40

2K 107 13
                                    

Abby's POV

"Ate Abby!" Napatingin naman ako sa kapatid ko sa biglaan pag sigaw nito sakin, Hindi ko alam na kanina pa pala ako tulala.

"Bakit Abea?" Tanong ko sa kanya, Kumuha naman ito ng tubig at inabot sakin "Inom ka muna kanina kapa tulala. Ano bang iniisip mo ate?" Naghalf smile nalang bago ko inomin ang inabot nito na tubig.

"Si Ate Nile mo hindi ba umuwi?" Tanong ko sa kanya nilapag ko naman sa lamesa yung baso. "Ate Nile.....May meeting daw siya with kuya luke baka mamaya na daw siya makauwi" Umupo naman si Abea sa kalapit na upoan ko at tinitigan ako.

"Alam mo ate hindi pa din ako makapaniwala ngayon, parang dati pinapangarap lang natin mag karoon ng sarili natin bahay' tapos ito binigay agad satin ni Lord ambait niya talaga noh?" Masayang sabi ni Abea sakin, Tama siya parang dati lang pangarap lang namin tong dalawa.

"Ate Abby, Ikaw ba wala kabang pakasalan si Ate Nile? Parang naghihintayan nalang naman kayo" Saad ni Abea, Honestly simula ng makita ko si Sela at makasama hindi ko na alam kung si Nile paba ang balak kong makasama sa habang buhay.

Naniniwala na ako First love never die.

"Ate Abby?" Muling tawag sakin ni Abea napatingin ako dito. "Si Nile....oo wife material naman siya Abea" Nagtaka naman siya sa sinagot ko, Napakalayo sa tinanong niya.

Pero si Nile pa nga ba ang gusto ko makasama? Hindi ko na maramdaman ang spark sa kanya ngayon, sa sandaling panahon na nakasama ko muli si Sela biglang nagbago ang lahat.

Marupok na kung marupok pero si Sela na yun. Yung taong matagal ko na hinihiling na sana mapasakin talaga.

"Yun naman pala ate abby! Yung vote ko na kay ate nile mabait siya tapos napakaganda pa higit sa lahat makakasundo ko" Nakapout na sabi ni Abea, Kung pinakilala ko kaya si Sela sa kanya ng mas maaga may magbabago ba?

"Abea, Hindi basta basta ang pagpapakasal" Seryoso kong saad sa kanya, May mga ilang katanongan pa din ang gumugulo sa aking isipan.

Gusto ko mag stay kay Nile.

Pero pano naman magiging kasiyahan ko?

"Mahal mo naman si Ate Nile eh"

Sana nga mahal ko pa siya, kung pwede ko lang sabihin ang salitang yun sa harap ng kapatid ko kaso hindi ko magawa. Masyado siyang malapit kay Nile at alam kung masasaktan din ito.

Kamusta na kaya si Sela? Tatlong araw na din ang nakalipas na hindi ko siya nakikita at nakakausap sana nasa maayos siya. Totoo nga ba na lalayo na siya? Pakiramdam ko may connection pa din ako sa kanya kahit sabihin niya na siya nalang mismong iiwas.

"Ate Abby, Kanina kapa natutulala" Muling saad ni Abea sakin habang nakatingin siya sakin.

"I'm okay Abea, pagod lang ako kung sakali na dumating si Nile pakisabi nasa kwarto lang ako" Walang ganang sabi ko.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay humiga nako nag scroll nalang ako sa IG ko, kung anong latest update bigla naman ng notif sakin ang pag update ni Sela.

Into You Where stories live. Discover now