13

1.6K 96 4
                                    

Abby's POV

Pagkababa namin ng kotse hindi pa din ako makapaniwala, Birthday party lang to pero nasa hotel? Ganto ba talaga pag mayayaman? Sanaol nalang ako.

"Tutulo na laway mo tsk" nauna ng pumasok si Sela ako naman sumunod nalang sa kanya.

Pagkapasok ko Halata naman sa suotan ng mga tao na may kaya sila sa buhay tapos halos lahat may hawak hawak na wine glass. Aabotan sana si Sela kaso tumangi ito'

"Abby" Tawag niya sakin at hinawakan yung kamay ko. Ito nanaman yung kuryente sa tuwing nagdidikit kami.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman papalapit si Ecka samin, Nandito din siya?

"Woah! Hindi ko ineexpect na isasama mo talaga si Abby dito kala ko echos mo lang eh" Natatawang sabi nito habang nakatingin sakin. Nginitian ko nalang siya at nagbow.

"Well, By the way where's Mrs. Sibug?" Tanong ni Sela habang nililibot ang paningin niya.

"May kausap pa, Abby ikaw ba alam mo kung bakit ka sinama ni Sela?" Tanong ni Ecka sakin habang papalit palit ang tingin niya saming dalawa.

Naramdaman ko naman binitawan ni Sela ang kamay ko.

"Sabi niya may Birthday party da---"

"Mars, Anong birthday party pinagsasabi mo?" Natatawang sabi ni Ecka kay Sela.

Bigla naman akong nagtaka sa sinabi ni Ecka.

"Abby, Nasa fashion show event to hindi mo alam? Mars naman! Sinama mo si abby tapos walang kaalam alam? Kung tadyakan kita" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Ecka. Napabaling ang tingin ko kay Sela na panay ang tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Kaya naman makipagsabayan ni Abby. Sa mga model nyo psh' Don't you see?" Sabi ni Sela sabay tumingin kay Ecka.

--

Sela's POV

pft, natatawa talaga ako sa reaction ni Abby kanina hindi makapaniwala sa gagawin niya. Ang totoo niyan ako talaga ang kinuha ng Mommy ni Ecka na mag model ng gawa niya kaso nagbago ang isip ko ng makita kong active si Abby nun. Well siya lang kasi ang taong sa tingin ko ay babagay doon.

Syaka tinignan ko kung paano siya maglakad habang nasa school napakamalumanay pwedeng pwede siya mag Miss Runaway  compare sakin.

"Mars, Kinakabahan talaga ako kay Abby sure kaba talagamg marunong yun?" Nanginginig na tanong ni Ecka.

"Hindi pa nga pala alam ng parents mo na may substitute ako na dinala nuh?" Nakangisi na sabi ko.

Nag simula na din ang show kaya umayos nako ng pagkakaupo ko habang tong katabi ko kinakabahan pa din.  Isa isa na din nagsilabasan ang mga model napapairap nalang ako hindi naman mga bagay sa kanila para silang mga ewan pag maglakad.

-____-

"Ecka, Where's Mar---Sela? Why are you here?" Gulat na tanong ni Mrs. Sibug ng makita niya akong nakaupo sa Audience .

"Don't worry tita, May pumalit naman sakin so hindi ka papalpak" Nginitian ko nalang siya at pumalakpak ulit sa mga model na lumalabas.

"Sure kaba?"

"Mommy, Sure ang Mars ko diyan at ikaw ang mananalo dahil doon tama ako diba?" Nilakihan naman ako ng mata ni Ecka. Napatingin ako sa mga kamay nito na nanginginig na.

"Yes po"

--

Panay naman ang palakpak ng iba sa bawat pag labas ng mga model habang suot ang designs ni Mrs. Sibug. Mangha mangha sila sa mga ito. Hindi naman mawala ang ngiti nito habang pinagmamasdan niya ang mga designs niya na suot ng iba.

"Kinakabahan pa din ako para kay abby" Bulong sakin ni Ecka.

Malapit na din matapos ang Team nila Mrs. Sibug. Alam ko naman na kinakabahan na si Ecka dahil nga si Abby ang pinalit ko na dapat ako ang gagawa.

Kailangan kasi na isang Model isuot ang pinaka magandang gawa ng isang designer. Bali yun ang pinaka final na run away ng model  na suot suot ang pinaka maganda at mamahalin na gawa ng isang designer. Hinahantay nalang namin na lumabas si Abby.

Bigla naman nag hiyawan ang lahat ng lumabas na si Abby' grabe sobrang stunning niya hapit na hapit sa kanyang katawan ang gown na suot nito. Sobrang sexy niya tapos bawat lakad niya parang sanay na sanay na ito sa ginagawa niya.

Hindi ba to ang first time niya?

"Si Abby ba talaga yan Mars?!" Sigaw ni Ecka kaya naman nagkibit balikat nalang ako.

"Hindi mo ko binigo Marsela" Tinapik naman ni Mrs. Sibug ang balikat ko habang nakngiti.

--

"Congrats, You did well" Bungad ko sa kanya pagka pasok ko ng Dressing room. Nagulat naman si Abby ng makita niya ako lagi naman noyang expression yan.

Masasanay na ata ako.

"T-talaga?"

"Yah, Hindi halatang first timer ka" Sabi ko at umupo sa tabi niya. Nagtatanggal na din siya ng make up niya habang nakatingin sa salamin.

"Sela kinakabahan talaga ako kanina" Sagot nito.

"Kung ako tatanongin ikaw pinaka nag stunning sa lahat, hindi ko alam na may igaganda ka pala anyway may pupuntahan kaba ngayon? Hatid na kita" Sabi ko at humalumbaba patingin sakanya.

"U-uhm w-wala n-naman. Isa lang gusto ko malaman pumapayag kana ba sa project natin?" Muling tanong nito sakin habang namumula. Napayuko ito saglit habang hinihintay ang sagot ko.

"Kailan start?" Napatingin to sakin at ngumiti na parang alam niya na ang ibig kong sabihin.

"TALAGA!?"

Tumango nalang ako sa kanya.

"Thankyou! Selaaaaa!" Nabigla naman ako ng yakapin ako nito bigla ng mabilisan at ngumiti ito sakin bago ibalik ang tingin niya sa salamin.

"Okay" Sagot ko bago tumayo.

"Saan ka pupunta Sela?" Saad ni Abby at hinawakan ang wrist ko. Napatingin naman ako sa pagkakahawak niya.

"Magpapahangin bilisan mo na diyan para makauwi kana" Inalis ko muna ang pagkakahawak niya sakin bago ako lumabas ng dressing room.

"MARSSSSSS! Successful yung Fashion show!" Masayang sabi ni Ecka niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Mag thankyou ka kay Abby huwag sakin tsk" Saad ko at inalis ang pagkakayakap niya.

--


Into You Where stories live. Discover now