36

1.9K 98 19
                                    

Abby's POV

Pagkatapos ko mag ayos ay tinext ko muna si Luke gusto ko sanang malaman kung anong No. ni Sela at kung saan nato nakatira ngayon. Bakit biglang nagbago isip ko at parang gusto nitong magpaliwanag sa nakita ni Sela? Wala naman masama Girlfriend ko si Nile kaya pwede namin gawin yun haist bigla akong nagugulohan sa mga nangyayare ngayon.

"Sira ka Abby" Saad ko sabay hagis ng phone ko sa kama. Bigla naman tumunog to at dali dali kong tinignan kung sino ang nagreply.

Ineexpect ko na si Luke ang nagreply, ngunit nag notif lang pala ang isang comment ng fan sakin. Haist paano ko nga ba hahagilapin yung babae na yun?

"Yung condo...Nandoon kaya siya?" Tanong ko sa sarili bago lumabas ng kwarto ko nakasalubong ko naman si Abea na nagcellphone.

"Ate saan ka pupunta? Nagpaalam kaba kay Ate Ni---"

"Abea, umalis lang ako saglit pakisabi kay Nile pag dumating siya okay! Bye love you sweetie" Hinalikan ko naman siya sa pisngi bago tuloyan umalis.

Pagkalabas ko dali dali akong sumakay ng kotse at pinaandar to. Ilan taon din akong hindi nakabalik doon, Ano na kayang itsura na lugar na yun? Nagbabaka sakali lang naman na makita ko si Sela at makausap ko siya gusto ko magkaroon kami ng Closur---Hindi naman naging kami anong closure pinagsasabi ko.

Dali dali naman ako bumaba sa kotse ko at dumiretso kung saan yung unit ni Sela noon. Nakailan doorbell nako pero wala akong sela na nadatnan, hindi na ata talaga siya nakatira dito...Asan na kaya siya ngayon? Umalis na kaya ulit siya katulad ng ginawa niya noon?

Pagkalabas ko sa building ay naglakad lakad muna ako habang iniisip kung saan ko pa siya pwedeng mahanap bigla naman bumubos ang malakas na ulan. Medyo malayo na din naman ako sa kotse ko kaya hindi nako bumalik pa sa halip ay nagpaulan nalang muna.

Napadpad ako sa isang playground malapit sa building ng condo unit ni Sela. Hindi ko mapigilan mapangiti ng muli ko siyang nakita siyang nakaupo sa may swing at nakayuko, dahan dahan naman akong lumapit dito.

"Sela....Nahanap din kita"

Sela's POV

"I miss her..." Bulong ko sa aking sarili habang nakaupo sa may swing. Pinunasan ko nalang ang luha ko, Wala din naman masyadong dumadaan kaya walang nakakapansin kung umiiyak ba ako o hindi.

Patuloy pa din ang pag iyak ko habang nakayuko lang ako at nakaupo sa swing hanggang sa bumuhos ang napakalakas na ulan kaya nag sitakbuhan ang lahat ng tao dumadaan.

"Sela...Nahanap din kita" Napatingala naman ako sa boses na narinig ko. Laking gulat ko na makita ko Si Abby na nasa gilid ko at nakatingin lang ito sakin.

"A-abby" Banggit ko sa pangalan niya na parang bata habang humihikbi. "Bakit nag papaulan ka? Baka magkasakit ka niyan" Nagaalalang tanong niya sakin.

"Pareho lang tayo abby...." Sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya naramdaman ko naman na umupo siya sa katabi swing ko.

"May problema kaba?" Tanong nito sakin, hindi ko siya tinignan nakayuko lang ako. Ngayon pa talaga ako nahiya kung saan nandito na siya sa tabi ko, hindi ko kayang magsalita.

"Sela yung nakita mong kahapon"

"Abby, Totoo yung sinabi ko na masaya ako sa inyo dalawa ni Nile" Mahinang sabi ko sapat na yun para marinig niya.

Into You Where stories live. Discover now