18

1.7K 89 5
                                    

Abby's POV

Hinihintay pa din ni Sela ang sagot ko habang ako hindi ko alam kung papayag ba ako sa alok niya. Nakakabigla kasi na gusto niya ako tumira kasama siya? Napakagat labi naman ako at tumingin sa kamay ko.

"What do you think?" Muling tanong ni Sela sakin sabay lumapit sakin na dala dala ang isang upoan at tinabi sakin at doon siya umupo.

"As in sa inyo?" Tanong ko din sa kanya.

"Nope" Sabi nito.

"Eh?" Sagot ko nalang.

"Sa condo ko....Hindi ako sanay mag isa abby na walang kasama" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko at tinignan ito.

"T-teka b-bakit ako?" Tanong ko inalis naman ni Sela ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumingin sakin.

Ang ganda ng mga mata niya.

Bakit ang hilig niya atang tumitig ngayon?

Kung ice cream ako baka natunaw na ko sa sobrang init ng titig niya.

"Hindi pwede mga friends ko hindi sila papayagan" Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko Kaya muli akong napatitig sa kanya.

"Ano na?" Tanong ni Sela sakin.

Sobrang lapit ng mukha niya sakin.....

"O-Oo" May sariling isip ata ang bibig ko at kusa itong pumayag.

"So it's a yes? Okay walang bawian abby ha wait" Inalis naman niya ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at may dinukot sa bulsa niya.

"A-ano yan?" Gosh! Bakit ba lagi nalang ako Nauutal sa tuwing siya na ang kausap ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at may inabot siya.....Wait pera? Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya. Pwede naman kita samahan 24/7 basta matitigan kalang sel---No no Abby! Bakit ganto kaba mag isip ngayon?

"Paunang suweldo mo Abby..Have a nice day! Bye text ko nalang sayo address" Hindi manlang niya ako pingsalita pa ay umalis nato.

Naiwan naman ako nakatingin sa inabot niyang pera sakin. Anak nga talaga siya ni Mr.Guia kasi pareho silang mabilis magbigay ng pera sa iba kahit hindi pa nila kilala.

"Seryoso ba talaga siya!? 10k!?" Sigaw ko pagkatapos ko bilangin ang pera na inabot niya sakin.

Nakakapagtaka pano nalaman ni Sela na dito ako nakatira? Pano din niya nalaman na kinakailangan ko ng pera ngayon?

Bigla naman dumating sila belle at Kyla n kasama si Dana. Dali-dali ko naman tinago ang pera na inabot sakin ni Sela sa bulsa ko. Ayuko pag isipan nila ng masama ang pagpunta nito at bukas din ibabalik ko ang pera niya.

Hindi naman ganon kakapal ang mukha ko Napaka advance niya magbigay. Ginawa niya ba yun para sure siyang mapapa oo niya ako sa alok niya sakin? Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Umalis na si Sela?" Tanong ni Belle at inikot ang paningin niya.

"Kakaalis lang..Hi Dana!" Nakangiting bati ko sa kasama nila at kumaway ako rito.

Into You Where stories live. Discover now