66

1.4K 84 12
                                    

Sela's POV

Mag 1Am na pero wala pa din si Abby hindi ako makatulog kapag wala siya sa tabi ko. Ano na kaya ginagawa nung babae na yun? Hindi manlang nagtext sakin para balitaan sa mga nangyayare. 

Tinignan ko naman si Sevi na mahimbing na natutulog' inayos ko ang kumot niya bago tumayo ng kama kinuha ko ang phone ko. Gusto ko lang naman makibalita kaya dinial ko ang number ni Ecka sa phone ko.

"Uhm hello?" Sagot nito, mukhang nakadisturbo pa ako ng natutulog na tao ha.

"Si Sela to, gusto ko lang malaman kung nandiyan ba si Belle?" Tanong ko sa kanya. Si Belle talaga una kong tinanong dahil alam ko naman na sasagotin niya agad marinig lang pangalan nun.

Patay na patay eh.

"Bakit? I mean bakit mo hinahanap si Belle? Yes nandito siya tulog na" Nagtaka naman ako sa sinagot niya. Ang sabi ni Abby pupuntahan niya si Belle pero kasama naman ni Ecka ito.

"Kasama ba ni Belle si Abby kanina?" Tanong ko sa kanya, masama kutob ko dito ha' Nagsisinungaling ba sakin si Abby? May hindi ba siya sinasabi samin?

"Sela buong araw kami magkasama ni Belle hindi naman umaalis ito sa tabi ko. May problema ba?" Mas lalo naman akong naghinala sa sinagot ni Ecka sakin. "Ang sabi kasi ni Abby sakin pupuntahan daw niya si Belle mag bonding daw silang dalawa" sagot ko sa kanya.

"Walang binanggit si Be--- sino yan?-- Sela gising na si Belle gusto mo ba makausap?" Tanong ni Ecka sakin, walang hiyang abby to hindi nagsasabi ng totoo sakin. Malaman ko lang talaga kung saan siya pumunta masasakal ko to.

"Sela? Alam mo ba kung anong oras na 1AM na natutulog na ang mga tao ngayon" bungad ni Belle sakin na may tonong inis baka naistorbo ko talaga silang dalawa ni Ecka. "Nagtanong lang ako kung nandiyan si Abby, nagpaalam kasi na kasama mo daw siya" Napairap naman ako habang kausap ko siya sa phone ko.

"Fyi, hindi na nga kami nagkakapag usap ni Abby ano naman gagawin namin magkasama? Magtitigan? Wait lang....Bakit wala diyan? Gusto mo ba tawagan ko? Pauwiin ko? Patayin ko? Ano ba gusto mong mangyare?" Sunod sunod na tanong nito sakin, seryoso ba siya sa sinasabi niya ngayon? Patayin daw baka siya unang patayin ko.

"Wala naman ako na bahala doon Belle, salamat sa time sorry at nadisturbo ko pa kayong dalawa bumalik nalang kayo sa pagtulog. May huhulihin akong tao ngayon" Tumawa naman si Belle at Ecka sa kabilang linya.

"Go! Girl kaya mo yan, kilala ko naman si Abby kung pinag iisipan mo siya na may gagawin na masama tigil mo na yan. Ni minsan hindi ko nakitang nagloko yan masyado ka niyan mahal" Natatawang sabi ni Belle sakin, kahit na kilalang kilala ko si Abby hindi ko pa din maiwasan isipin kung nasan yun babae na yun ngayon.

Bakit kailangan pa niyang gamitin ang kaibigan niya para magsinungalin sakin?

"Bye Belle and Ecka" Mabilis kong pinatay ang tawag. Ayoko talaga na may nagsisinungalin sakin na tao. Willing akong makinig pero yung pag sinungalingan ako para makaalis nakakairita pag ganun.

Biglang tumunog ang phone ko.

Incoming Call Rans...

Nile's POV

"Abby...Ayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya, nakapikit na kasi to at sobrang pula ng kanyang mukha. Hindi talaga siya malakas uminom alam ko yun kaya never kong niyaya makipag inoman tong babae na to kung hindi nakakatulog nag iingay.

Buti nakatulog lang siya.

"Mahal mo si Sela? Ako ba minahal mo ba ako?" Tanong ko sa kanya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Simula bata palang tayo gusto na kita Abby, Gustong-gusto' kung hindi siguro kayo umalis ngayon baka masaya tayo at hindi mo makikilala si Sela" Hinawakan ko naman ang pisngi nito at hinaplos.

"Ano bang meron si Sela na wala ako? Ako ang nauna kesa sa kanya pero bakit mas nagustohan mo siya kesa sakin? Ginawa ko naman lahat para mapasaya ka noon, naging masaya naman tayo diba? Pwede bang tayo nalang ulit? Masakit...Masakit sakin na kinakausap mo lang ako pag kinakailangan mo ako" Hindi ko maiwasan maiyak nalang habang sinasabi ko yun. Lumayo naman ako sa kanya para punasan ang luha ko.

"Para akong siraulo kinakausap ang tulog" Natatawang sabi ko.

"Siguro nga Hindi ko pa kaya na iwan mo ko, ang akala ko kasi kaya ko na mawala ka sa piling ko. Kung hindi ba bumalik si Sela noon hindi ba mawawala ang feelings mo sakin?" Nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita ako. Si Sela' lang naman ang ang dahilan kung bakit kami ni Abby ay naghiwalay.

Simula palang nung nag usap kami ni Abby alam ko meron na siyang ibang nagugustohan. Hindi ko lang agad nalaman kung sino, kung nalaman ko lang na si Sela yung tao na yun nakagawa na agad ako ng paraan para mailayo siya sa babae na yun.

Bigla naman tumunog ang phone ko, nakatanggap ako ng message galing kay Rans agad ko naman binasa kung anong sinabi nito.

From: Rans

10mins papunta na kami diyan.

Napatingin naman ako kay Abby na mahimbing na natutulog ngayon. Hindi naman naging masama si Abby sakin pero bakit nagawa kong gawin ito sa kanya?

"Hindi ko alam kung kaya ko gawin ang pinapagawa ni Rans sakin, Abby gusto kong makuha ka ulit at mailayo sa Sela na yun, Kung ito ang way para mailayo ka sakanya kahit magalit ka pa sakin Sorry" Ngumiti ako ng mapait, huminga ng malalim pinatay ko ang ilaw.

--

A/N: Short UD muna. Bawi next chapter hanggang last :>

Into You Where stories live. Discover now