28

1.8K 97 33
                                    

Sela's POV

Bakit napaka tagal naman bumalik nung babae na yun? Mag gagabi na pero hindi pa din umuuwi, Tatawagan ko na sana siya kaso ayuko naman isipin niya na aalala ako sa kanya. Bakit hindi ba? Hindi ba talaga na nag aalala ka sa kanya?

"Shvt! Asan naba----" Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas. Napapikit naman ako dahil alam ko anytime mahahalikan ko na ang sahig pero mali ako.

Nakasandal ako sa isang tao at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nito.

"Sela" Bulong nito at inalalayan ako para mapaayos ng tayo. Napatingin ako sa mga mata niya.

"T-teka! B-bakit kasi bigla mong binuksan!?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Wait what? Ang isang Marsela Guia ay nauutal? Ano bang nangyayare sakin ngayon.

"Aalis kaba kaya binuksan mo yung pinto?" Tanong nito sakin.

"O-oo aalis ako!" Sigaw ko at akmang aalis ng hawakan niya ang braso ko. "Aalis ka eh....Nakasando kalang Sela" Napairap nalang ako sa kagagahan na ginagawa ko ngayon.

"Masama bang magpahangin ha?!" Sigaw ko sa kanya napatakip naman siya ng tenga niya. "Sela hindi mo naman kailangan sumigaw, Magkatapat lang tayo" Saad nito napatingin naman ako sa wrist niya may suot suot siyang bracelet na hindi ko naman napapansin.

"Abby ano yan?" Tanong ko sa kanya sabay hawak ng wrist niya ngumiti ito "Gawa ni Abea yan para sakin" nakahinga naman ako ng malalim ng marinig kong gawa lang pala ng kapatid niya. Kala ko naman kung sino.

Umupo naman siya sa sofa at sinandal ang katawan niya doon. Bago pumikit lumapit naman ako kay Abby at tinitigan lang siya. Tama si Sayaka hindi deserving ni Abby ang masaktan bandang huli. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya at binuksan ang tv. Napadilat to napatingin siya sakin.

"Kala ko naman kung ano" Bulong niya sinandal ko naman ang ulo ko sa bandang balikat niya at hinawakan ang kamay niya.

"Abby...Matanong kita may nagugustohan ka naba?" Lakas loob na tanong ko sa kanya, baka ang kapal ng mukha kong mag assume na ako ang gusto niya sabay hindi naman pala.

"Bakit mo biglang natanong Sela? Pabalik na tanong nito sakin, binitawan ko naman ang pagkakahawak ko sa kanya at umayos ng upo.

"W-wala! masama ba!?"

"Ayan ka nanaman sa panay sigaw mo eh, anlapit lapit mo sakin tapos panay sigaw ka Sela pwedeng hinaan mo boses mo kahit papano?" Saad nito sakin bago tumingin sa pinapanood namin dalawa. Napatingin naman ako sa kissable lips nito bakit bigla kong naramdaman kung gaano kalambot ang labi nito?

"Sela naalala ko yung project natin kailan natin gagawin?" Nabigla naman ako ng biglang humarap si abby sakin kaya napa urong ako ng kunti.

"H-ha?"

"Yung project ba natin nila Ecka when natin sisimulan? Kasi Mabilis lang naman lumilipas ang mga araw" Dagdag niti napatingin naman ako sa kamay niya na nasa bandang legs ko napansin niya siguro na nakatingin ako rito kaya tinanggal niya din.

Into You Where stories live. Discover now