44

1.9K 98 30
                                    

Abby's POV

Pakiramdam ko may hindi sinasabi sa akin si Nile, napakatahimik niya kasi ngayon at sa tuwing tinatanong ko naman siya "I'm fine" lang lagi ang sinasagot niya tapos babalik sa pagiging tahimik kaya naman parang may mali talaga.

Mag tanghali na din ngunit nakahiga pa din si Nile, Hindi naman niya ugali to dahil mas nauuna talaga siya magising sakin. Ayaw nya na sinasayang ang oras pero ngayon parang wala talaga siyang gana sa lahat ng bagay.

Umupo naman ako malapit sa kanya napatingin to sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Nakatulog kaba ng maayos?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah" Mahinang sabi niya sabi at nilipat ang tingin sa ibang direksyon. Pakiramdaman ko talaga may mali sa nangyayare.

"Totoo? Nile bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Saad ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. Umupo naman siya katabi ko at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat habang hawak hawak ang kamay ko.

"Wala ito abby"

"Just tell me the truth, ayos kalang ba talaga? Ayukong nakikita kang nag kakaganyan ano ba talagang nangyare? Kagabi si Luke ang kasama mo ano bang nangyare Nile?" Pag kabangit ko sa pangalan nung lalaki na yun ay nag iba ang facial expression ni Nile. Naluluha na din ito niyakap ko nalang siya kahit hindi ko alam kung ano ang nangyayare ngayon.

"Nile bakit? Tahan na" Hinagod ko ang kanyang likod para tumigil na siya sa pag iyak, First time ko lang ata makita si Nile na ganto naninibago ako.

Bahagya siyang lumayo sakin at tinignan ako sa mga mata na parang binabasa ako, Pinahidan ko naman ang mga luha niya at ngumiti ako sa kanya.

"Abby may sasabihin ako, But please don't get mad at me" Pakiusap niya sakin tumango naman ako. Kahit hindi nako komportable.

"Abby...Kagabi ko lang nalaman na" Nagdadalawang isip pato kung sasabihin niya ba o hindi, "Nile sabihin mo na Hindi ako magagalit" Hinagot ko naman ang likod niya.

"I'm pregnant"

Ako naman naging Bato sa kinauupoan ko at hindi nag sink in sa isip ko ang sinabi ni Nile sakin.

"W-what?" Hindi ko makapaniwalang sabi umiwas ng tingin si Nile pero pinaharap ko siya ng tingin sakin.

"I-i'm s-sorry abby....Hindi ko ginusto na umabot sa ganto pero I'm pregnant Hindi ko naman kayang ipalaglag yung bata" Umiiyak na sabi nito.

"Sino ang ama?" Lakas loob na tanong ko sa kanya kahit na kinakabahan ako.

"Luke may nangyare samin nung bigla kang umalis sa hotel..Hinanap kita pero may nakapag sabi na may kasama kang iba kaya hindi ko kinaya then dumating si Luke dinamayan niya ako at----"

"May nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanya, Hindi manlang ako nagalit sa kanya galit ako sa lalaking yun hindi kay Nile, Nag take advantage siya kung hindi ko manlang iniwan si Nile nun ay hindi niya masosolo si Nile.

"Nile hindi mo kasalanan ang lahat at wala din kasalanan ang bata" Hinawakan ko naman ang mukha niya at pinaharap sa akin. "Sobrang ganda mo kasi kaya ang dami nagkakagusto sayo" Pagbibiro ko sa kanya ngunit hindi siya natutuwa sa biro ko.

"Abby mahal kita pero----"

"Pero magkakaanak kana at sa ibang lalake pa" Dugtong ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko.

"Matagal ko ng prinoprotektahan ang relasyon na meron tayo Abby" Saad nito tumayo naman ako at tumingin sa kanya.

"You know Nile it's not true, Dahil ilang beses ko sayo sinabi na ilantad natin ang relasyon natin at hindi itago! Yung ba ang protekta sayo? Wala kang lakas ng loob wala ka nun"

"alam mong hndi yan totoo abby" Malungkot na sabi nito na parang kinukumbinsi niya ako.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mong aminin sa iba dahil ba hindi ako lalake? Hindi kita kayang bigyan ng perpektong pamilya at anak?" Maluhang luha sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Ginawa ko yun Abby! para protektahan ang image mo....Ayukong may makita o marinig na may nasasabi ang ibang taong masasakit laban sayo"

Umurong ako bahagya habang nakatingin pa din sa kanya na lalong umiiyak.

"Nile palakihin mo yung bata kasama yung tunay niyang ama, bigyan mo siya ng magandang buhay at mahalin mo siya ng totoo" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Alam mo sa sarili mo Abby kung paano kita minahal sa unang kita palang natin ikaw na aga---"

"Minahal mo lang ako dahil nakikita mo si Abelaine sakin!" Sigaw ko sa kanya hindi ko na kinaya at nasabi ko na. "P-pano mo nalaman ang pangalan niya?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Wala ka na doon pero tama ako diba minahal mo ko kasi nakikita mo pag katao niya sakin, Nile hindi mo ko minahal kung sino ako minahal mo ko dahil ibang tao ang nakikita mo sakin" Pinunasan ko naman ang luha ko muli.

"Hindi ko na alam kung anong pinasok natin" Maluha luhang Sabi niya hahawakan niya sana ako ngunit ako na ang lumayo "Ngayon wala kanang kasiguradohan sakin" mapait akong ngumiti sa kanya at hinawakan siya sa mukha.

"Nile palayain nalang natin ang isa't isa kung wala na tayon kasiguradohan sa mga nararamdaman natin" Bumuntong hininga naman ako.

"Sabihin mo sa akin may nararamdaman kaba kay Luke habang ginagawa nyo yun?" Tinitigan ko siya sa mata nag buntong hininga lang si Nile at walang isang salita na sinabi Kaya alam ko na ang nasa isip niya.

"Nile.... Let's break up buoin mo nalang ang family na nararapat sa bata huwag kang mag stay sakin, magkakaanak kana panget naman kumg nagsasama pa tayo dito. Si Luke ang taong kayang kumempleto sayo at hindi ako yun" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, For the last time yayakapin ko siya dahil alam ko sa susunod hindi ko na siya makakasama.

"Sure kana ba Abby?" Mahinang tanong niya sakin.

"Yes, Nile promise mo sakin na papalakihin mo yung bata at mamahalin mo to...Huwag mong kalimutan na may isang abby na nagmahal sayo ha" Hinawaka ko siya sa pisngi at hinalikan ang noo niya.

"I love you Abby" Bulong niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Patawad Nile" Sagot ko ay niyakap ko muli siyang ng mahigpit. Basa na din ata damit ko sa iyak ni Nile pero hindi ko na pinansin to.

Pareho lang kami may kasalanan ni Nile pero siya tong kaya sabihin ang lahat.. Habang ako hindi ko kayang aminin sa kanya ang about samin ni Sela.

--

A/N: Lapit na ending sshhhh.

Into You Where stories live. Discover now