Special Chapter:

1.9K 94 22
                                    

Coleen's POV

3 years ago.

"Kamusta ka naman Coleen?" Pasimple kong hinawi ang buhok ko habang nakatitig kay Gabb.

"Okay lang maganda pa din. Kayo kamusta na kayo ni Ate Ella? Going strong? Don't worry hindi na ako bitter ako pa nga dahilan kung bakit kayo nagkabati" Nakangiting sabi ko sa kanya. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti na parang sumasang ayon da sinasabi ko.

"Maraming salamat sa lahat kung hindi dahil sayo baka hindi kami okay ni Akin" Sagot ni Gabb sakin. Kahit papano pinapahalagahan ko naman ang friendship namin tatlo. Alam ko naman na mahal niya si Ate Ella sadyang ayaw lang niya ako masaktan.

Pero ang ending dahil sa ginawa ko sarili ko naman ang nasaktan ko.

"So kailan kayo magpapakasal ni Ate Ella may balak na ba kayong dalawa?" Tanong ko kay Gabb. Napaka strong ko diba? Ako pa talaga nag tanong, wala na din naman akong feelings sa kanya sapat na ang tatlong taon para makapag move on.

"Maybe next year, Invited ka Coleen sana makapunta ka" Yinakap naman ako ni Gabb hinimas ko naman ang likod niya. "Dapat lang talaga nandoon ako" Nakangiting sabi ko bago ako kumalas sa pag kayakap sa kanya.

"Bye na, hinahanap na ako ni Brei sabi ko magkikita kaming dalawa" Natatawang sabi ko dito.

"Kayo ba ni Brei?" Naningkit naman ang mata ko sa tanong niya. Anak nan---sino naman nagsabi na kami nung pandak na yun? HAHAHA.

"May girlfriend si Brei at hindi ako yun si Lara sadyang close lang talaga kami. Oh! Huwag kang magselos baka mamaya magalit si Ate Ella sakin. Bye Gabbo! Ingat ka sa pagdrive mo ha" Masayang sinabi ko tumalikod nalang ako at ngumiti bago ko ilabas ang susi sa aking bulsa.

--

Pagpasok ko sa condo ay agad akong napatakip ng tenga sa biglang pagsabog ng confetti. May balak ba siyang patayin ako sa gulat?

"Welcome back coco!" Masayang sabi ni Brei sakin niyakap ako ng mahigpit. "Alam ko naman na miss mo ko pero Brei hindi ako makahinga ano ba" Pasimple ko siyang tinulak ng mahina para medyo lumuwag ang pagkayakap niya sa'kin.

"Hoy! Namiss lang kita 3 years ka din naman nawala eneng! Baka nakakalimutan mong 3 years!" Sigaw nito na parang nasa malayo ako at hindi niya ako katapat. Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang binatokan siya.

"Oo alam ko. Hindi mo kailangan sumigaw noh, talagang nag effort ka talaga sa pagdating ko" Nilibot ko ang tingin ko sa paligid napangiti ako nag effort talaga si Brei para sakin. "Hindi makakapunta si Lara busy kaya ako nalang nag ayos okay lang naman siguro" nakapamewang na sabi niya sakin sabay kindat pa.

"Maganda" nakangiting sabi ko sabay niyakap siya ng mahigpit "Thankyou Brei" Masayang sabi ko sa kanya.

"Namiss kaya kita, Kamusta naba si Ate Abby?" Tanong sakin ni Brei hindi ako sumagot umupo nalang sa upoan.

"Gutom kaba? Coleen? Baka gusto mo magpadeliver na muna ako ng makakain natin. Mamaya pa kasi dadating si Lara kaya't hindi na muna ako nagluto. Malay ko ba kasing dadating agad dito" Sagot niya kinuha ko naman nag remote at binuksan ko ang TV.

Into You Where stories live. Discover now