68

1.6K 97 28
                                    

Abby's POV

"Tumayo at mag ayos kana, baka isipin mo may ginawa ako sayo wala" Hinagisan naman ako ni Nile ng twalya' sinalo ko naman ito at tinignan siya hindi siya nakatingin sakin.

"Wala akong sinabi ikaw nagsabi niyan. Anong oras na?" Tanong ko sa kanya kinapa ko naman ang phone ko sa bulsa ko kaso di ko maramdaman baka naiwan ko sa bahay o di kaya sa kotse.

Tinignan naman ni Nile ang phone niya "Uhm 5AM, Kanina pumunta si Sela dito na galit hindi ko sinabi na nandito ka kasi baka lalong mas magalit kaya ikaw na bahala gumawa ng dahilan mo" What the....Si Sela pumunta dito? Paano naman niya nalaman na nandito ako.

"Hindi ko sinabi Abby, gumawa na nga lang ako ng palusot para di niya malaman. I guess tinawagan niya isa sa mga friends mo" Lalabas na sana si Nile ng tumayo ako at hinawakan siya sa braso "salamat hindi mo sinabi pero...." Nahihiya naman ako sa kanya habang nakatingin ito sakin.

"Pero ano?"

"May extra damit kaba diyan? Pahiram naman ako amoy na amoy ko kasi yung ininom natin kagabi kaya....Makikihiram na muna ako sayo" Nahihiyang sabi ko sa kanya. Siguro kakasya naman sakin damit niya hindi naman magkalayo ang katawan namin ni Nile sadyang mas sexy lang siya kesa sakin.

Inalis ko naman ang pagkakahawak ko sa braso niya, masyadong touchy siguro "Mag shower ka na muna may robe naman doon, hahanapan na muna kita ng masusuot mo....Pati ba uhm" uhm? Pabitin naman ito si Nile.

"Underwear?" Tanong ni Nile sakin, namula naman akong sa tanong nito sa'kin. Isa sa pinaka nakakahiyang bagay at narinig ko "Ahh" Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya dahil nahihiya talaga ako.

"May bagong bili naman ako kaso baka hindi kasya--" Tinulak ko naman siya palabas ng kwarto "Abby! Nagsasalita pa ako huwag ka ngang bastos!" rinig kong sabi niya pagkatapos ko siyang saradohan ng pinto.

"Ikaw na bahala! Ako naman mag susuot impossible naman na hindi mo alam size ko Nile ilan beses mo na nakita katawan ko!" Sigaw ko sa kanya, Lupa kainin mo ko pero mas kinakabahan ata ako sa mangyayare pag uwi ko baka headlock abot ko kay Sela.

Itong nagdaan na mga araw si Sela masyado ng mapanakit sakin nakasanayan na yata niya ako saktan. Kala ko pa naman ako Batas sa lahat pero tiklop ako pag siya na kaharap ko nakakatakot kasi siya magalit para kang nakakita ng dragon.

Wait---Tinignan ko naman ang doorknob mas okay ng nakalock para hindi makapasok si Nile baka biglang pumasok.

Nag punta na din ako sa CR binuksan ko ang tubig sa bathub saka humiga. Ansarap ng pakiramdam ko ngayon baka mamaya hindi na, baka nga maubos na buhok ko kay Sela kaya ihahanda ko na ang sarili ko fresh akong dadating doon.

--

Lumabas na ako habang suot suot ang bathroom robe na sinasabi ni Nile. Binuksan ko na din ang pinto nakataas lang isang kilay ng taong kaharap ko ngayon.

"Oh, kala ko pag hihintayin mo pa ako sa labas" Kinuha ko naman ang hawak niyang mga susuotin ko. "Btw sa tingin ko naman kasya yung bra na yan sayo" Napatingin ako kay Nile sa sinabi niya, ito nanaman kaming dalawa.

Into You Where stories live. Discover now