79

1.4K 99 24
                                    

Abby's POV

"Ano ba nambabatok ka nanaman simula nung nasa sasakyan tayo binabatokan mo ko!" Sigaw ko sa kanya habang pinapatulog ko si Sedine ngayon. Sinamaan ko ng tingin si Sela hanggang pag uwi binabatokan niya ako.

Buti nalang mahaba pasensya ko pero malapit na kunti kunti nalang...

"Pinapatulog ko yun bata nakikita mo ba?" Tanong ko sa kanya, natahimik naman si Sela bahagya at lumabas ng kwarto.

"Yun Mommy mo talaga Sedine hindi ko naman siya inaaway pero siya tong nang aaway sakin. Ako nga dapat magalit kasi nilalandi siya nung babae na yun pero ang ending ako nanaman yun nabugbog" Pag susumbong ko sa anak ko as if talaga na may magagawa si Sedine. Umiinom kasi siya ng gatas habang nasa baby crib siya ngayon.

"Sedine sana paglaki mo alam ko naman magiging kamukha mo si Mommy Sela mo pero please lang. Huwag naman pati ugali makuha mo naawa ako sa magiging Boyfriend/Girlfriend mo. Baka matulad sakin kaya magpapaka goodgirl ka huwag na huwag kang gagaya sa ISA DIYAN, everyday nangungurot under na under na ako hindi ko talaga alam kung ano ang nagustohan ko sa Mommy mo" Dagdag ko pa, siraulo naba ang tawag sakin kinakausap ko ang isang bata na natutulog ngayon?

Wala din naman akong makausap si Sedine lang kahit alam kong hindi siya magrerespond sa mga sinasabi ko.

"Pero kung may isang bagay man ako ipagpapasalamat ay yun dumating ang mommy mo at kayong dalawa ni Sevi. Napapatanong nalang ako kung totoo ba to o panaginip lang to. Ayoko na isang araw magising ako na wala kayo sa tabi ko kayo lang ang pinaka mahalaga sakin ngayon. Okay lang kahit sigawan at saktan ako ng Mommy as long na buo ang pamilya natin, kasi ayoko na lumaki kayo na di complete ang family katulad ko. Bata palang ako namulat ako na isang araw na wala na yun Parents ko" Yumuko nalang ako sabay napaupo sa malapit sa tabi ni Sedine at pinunasan ko ang luha ko. May mga times talaga na hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko.

Lagi ko nalang kinikimkim to, ayoko makita ni Sela na umiiyak ako kaya pag alam kong wala siya sa paligid. Bigla bigla nalang akong nagiging emosyonal ngayon.

Kinuha ko naman ang cellphone ko nag scroll ako ng mga litrato sa gallery ko. "Wala palang nagbago kay Sela ganon na ganon pa din ang itsura niya" Mahinang sabi ko habang nakatingin sa lumang litrato namin dalawa na sa palagay ko ito yung highschool kaming dalawa.

"Hindi ko pala nadelete yun litrato namin ni Nile buti hindi manlang napansin ni Sela to sa gallery ko" Pipindotin ko sana ang delete ng may naalala ako.

"Nile ah, Nag iwan ako ng message dahil matagal na kitang hindi nakikita sa school ayos kalang ba?" Nakayuko na sabi ko habang nasa tapat ako gate ng school. Nilipat ko ang tingin ko sa may kalsada kung saan lagi akong sinusundo nito.

"Hihintayin kita sa park kung saan tayo unang nagkita alam mo naman yun diba?" Dagdag ko pa nag lakad nalang ako patungo sa park kesa sumakay pa.

"Lagi kitang hinihintay tuwing Mag7PM baka kasi dumating ka, ayoko naman madatnan mo ang meeting place natin na wala ako. Ang totoo niyan Nile Gusto kita...Gustong gusto kita" pagkatapos ko mag iwan ng voice messages ay agad kong shinutdown ang phone ko. Sobrang pula ng mukha ko dahil sa sobrang hiya na din.

"Abby dapat sinabi mo nalang sa kanya once na magkita kayo... Wait siguro pwede pa naman idelete" tinignan ko ulit kong may magagawa paba ako para hindi niya mabasa yun pero wala naman delete sa message dito T^T

Hindi nalang ako nagsalita pa sa halip hinintay ko siya na dumating kahit na matagalan siya hihintayin ko siya. Gusto ko si Nile gustong gusto ko siya ng mawala si Sela siya lang ang naging sandalan ko at hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya.

"Hindi ka dapat pumupunta dito pag gabi na mag isa paano nalang kung may mangyare sayo?" Isang boses ang narinig ko mula sa likodan ko.

"Nile" sambit ko sa pangalan niya. Patakbo naman siyamg lumapit sakin at hinila ang suot kong uniform papalapit sa kanya.

"Sabi ko naman hindi mo kailangan pumunta dito pag gabi na ikaw lang mag isa. Huwag mo naman akong pinag aalala mag 9:30 na Abby" Nagtaka naman ako ng mapansin ko napaka putla niya.

"A-ayos k-kalang b-ba Nile?" Nauutal na sabi ko ng hipoin ko ang pisngi niya agad akong napaso sa sobrang init niya. "NILALAGNAT KA!?" sigaw na tanong ko sa kanya inalis ko naman ang suot suot kong coat sa kanya at pinaupo ko muna siya sa swing.

"Kaya ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko dahil may sakit ka?" Tanong ko sa kanya nakayuko siyang tumango. "Nakadating naman ako ngayon diba? Yun ang maganda pero sa susunod huwag kang pupunta na mag isa dito Abby" Sabi nito.

Napakagat labi nalang ako habang nakatingin sa kanya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. May sakit siya dapat nasa bahay lang siya nila ngayon pero ito si Nile kasama ko siya.

"Uuwi na tayo" Salitang na sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanya napalingon siya sakin.

Inalalayan ko siya na makatayo habang naglalakad kami ni Nile napahinto siya kaya pati ako huminto na din sa paglalakad.

"Totoo bang gusto mo ko?" Tanong niya sakin bigla naman akong namula at iniwas ko ang tingin sa kanya. So napakinggan niya talaga ang VM ko sa kanya kanina.

"O-oo gusto kita..mali mahal kita Nile" Nauutal na sabi ko gusto ko sanang itago ang mukha ko para hindi niya makita ang pamumula ng aking mukha.

"Gusto din kita Abby kaso." Napahinto to sa pagsasalita.

"Kaso?"

"Mamahalin mo pa kaya ako once na bumalik si Sela? Masasabi mo pa kaya yan mga salita na yan pag bumalik na siya?" Tanong niya sakin. Malungkot siyang ngumiti sakin at naunang pumasok sa kotse.

"Tama lang pala na hindi ko sinagot ang tanong niya nung araw na yun" Balik ko sa realidad pag katapos kong maalala ang tinanong ni Nile sakin.

"Abby oh" Napalingon ako kay Sela nagtaka ako ng may ibigay siyang lubid sakin. "Para saan to?" Takang tanong ko habang hawak hawak ko ang inabot niya sakin.

"Play with me Abby" Nakangising sabi niya bago niya kunin sakin ang lubig at itali sa mga kamay ko.

"Ha!? Ano!?"

--

Into You Where stories live. Discover now