64

1.7K 83 19
                                    

Abby's POV

Nagising ako mga hapon na nakapatong naman ang hita ni Sela sakin habang nakayakap. Panay din tunog ng phone ko kaya tinignan ko muna kung sino tumatawag, Si Nile pala....S'ya kasi tumutulong sakin ngayon, napatingin naman ako kay Sela na mahimbing na natutulog. 

Hinalikan ko naman si Sela sa noo napangiti lang to, inalis ko dahan-dahan pagkapatong ng hita niya pati ang pagyakap niya sakin. Tumayo nako kahit wala akong saplot dinala ko din ang phone ko bago ako pumunta sa cr.

Binuksan ko naman ang shower para sure na hindi masyado marinig ni Sela, Ako na tumawag kay Nile mabilis naman niya itong sinagot. Wala bang ginagawa to? Parang isang ring sinagot na niya agad.

"Finally, Abby anong balak mo? Tawag ako ng tawag sayo pero hindi mo sinasagot nakakabwesit na ha" napipikon na siguro to dahil lampas 20 missed call ang natanggap ko galing sa kanya.

"Sorry, Si Sela kasi nahihirapan ako makasagot ng tawag kapag nandiyan siya. Pinag iisipan pa nga niya na may babae ako kahit wala" Binuksan ko na din ang tubig sa bathub saka humiga doon.

"Naliligo kaba? Ang ingay huh, kailan ba tayo magkikita Abby? Sana pag magkita tayo maayos, ayukong makita ni Sela dahil baka pati ako madamay kilala ko pa naman ugali nun baka sirain niya maganda kung mukha"

"Wala ng masisira sayo Nile matagal ng sira yan" napatawa naman ako sa sinabi ko, siguro uminit na dugo ni Nile sakin ngayon napatahimik kasi siya.

"Magagawa mo ba ng paraan mamayang gabi magkita tayo? May ipapakita sana ako sayo"

"Gagawa ako ng paraan para makatakas mamayang gabi. Nile salamat sa tulong kahit alam ko naman na labag sa loob mo ang ginagawa mo ngayon" Saad ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit sakanya ako nanghingi ng tulong.

"Huwag kanang magpasalamat kaibigan mo naman ako, Sige gawan mo ng paraan yun hindi ka mahuhuli ni Sela baka pag nahuli ka niyan hindi lang ikaw ang masasaktan nun baka pati ako, sayang naman gantong mukha bye!"  Nilapag ko naman ang phone ko sa hindi nababasa ng muling tumunog to si Sheki naman ngayon ang tumatawag.

Pataposin naman nila ako maligo.

"BAKIT?!" Pasigaw na sabi ko "hoy! Vakla ka asan si Sela? Hindi niya ako sinasagot! Don't tell me nirape mo kaibigan ko ha!" Sigaw din niya sa kabilang linya, baka si Sela nangrape sakin hind ako.

"Asa gantong mukha? Natutulog pa si Sela, maya kana tumawag naliligo ako Sheki pataposin mo ako maligo then pwede tayo mag usap kahit 24/7 pa" Binaba ko na ang tawag niya, gusto ko maligo para matanggal naman ang ano sa katawan ko.

--

Pagkatapos ko maligo at magbihis lumapit naman ako kay Sela para gisingin siya. "Sela, gising na hapon na" Niyugyog ko naman siya para magising. "Anong oras na?" Tanong niya sakin nakapikot pa din siya.

"4PM na gumising kana"  pinalo ko naman ang pwet niya, napamulat to mabilis na tumingin sakin. Hindi manlang nagdamit' baka pumasok yung bata mamaya.

"Inaantok pa ako" Hinila ko naman siya paupo dahil tamad na tamad din siya tumayo. Napakapit to sa balikat ko at sinandal ang ulo niya sa may chest ko. "Abby, kahit 10 minutes nalang inaantok pa ako" bulong niya inalis naman niya ang pagkakapit niya sa balikat ko, hinawakan niya ang kamay ko.

"Sela hindi pwede, Lumabas na tayo baka ano pa isipin nila Abea" saad ko sa kanya "Tama naman iisipin nila anong problema doon?" kinurot ko naman siya sa tagiliran niya.

"Sela huwag mo naman alisin sa utak ng kapatid ko yun pagiging inosente" Sabi ko sa kanya napahagikgik si Sela, nakasandal talaga siya sakin kahit walang suot na kahit anong damit? Strong naman nitong babae nato hindi ba siya nilalamig?

Inayos ko naman ang buhok niya "Mag ayos kana, baka pumasok bigla si Sevi ayaw mo naman siguro na maabotan ka ng nakahubad" Sabi ko sa kanya.

Niyakap naman ako ni Sela kaya napaliyag ako ng kunti sa ginawa niya. "Hindi pa din ako makapaniwala na kasama kita Abby na aabot tayo hanggang dito. Blessing na din siguro si Sevi satin dalawa, Masaya lang talaga ako feeling ko kumpleto na ako Abby dahil kasama ko kayong dalawa ni Sevi alam ko din na hindi ako nag-iisa" Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang shoulder niya.

"Basta ang alam ko lang Sela' ikaw ang babae ang gusto ko makasama hanggang sa huli, mahal na mahal kita hindi ako magsasawa sabihin sayo yun" sabi ko at pinulupot ang kamay ko sa bewang niya.

Napatingin naman sakin si Sela at ngumiti "Mahal din kita hindi man tayo naging maayos sa simula pero ito tayo ngayon, masaya sa piling ng isa't - isa" sinandal ko naman ang ulo ko sa ulo niya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

--

Nile's POV

"Hey! Nile" Lumapit naman sakin si Rans habang may dalang wine nilapag niya yun sa table ko. Tinignan ko naman siya "Oh? May celebration ba?" Tanong ko sa kanya ako na nagbukas ng wine na dala niya.

Nilapag naman ni Rans ang dalawang wine glass bago magsalita "Oo meron, malapit na magpropose si Abby kay Sela diba? Ibig sabihin ikakasal sila" Nilagyan ko naman ang glass ng wine at ngumiti sa kanya. "May nag propose ba na walang balak ikasal? Malamang ikakasal sila Rans, bakit Nakakaramdam kaba ng selos?" Kinuha ko naman isang wine glass at ininom ko ito.

"Medyo, Crush ko kasi si Sela sayang kala ko naman may pag asa ako sa kanya"

"Musta naman sakin? Ex girlfriend ko si Abby...tapos ngayon tinutulongan ko siya kung paano siya mag propose kay Sela, mas masakit kaya sa part ko yun na dapat ikaw yun aalayan niya ng singsing pero ibang daliri ang mag susuot" Pinilit ko naman ngumiti, mahal ko pa din si Abby kaso need ko nalang mag move on dahil ang pagmamahal ko sa kanya walang pupuntahan. Kaibigan lang ang tingin niya sakin' huwag na umasa Nile.

"Sayang ang bilis mo kasing sumuko hawak mo na si Abby pinakawalan mo pa sabi ko sayo dapat noon palang binalak mo na ika----"

"May Anak si Abby kay Sela, Alam mo yan diba? Ano pag kakaitan ko yun bata na hindi makumpleto ang family niya. Hindi ako ganon kasama Rans" Saad ko sa kanya pinuno ko ang wine glass ko ng wine at ininom ito.

"Kung walang anak sila hindi mo hahayaan na mapunta si Abby kay Sela diba? Pagdating sa bata talaga napaka soft mong tao Nile" Sabi naman ni Rans sakin nginisian naman ako nito, napatingin naman ako sa malayo sa narinig ko hindi ko kayang manira ng pamilya.

Tinignan ko naman si Rans na hinihintay ang sagot ko "Anong gusto mong mangyare Rans?" Seryosong tanong ko sa kanya, lumapit naman sakin si Rans "Simple lang Nile, kaya mo ba makipag kasundo sakin?" Tanong nito sakin napalunok naman ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Kaya ko ba?

--


Into You Where stories live. Discover now