10

1.8K 91 4
                                    

Abby's POV

Habang naglalakad ako hinahanap ng mata ko yung apat na yun. Alam naba nila na kasali ako sakanila? Kung Hindi pa ipapaalala ko sakanila pag grade ko ang usapan handa akong kausapin sila.

Pero kinakabahan kapa din Self.

Hindi nga ako makapagsalita ng maayos pag nakikita ko si Sela. What's more kung kasama niya pa mga Kaibigan niya diba?

Nakita ko naman silang magkakaibigan na nasa hallway at nag uusap usap. Napabuntong hininga naman ako at agad na Lumapit sakanila.

Napatingin naman sakin si Sela kaya agad ko siyang nginitian.

"Hi!" Mabilis na sabi ko habang nakangiti sakanilang apat.

"Anong ginagawa mo dito? Kacircle kaba namin?" Tanong ni Jem sakin. Umiiwas nga ako mag karoon ng convo sa kanya baka bigwasan ako pero nvm.

"Kasi.. Classmate nyo ko" Sabi ko napa urong naman kaunti si Ecka sa kanyang katabi.

"Oo nga alam namin. Ang tanong lang namin bakit ka nandito?" Tanong niya din sakin.

Hindi ko marinig boses ni Sela, Pero alam kong nakikinig lang siya sa usapan.

"Kasi Need ko kayo" Seryosong sabi ko.

Nagkatinginan naman yung tatlo sa sinagot ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Napakunot ang noo ko ng tumawa sila. May nakakatawa ba? Nagpapatawa ba ako? Eh seryoso ako.

"Kami kailangan mo hahaha?" Namumulang sabi nung Grace habang pinipigilan pa din ang pagtawa.

"Kami talaga? Andaming student diyan tapos kami pa pinuntahan mo? Are you insane?" Tanong ni Jem sakin.

"Walang nakakatawa sa sinasabi ko, seryoso ako kung wala kayo hindi din ako magkakaroon ng grades nakasalalay sa inyong apat yun about to sa movie project" Seryosong sabi ko sakanila.

"Then?" This time narinig ko na ang boses ni Sela na napakalamig nasa likodan ko kasi siya.

"Need ko kayong tatlo, ako kasi inatasan na maging leader nyo" Dagdag ko pa.

"Pano kung ayaw namin? Syaka kahit hindi kami gumawa ng movie project makakapasa kami....Eh ikaw?" Tanong nung Jem sakin. Medyo naiinis nako dito hindi maganda mga lumalabas sa bibig niya.

Chill kalang Abby need mo sila diba?

"Well kung ganun hindi nyo deserve lahat ng nakukuha nyo kung hindi nyo din naman pinaghirapan" Sagot ko kay Jem napatango naman siya sakin at nag half smile.

"Kung kailangan mo kami.......Anong kapalit mg pagsama namin sayo? Wala ng libre sa mundo ngayon aba" Sabi naman ni Ecka, sila paba yung mabuburaot? Eh mukhang mayayaman naman sila.

"Oo nga anong kapalit ba?" Nakangiting tanong nung Grace sakin. Seryoso ba sila na need nila kapalit?

"Ipapangako ko na mataas ang grades ang makukuha nyo this sem, Hindi lang ako ang maghihirap dito Kung hindi kayo kung walang cooperation hindi natin magagawa ng maayos ang project" Saad ko.

Into You Where stories live. Discover now