16

1.7K 107 2
                                    

Sela's POV

Nasa harapan ako ng hapagkainan kasama ang aking Family ngayon. Later ko nalang itetext sila Ecka about sa project namin uutosan ko nalang sila na iinform si Abby sa gagawin namin na project na movie. Iniisip ko lang na baka malabong mangyare ang pinapagawa nung teacher na yun dahil 5 members sa isang movie? Characters palang kulang na aish.

Muling susubo na sana ako ng aking kinakain ng sirain ni Dad ang tahimik na atmosphere.

"Kaibigan mo daw si Abby?" Tanong nito sakin kaya napabaling naman sa kanya ang tingin nila Mommy at kuya

"Dad who's abby?" Nakangiting tanong ni Kuya sa kanya.

"Hindi ko siya kaibigan" Sagot ko at sinubo ko na ang pagkain at nginuya to.

"Then what? girlfriend? Good f--"

"Can i just eat quietly?" Mahinahon na sabi ko at binaling ko na ang tingin ko kay Daddy. Napalunok naman si Mommy ng makita niyang tinignan ko si Daddy.

"O-oo nga pakainin mo muna yung anak mo. Umagang umaga yan agad pinag uusapan niyo" Singit ni Mommy.

"I like Abby for you' Kilalang kilala ko ang batang yun dahil ako ang nagpa aral sa kanya simula nung mamatay ang parents niya" Panimula ni Dad.

Bigla naman ako naging curious sa background ni Abby dahil sa sinabi ni Daddy. Kung ganon wala na siyang parents? So sino na ang nakakasama niya don't tell me yung palagi niyang nakakasama.

"Dad, Bakit hindi mo manlang pinakilala samin ni Sela diba?" Tanong ni Kuya sa kanya. Pati pala siya biglang nacurious si Abby hindi na din ako magtataka kung magkagusto siya kay Abby.

"Alam ko din naman na wala kayong pake lalo na sa mga scholar ko. Alam nyo ang swerte nyo nga kasi nakakasama nyo pa kami ng mommy nyo habang yung iba gumagawa pa ng paraan para ma------"

"Hmm. I get it tinopic mo yung girl para pag sabihan kami ni Kuya? How nice" Saad ko at binitawan ang tinidor at kutsarang hawak ko ang pinunasan ko ang labi ko.

"Sinasabi ko lang marsela na ang swerte nyo pa dahil nakakasama nyo pa kami. Balang araw pag nawala kami malalaman mo din ang ibig kong sabihin" Saad ni Daddy sakin. Kumunot noo naman ako dito at tumayo nalang.

"I'm Done" Tumayo nako para sana lumabas ng muling nagsalita si Daddy.

"Just don't think Gia too much Sela" Napairap nalang ako sa sinabi ni Dad nasingit nanaman niya ang pangalan nung babae na yun.

--

Mas pinili ko nalang na mag lakad lakad muna malayo sa babay namin. Feeling ko kasi hindi ako makakapag isip ng maayos lalo't nandoon si Dad hanggat kasi may pagkakataon siya isisingit niya talaga lahat ng sasabihin niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad sa nakita ko.

"S-Sela saglit!" Pagpigil nito ng akmang aalis na sana ako.

Hinawakan naman niya ako sa braso para hindi ako makaalis.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

Into You Where stories live. Discover now