33

1.8K 93 26
                                    

Abby's POV

"Ms. Abby, May hinahanap po ba kayo napansin ko kanina kapa palinga-linga" Tanong sakin ni Lara hanggang ngayon naiilang pa din siya sakin. Halos araw araw na kami nagkikita.

"Abby nalang itawag mo sakin hindi naman nagkakalayo ang edad natin..." Saad ko at muling tumingin sa paligid ko "Nakita mo ba si Rans?" Tanong ko ng mapansin na wala si Rans sa paligid.

"Si Ms.Rans po ba? Napansin ko pumasok sa waiting room, Sa room 201 wait......Hala bakit namali yung pinasokan niya" kinakabahan ni Lara nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"What do you mean na namali ang napasokan niya?" Tanong ko kay Lara at hinawakan ko ang bandang braso nito para kumalma siya kahit papano.

"Kasi yung room na yun doon nag stay si Direk Sela pansamantala, Hala ako nalang pupunta Abby kakausapin ko nalang si Ms. Rans na mali yung napasokan niya" Akmang aalis ito ng pigilan ko siya.

"No, Ako nalang doon din naman punta ko sasabihan ko nalang si Rans"

"Sigurado ka po ba?" Tumango nalang ako ngumiti sa kanya tapos tinapik ko siya.

Nakarating na din ako sa tapat ng room, muli ko naman tinignan kong anong no. ng room ang nasa harapan ko.

"201 huh gotcha" Nakangiting sabi ko.

"Rans did you see my----What the" Pagbukas ko ng pinto nawala ang ngiti ko ng makita ko nakahawak si Sela sa bewang ni Rans habang hinahalikan to.

Mukhang narinig nila ako kaya dali dali napahiwalay ang dalawa. Tinitigan ko naman si Sela na walang emosyon hindi pa din talaga siya nag babago kung sino lang ang matipuhan niya agad niyang tinutuka.

Anlayo ng ugali nila ni Nile, Paano ko nga ba siya nagustohan noon?

"Hi Abby! Ano yun?" Nakangiting tanong ni Rans sakin na parang wala siyang ginagawa with Sela.

Napaiwas naman ang tingin ni Sela sakin.

"Nevermind" Tugon ko.

Bigla naman kaming may narinig na nag riring ng phone kaya napasalit salit ang tingin ko sa dalawa.

"Lowbat phone ko sayo ba yun abby?" Tanong ni Rans, napatingin ako kay Sela na may kinuha sa bulsa niya.

"That's mine" Saad nito napatango nalang ako tinignan si Sela bago niya sagutin ang tawag. "Hello Bak---What happened to Sevi? Okay okay papunta nako diyan pls take care of him..Doc naman kala ko ba ayos na?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala sa mukha niya, bigla tuloy akong kinabahan sa itsura niya.

May nangyare kayang masama?

" I'm sorry papunta nako diyan ako na mismong mag aayos" Agad naman siyang napatingin samin.

"I'm sorry pero mauna nako may urgent akong pupuntahan" saad nito at nagmamadaling lumabas ng room pagkaalis niya napatingin ako kay Rans.

"So ano yun nasaksihan ko?" Tanong ko sa kanya napacross arm naman si Rans at ngumiti sakin, Bakit ba naiirita ako ngayon?

Into You Where stories live. Discover now