63

1.6K 93 32
                                    

Sela's POV

"Sela ano nanaman ba yan!? Bakit ka nag iimpake ng gamit mo? Aalis kaba!?" Inagaw naman sakin ni Abby ang maletang hawak hawak ko. "Aalis kami ni Sevi dito, maging masaya ka sana habang kasama mo kabet mo!" Sigaw ko sa kanya.

Binatokan naman ako ni Abby ng malakas. What the fuck!?

"Marsela Mari Guia! Nagiging OA ka kaya tumawag sakin si Nile dahil may inaayos kaming ilang bagay, hindi ko babae si Nile tapos na kami kung mahal ko pa yun tao na yun edi sana wala ako sa harapan mo ngayon" Nakahawak pa din ako sa ulo ko ansakit ng pagkabatok niya sakin feeling ko nawala ako sa earth bigla.

"Bakit kasi kailangan niya pa tumawag!? Correction 10x siya tumawag sayo, ibig sabihin may something" binatokan ko naman siya pabalik, lintek lang ang walang ganti ansakit niya mamatok. 

"Anong ibig sabihin may something? Marsela Mari Guia, ikaw lang gumagawa ng something sa isip mo palibhasa green utak mo"

"Ano tingin mo sakin si Hulk!?" Sigaw ko sa kanya kwinelyohan ko naman siya, nginisian lang ako ng burikat na babae nato.

"Napaka Amazona mo alam mo ba yun!?"

"Ikaw naman napaka wala kang pake sa mararamdaman ko Abby! Kahit na wala na kayo ng babae na yun nasasaktan pa din ako dahil hindi ko makakalimutan na habang wala ako! Ay may nangyaya----" Bigla naman akong tinulak ni Abby, umibabaw siya sakin.

"Pero walang oras na di ikaw ang iniisip ko habang ginagawa namin yun" Napapikit naman ako habang hinahaplos niya ang aking pisngi, kinilabutan ako sa ginagawa niya ngayon pinagsisihan ko ata na nakipag away ako sa kanya.

"Umalis ka sa ibabaw ko" Hinawakan naman ni Abby ang kamay ko para di ko siya matulak, "kagabi gusto mo...ngayon ayaw mo na? Ambilis naman magbago ng isip mo Sela" Linapit naman niya ang kanyang mukha sakin ramdam ko ang mainit na hangin na dumadampi sakin.

"kagabi yun! Huwag ako Abby iniiba mo lang ang usapan dahil ayaw mong pag usapan natin yan babae mo na si Nile! Mas maganda ba siya sakin? Porket mas sexy siya, ano bang meron sa kanya na wala ako! Pareho din naman kaming babae ha" Pinipilit ko pa din siyang itulak at Alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bakit ba ayaw niya ako paalisin? Umiinit ang dugo ko sa kanya baka mapatay ko siya ngayon.

Ahhh ganun...

Ayaw niyang umalis...

"Sela makini----" Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla ko siyang duraan sa mukha napabitaw naman siya sa pagkakahawak niya sakin.

"Marsela! Napaka bagra mo talaga! Bakit ba ang hilig mo gumawa ng bagay na nakakadiri!? Yung suka ngayon naman nandudura kana? Ano ba pinag gagawa mo sa buhay mo!" This time inis na inis na ang mukha niya habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang kanyang kamay.

Ayaw mo umalis huh, ayan nababagay sayo.

"Kung umalis kana sana agad hindi kita duduraan, alam mo Abby bakit hindi mo aminin sakin na may feelings ka pa din kay Nile!"

Into You Where stories live. Discover now