90

1.5K 97 74
                                    

Abby's POV

"Kung ganun gusto mo makipag kita sakin? Nakakatawa naman dinalaw ako ng isang kaibigan" Ngumiti ako ng matamlay habang nakatingin sa kanya na masamang nakatingin sakin ngayon.

"Huwag mo kong matawag tawag na kaibigan dahil simula ng niloko mo si Sela. Inalis ko na sa isip ko na kaibigan kita Abby, Tignan mo nga ang sarili mo pinapabayaan mo ba ang sarili mo?" Tanong nito sa'kin.

Ilang araw na din pala akong hindi lumalabas sa unit ko nagkulong nalang ako. Ayokong umuwi ayokong makita sila Sela nahihiya ako pati sa mga anak ko. Alam kong kasalanan ko ang lahat pero wala nang magbabago nagawa ko na.

"Makinig ka sakin Abby pumunta ako dito hindi dahil sa gusto ko makipag ayos sayo ngayon. Wala kabang balak puntahan manlang ang mag iina mo? Sabagay sa sobrang sama kasi ng ginawa mo may mukhang ihaharap kapa kaya sakanila. Alam mo titigan palang kita nandidiri na ako sayo naisip ko tuloy, paano naatim ni Sela na tumabi sa maduming katulad mo?" Niyukom ko naman ang kamao ko ng marinig ko ang sinabi sakin ni Sheki.

"Sumusobra kana" Mahinang sabi ko habang pinipigilan ang sarili ko. "Totoo naman sa palagay mo ba? Hindi malalaman ng iba ang ginawa mo? Pinagtatakpan kana nga lang namin sa pamilya mo ngayon! Kala mo ba ikaw lang ang nahihirapan!? Kami din Abby mas lalo na si Sela na araw araw umiiyak sa katulad mo!" hinampas ko naman ang lamesa kaya napatahimik siya sa sinasabi niya.

"Kala mo ba matatakot ako sayo? Hindi mo ko matatakot Abby! Kung totoosin napaka kapal ng mukha mo para pag sabayin silang dalawa, hindi mo kinaganda yan kadiri ka napaka dumi mong babae! May asawa kana pero nakuha mo pang makipag landian sa iba!" Sampal ni Sheki sakin.

Dahan dahan naman akon napangiti at tumingin sa kanya.

"Nailagay mo naba ang buong lakas mo sa sampal mo?" Tanong ko sa kanya, nagulat siya sa sinabi ko na bahagyang inurong niya ang upoan papalayo sakin. "Ayosin mo sarili mo puntahan mo ngayon ang anak mo, Linisin mo ang kalat mo kahit naman linisin mo makikita pa din ang duming ginawa mo tama ako diba" Nakangising sabi ni Sheki sakin.

"Wala akong lakas ng loob para harapin sila, Iwanan mo nalang ako Sheki" Tumayo ako para iwan na sana siya ng muling nagsalita si Sheki.

"May balak ka bang ayosin ang lahat Abby? Kung wala na mas okay din para mapunta naman si Sela. Sa mas karapat dapat sakanya alam mo naman siguro ibig kong sabihin" Napalingon ako kay Sheki nakita ko siyang lumabas na ng unit ko.

--

Sela's POV

"Wow nakakapaglakad na pala si Sedine? Nakakatuwa talagang makita ang isang batang natuto na mag lakad Sela!" Tuwang tuwa sabi ni Mikki habang inaalalayan si Sedine na maglakad.

Sana nandito ka Abby para makita mo si Sedine ngayon.

"Kung ako si Sedine PO hindi ako matutuwa kung ikaw din naman ang mag aalalay" Agad akong napatingin kay Sevi sa sinabi niya nakatingin siya kay Mikki. "Halatang ayaw mo sa'kin ha Sevi" Awkward na sabi ni Mikki.

Into You Where stories live. Discover now