78

1.7K 104 39
                                    

Sela's POV

"Ikaw nalang muna mag bantay kay Sedine at ako kay Sevi" Bulong ko kay Abby na seryosong nag mamaneho. Napansin ko kasi malapit na kami sa bahay nila Coleen.

"Baliktad ata ikaw dapat kay Sedine, hindi mo nga mahandle kakulitan ni Sevi tapos gusto mo na ikaw magbantay sa kanya? Baka malingat ka pa mapano pa yun bata" Sagot nito bumuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Nilaro laro ko nalang muna si Sedine "Seryoso naman ng Daddy mo baby" Bulong ko sa kanya hinalik halikan yun leeg niya, Sarap pang gigilan ng bata nato.

"Mommy si Sedine parang itlog ng pugo noh" Sinamaan ko nalang ng tingin si Sevi. Wala bang araw na hindi siya mag babanggit ng itlog.

"Kanino paba mag mamana yan little sister mo kundi sa Mommy pati shape ng mukha namana tignan mo pisngi ni Baby Sedine anlaki katulad ng sa Mommy mo" Sinabayan pa talaga ng tukmol na Abby nato pasalamat siya at bitbit ko yun anak namin.

Baka nakatanggap to ng batok.

"Sedine huwag mong gagayahan si Daddy at Kuya Sevi mo napaka bully satin tayo dalawa nalang magmahalan" Niyakap ko naman ng mahigpit si Sedine at hinalik halikan ang pisngi niya. Narinig ko naman ang paghagikgik nito gustong gusto niya yan.

"Pupunta tayo kela Tita Coleen? Sakto po miss na miss ko na siya" Masayang sabi ni Sevi. Favorite niyang tita yan si Coleen kulang nalang doon na siya tumira sa tita niya.

"Huwag kang magkukulit" Saad ko sa kanya, baka makabasag ulit nakakahiya sa daddy ni Coleen ako nalang mamamatay sa kahihiyan.

"Alam na ni Sevi ang gagawin hindi mo na kailangan pagsabihan pa yun bata Sela" Kampihan ba naman yun anak niya.

"Para ngayon palang alam na niya ang gagawin niya kaya pinagsasabihan ko Abby, Nakukuha mo ba ang gusto kong iparating? Kung hindi mag maneho ka nalang psh" Irap ko sa kanya, nagsisimula nanaman ng away pinapaalalahanan ko lang si Sevi tapos ganyan psh! Isa syang...hatdog.

--

"Ate Abby! Ate Sela Finally! Namiss ko kayo" Niyakap naman kami ni Coleen dalawa ni Abby lumapit naman siya kay Sevi. "Bigboy kana Sevi lalo kang gumagwapo" Ginulo naman niya ang buhok ni Sevi.

"Mana po ako kay Daddy" Nakangiting sabi niya sabay kiss sa pisngi ni Coleen. "Syempre Trinidad ka kaya manang mana ka samin namiss kita Sevi boy!" nakipag apir pa siya kay Sevi. Umirap nalang ako sa nakita ko hindi manlang pansinin si Sedine na karga karga ko.

"Ehem!" pekeng ubo ko kaya napatingin naman si Coleen sakin pati si Abby.

"Uhm Hi Ate Sela! Oh ito naba si Sedine?" Tanong ni Coleen sabay binuhat si Sedine kaso biglang umiyak kaya dali-dali kong kinuha sakanya yun bata.

"Takot ata sakin si Sed" Nahihiyang sabi niya.

"Hindi ka kasi niya laging nakikita Coco kaya ganyan. Masasanay din yan si Sedine katagalan" Sagot ni Abby hinimas himas naman niya ang likod ni Sedine habang buhat buhat ko.

Into You Where stories live. Discover now