sela's POV

"Para sayo Sela"

Pinigilan ko naman mapangiti ng bigyan akong bulaklak ni Abby. Napatingin ako kay Sevi na nakasimangot, ano nanaman problema ng bata nato? Daig niya pa ang babaeng nireregla. Si Abby lang talaga nakakaintindi ng ugali na pinapakita ni Sevi.

"Sevi yun totoo hindi kaba natutuwa?" Tanong ko sa kanya. Inangat niya ang tingin niya sakin at pumikit pikit na akala mo inosente.

Tinakpan agad ni Abby ang bibig ni Sevi. "Ganyan lang talaga si Sevi. Naninibago lang siguro kasi hindi ka niya madalas makita" Siya na ang sumagot sa tanong ko kay Sevi. Hindi naman ganyan yun bata nung ako ang nag aalalaga maseminar nga si Abby nexttime.

Lumapit naman ako kay Abby "usap tayo mamaya. Sevi gusto mo ba makita si Sedine?" Binulongan ko muna ang asawa ko bago ko binaling ang tingin ko sa anak kong lalaki.

"Kailangan ko paba siyang makita? Ang sabi po kasi ni Daddy dadalaw lang kami. Wala naman siyang sinabi na kailangan ko pang makita si Sedine" Sarcastic na sabi nito sakin. Nagulat naman ako sa sinagot niya agad ko naman tinignan si Abby ng masama.

Ano bang tinuturo nito sa bata?

"Hindi mo ba siya namimiss? Matagal na din yun huli niyong pag kikita nung kapatid mo" Nakangiting sabi ko siniko ko pa si Abby kaya napaurong to ng kaunti.

"Ganon po ba sige na nga. Nasaan si Sedine po Gusto ko siyang makita" Ilan beses na akong sinasagot nito ng sarcastic ah. Sumasakit ang ulo ko sa panganay ko.

"Sela naman baka mamaya pag sabihan mo pa si Sevi. Wala naman siyang ginagawa sinasagot niya lang naman ng totoo yun mga tanong mo" Pagtatanggol ni Abby kay Sevi mukhang natunogan niya ata na malapit na ako mapikon kay Sevi.

"Actually...Wala...wala talaga akong balak pag sabihan si Sevi" nakangiting sabi ko habang nilalakihan ng mata si Abby. Ito nanaman tayo sa pagiging konsitidor niya kay Sevi.

"Kala ko po ba pupunta tayo kay Sedine? Andami niyo pa po kasing sinasabi" Bagot na sabi ni Sevi. Kanino ba to nagmana? Kung dati tuwang tuwa ako sa ugali nito ngayon binabawi ko na.

Ang mahalaga sakin siya nagmula.

"Sela kayo nalang muna ni Sevi ang magsama, tutulongan ko lang si Belle sa pag aayos doon sa may garden para naman mag karoon kayo ng time. Makapag usap ng maayos" Nakangiting sabi ni Abby tumango nalang ako at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko.

"Huwag mong papagalitan yun si Sevi. Hindi kasi siya sanay na pinagsasabihan, kung anong gusto niya. Ibigay mo nalang okay" Tignan mo tong babae nato tinuturoan pa akong spoiled ang bata. Ihampas ko kaya sa kanya yun bulaklak na hawak ko.

"Let's go Sevi, tutulong lang daw si Daddy mo kay Tita Belle sa pag aayos sa garden. Ako na bahala sayo" Inabot ko muli kay Abby ang binigay niyang bulaklak sakin. "Kunin ko nalang mamaya. Sasamahan ko pa yun bata para makita niya yun kapatid niya" Seryosong sabi ko kay Abby.

Hahawakan ko sana ang kamay ni Sevi pero agad niya itong iniwas at naunang maglakad. "Hays Bahala na nga" Buntong hininga ko at sumunod nalang ako sa kanya.

Into You Where stories live. Discover now