54

1.7K 104 13
                                    

Sela's POV

"Sandali muna abby, bakit ba tayo nagmamadali umuwi?" Tanong ko sa kanya, nilagay muna ni Abby ang mga gamit namin sa likod ng kotse bago tumingin sakin.

"Sela malalaman mo din, huwag na maraming tanong haist ang ingay mo" Pumasok nato sa sasakyan na walang pasabi sakin. Pumasok na din ako at umupo sa tabi niya sinuotan naman ako ni Abby ng seatbelt.

"Be ready" Nakangiting sabi niya bago niya paandarin ang sasakyan. Kung sinabi na niya agad sakin hindi na yun be ready pa napaka dami niyang alam.

"Daming learn Tsk" Mahinang sabi ko para hindi niya marinig.

"Kamusta na nga pala Mr.Guia?" Tanong ni Abby sakin napatingin ako sa kanya.

"Uhm....." Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko pa naman nakita si Daddy simula nung umuwi ako. Ang sabi kasi ni Kuya ayaw ni Daddy na makita ako kaya Hindi ko pa siya pinupuntahan.

"Sela, Kamusta na siya? Last na kita namin ay yung grumaduate ako ng College" Muling sabi ni Abby hindi to nakatingin sakin dahil ang kanyang tingin ay nasa kalsada.

"Siguro okay lang"

"Siguro? Hindi ka pa sigurado huh, Nagkita naba kayo ni Mr.Guia?" Tanong nanaman ni Abby sakin, bakit ang hilig magtanong nito?

"Hindi pa never naman siyang lumabas sa kwarto niya. Ayoko din naman disturbohin siya" Sagot ko kay Abby mukhang naintindihan naman niya ang pinapahiwatig ko kaya hindi nato nagsalita.

--

Huminto na ang sasakyan sumilip naman ako sa bintana, gulat akong tumingin kay Abby ng malaman ko kung nasaan kami ngayon.

"Abby bahay namin to" seryosong sabi ko sa kanya, Bakit kami pupunta sa bahay ko? Paano niya nalaman na dito ako nakatira talaga?

"Alam ko kaya nga sabi ko magready ka diba" Nakangising sabi niya, inalis niya ang aking seatbelt hinalikan naman niya ako sa pisngi.

"Haist, Bakit kailangan pa natin pumunta dito Abby?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil kinakabahan ako at baka nasa loob si Kuya.

baka marami nanaman siyang sabihin tungkol sakin. Nakakasawa na siyang pakinggan dahil paulit ulit lang naman ang kanyang sasabihin.

"Labas na Sela" Lumabas na si Abby sa sasakyan. Napalunok muna ako ng ilang beses bago lumabas ng sasakyan at sumunod sa kanya.

"Abby saglit lang pwede pa naman tayong bumalik sa loob ng sasakyan" pagpigil ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Napatawa nalang ng mahina si Abby at ginulo ang buhok ko.

"Ang kulit mo tara na. Kinakabahan kaba? Huwag kang mag alala kasama mo naman ako ngayon" Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti kaya medyo nawala ang kaba na nararamdaman ko.

Into You Where stories live. Discover now