74

1.5K 89 42
                                    

Sela's POV

"Bakit tayo huminto?" Tanong ko kay Coleen nauntog ata ako sa pag preno niya. Napatingin ako sa may bintana ng sasakyan kung ano ang tinitignan niya.

"Andaming sasakyan. May bisita ba sila Ate Nile?" Tanong ni Coleen sakin.

"Baka nga balik nalang tayo bukas baka maka istorbo tayong dalawa" Sabi ko sa kanya. Naalala ko naman yun tawag ni Nile sakin kaya bumuntong hininga nalang ako bago ako bumaba ng sasakyan.

"Ate Sela sandali sama ako" Saad ni Coleen sinenyasan ko siyang tumigil muna. Tinignan ko naman ang labas ng bahay andami ngang nakaparada na sasakyan.

"Tumawag ka ba ng police?" Tanong ko sa kanya napakamot naman siya ng ulo niya. Nakalimutan nanaman niya at pinag utos ko sa kanya.

"Ako nalang muna ang papasok Coleen tumawag ka na muna ng police" Sabi ko sa kanya iba yun nafefeel ko ngayon parang may mali sa nangyayare.

"Bakit? Kailangan paba yun? Eh nandito na tayo sa bahay nila Ate Nile di nanatin need ng escort Ate Sela" Hinawakan ko naman ang balikat niya at tinulak siya papasok ng kotse nauntog pa nga si Coleen.

"Sundin mo nalang utos ko ako na bahala pumasok sa loob tumawag kana sa police kung maaari bumalik kana muna sa hospital pake bantayan muna si Abby" Sabi ko sa kanya nginitian ko naman siya.

"Bakit Ate Sela? May problema ba? Bakit kailangan ko pang tuma---" tinakpan ko na ang bibig niya.

"Trust me...Bumalik kana sa hospital magpadala kana lang dito ng mga police huwag kanang umangal pa Coleen sundin mo nalang si Ate Sela" Inalis naman niya ang kamay ko na nakaharang sa bibig niya. "Sige pero babalik din ako agad Ate Sela isasama ko nalang sa pag balik ko si Brei" Sagot nito umatras naman ako para masara na niya.

Pinaandar na din niya ang sasakyan naiwan akong nakatayo sa harap ng bahay nila Nile, Tama ba desisyon ko na mag paiwan? Parang kinakabahan ako ha. Naglakad ako papunta sa gate ng bahay nila nakabukas lang ito.

Magdodoorbell sana ako ng makita ko may palabas na lalake. Mabilis ako tumakbo sa likodan ng isang itim na van.

"Sino naman yan?" Bulong ko habang nakasilip sa lalake na may kinakausap sa cellphone niya.

Habang nakatalikod yun lalake ay dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako napansin na pumasok. Naboang na hindi ko kabisado bahay nito ni Nile bihira lang kasi ako makapunta dito.

Tatawag pa sana ako kay Nile ng marealized ko na wala pala sakin ang phone ko. Naiwan ko pa ata sa kotse ni Coleen napaka good timing.

"Ano ba!? Mga bobo ba kayo!? Pilitin niyo silang pumirma! Kung hindi niyo madaan sa paki usap daanin niyo na sa dahas!"  Napaupo naman ako sa likodan ng sofa ng may narinig ako sumigaw.

"Rans? Bakit nandito siya?" nagugulohan na sabi ko tinakpan ko naman ang bibig ko. 

"Sela! The traitors are in my house, t-tumawag na kayo ng mga pulis bi-bilisan niy---"

Into You Where stories live. Discover now