15

1.7K 100 18
                                    

Abby's POV

"Salamat abby ha sinamahan mo ko mamili sa watson" Sabi ni Belle sakin tumango ako sa kanya.

"Para saan ba yan belle? Bakit bigla mo ata gustong mag paganda ngayon" Takang tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi si Belle mahilig mag ayos.

"Secret! Pero sige na nga sasabihin ko kung bakit hihihi!" Kinikilig na sabi nito at hinampas pa talaga kaya napaurong ako kaunti para hindi na niya ako matamaan pa.

"Secret pero sasabihin mo? Magandang gawain yan" Sabi ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad.

"May transferee kasi sa section namin ang gwapo at cute nila abby! Dalaw dalaw ka din minsan sa room para makita mo ha" Tinapik pa talaga niya ako. Mukha ba akong may interest sa mga ganyang bagay? Lakas ng tama. 

Napatingin naman ako sa babaeng papalapit sakin. Ano ginagawa ni Sela dito? Kahit malayo pa lang siyang nakikita ko na nakangiti to sakin.

"Si Guia ba yun?" Tanong ni Belle habang nakatingin kay Sela na papunta samin.

Bigla naman tong huminto sa harapan ko at hinawakan niya kamay ko kaya naman nagtaka ako at gulat na nakatingin sa kanya.

"Sela a-anong----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nginitian niya ako kaya napatigil ako sa pagsasalita.

Anrupok abby....

"Come with me abby" Nakangiting sabi ni Sela at hilahin niya ako.

Nagtaka naman ako ng papunta kami sa mga kaibigan niya at may babaeng nakaluhod doon na nakatingin samin dalawa ni Sela.

Anong nangyayare?

Huminto naman kami sa tapat nung babaeng nakaluhod. Ang ganda niya din' Required ba talaga pag kaibigan ni sela magaganda halos lahat ata ng kasama niya mukhang mayayaman din.

"Gia, Alam mo hindi na pwede ang gusto mo dahil itong kasama ko siya nga pala yung pinalit ko sayo at mahal na mahal ko siya, tama ba love?" Nabigla naman ako sa sinabi ni Sela sakin.

Ibig sabihin naging sila ng babae nato? Hindi siya straight na inaakala ko.....

"Hindi ako naniniwala sela" Matigas na sabi nito at tumayo. Kung nakamamatay lang ang sama ng tingin baka namatay nako sa titig nito sa akin.

"Well sorry ka pero totoo" Halos di ako makagalaw ng ilagay ni Sela ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Pwede na ba akong himatayin sa ginagawa ni Sela?

Feeling ko anytime mag circuit break na yung function ng heart ko.

"Love....I love you" Nginitian ulit niya ako bago siya pumikit.

L-Love? I- I love you? Tama ba rinig ko?

Nagulat naman ako ng biglang hilahin ni Sela ang batok ko at hinalikan niya ako. Nabigla naman ako sa ginawa niya kaya napasinghap ako sa ginawa.

Napapikit nalang ako sa ginawa niya din. Naramdaman ko naman na inalis ni Sela ang pagkakahawak niya sa batok at nilipat ito sa bewang ko.

Into You Where stories live. Discover now