17

1.7K 100 9
                                    

Abby's POV

Alam ko naman na patingin tingin sakin si Belle ngayon. Hindi ko talaga maitago ang ngito ko dahil lagi kong naalala yung paghalik sakin ni Sela na may dalang kiliti sa puso ko Ay! Wait nga lang masyado kang nababaliko abby.

Isang beses lang naman talaga ako nagkaroon ng boyfriend aamin nako. Siya ang unang nakanalik sakin pero bakit ganon? Ibang iba ang halik ni Sela ansarap ulit ulitin. Never naman ako naattract sa babae I swear to god!

"Abby baka mapunit na yung labi mo kakangiti" Hindi ko namalayan na nakatingin napala ang dalawang kasama ko sakin.

"Belle malala na si Abby kung ano anong malalaswa siguro iniisip niya" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kyla sakin. Siya kaya tong mas wild sakin mag isip baka siya yung malala?

"Mukha ka kasing nag didream sa cru--Wait mukhang hindi lang yan crush eh" Walong halo birong sabi sakin ni Belle. Bigla naman niya hinarap sakin ang isang maliit na salamin. "Subokan mo tumingin dito ng makita mo yan mukha mo. Mukhang inlove ka na nga girl! Sino yan malas na lalaki na yan"

"May naisip lang ako.....Uhm Belle hindi kaba nagugutom?" Pag iiba ko ng topic para naman mailayo sakin.

"Oo gutom na nga pala ako' Gusto niyo ba sa Karenderya tayo nila dana kumain?" Tanong ni Belle samin ni Kyla.

"Ikaw ha! napapadalas ang punta mo doon. Baka ikaw tong inlove hindi si Abby! So tell me crush mo ba si Fafa dana?" Pang aasar ni Kyla sa kanya. Napahagikgik ako ng mahina ng sabihin niya na "Fafa Dana"

"Heh! Ano ako Baliko? Mas straight pa yung hair ko sa inyo baka mas mauna pa kayong mapabaliko" Napatahimik naman ako sa sinagot ni Bell at iniwas ko dahan dahan ang tingin ko. Ayukong magtama ang mata namin dahil alam kong ililipat niya sakin ang topic.

"Kala ko ba nagugutom ka belle? Tara na para masilayan mo si Fafa dana mo" Patuloy pa din ang pang aasar ni Kyla sa kanya.

"Ay wow! Kina career mo talaga pag tawag ng Fafa kay Dana noh? Hindi kami talo nun ang gusto ko gwapong lalake hindi magandang babae" Sagot naman ni Belle sa kanya pinagmasdan ko lang silang nag uusap ni Kyla.

"Pwede din naman gwapong babae like Gabb diba? Kilala nyo ba si Gabb yung Tiktokerist" Tanong ni Kyla samin dalawa ni Belle. Sinong Gabb?

"Kilala ko yun pero si Abby Hindi yan. Masyado na napag iiwanan ng panahon yan Kung hindi ko nga tinuroan mag fb yan edi wala din" Natawa nalang ako sa sinabi ni Belle at tumango kay Kyla na parang sumasang ayon kay Belle.

"Ito abby tumingin ka dito sa phone ko huwag sa mukha kong maganda" Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Kyla at lumapit ako sa kanya para tignan ang phone niya. "Ayarn Gabb Skribikin ang ganda at ang gwapo niya ket ikaw mapapatili diyan kaso taken na" Malungkot na sabi ni Kyla habang nakatingin sa picture nung gabb.

"Kahit naman single yan di ka din naman niyan mapapansin heh" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Ang cute ng Girlfriend ni Gabb na si Coleen Trinidad kasame surname mo Abby" Singit naman sa usapan ni Belle samin dalawa ni Kyla.

"Babae?" Takang tanong ko kay Kyla at Belle. Baliko si Gabb? Teka bakit ngayon ko lang napapansin na kung sino pa yun may mga itsura baliko.

"Abby ito oh" Inabot naman sakin ni Kyla ang phone niya na agad ko naman kinuha.

"Abby ito oh" Inabot naman sakin ni Kyla ang phone niya na agad ko naman kinuha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bakit parang namumukahan ko yung coleen? Kahi never ko pang nakita bigla tuloy akong kinabahan ng makita ko ang picture niya.

Napaka pamilyar ng mukha.

Same surname din kami.

"Famous yan dalawang yan sa tiktok world at bagay na bagay sila" Inabot ko na kay Kyla ang phone niya.

"Oo nga" Maikling sagot ko.

"Psh. Dito lang pala kita makikita" May kamay naman na humawak sa balikat ko kaya napa angat ang tingin ko dito.

"S-sela?" Gulat na banggit ko sa pangalan nito naparoll eyes nalang siya bago tumingin sa kasama ko.

"Pwede nyo ba muna kaming maiwan ni Abby?" Tanong niya kela Belle at Kyla.

"Ha? Bakit!? baka may gawin ka nanaman ah" Saad ni Belle habang nakatingin kay Sela.

Naramdaman ko naman na mas dumidiin ang pagkahawak niya sa balikat ko.

"Ingay mo hayaan mo na muna sila mag usap Belle. Puntahan nalang natin si Dana Tara na" Hila ni Kyla kay belle papalayo samin ni Sela. Ayaw pa nga Sana sumama nito Kaso hinila agad siya papalayo.

Umupo naman sa harapan ko si Sela napatingin ako sa kanya.

"So...Hindi Abby ang name mo?" Panimula nito, nagtaka naman ako sa sinabi niya sakin.

"Ha?"

"Hakdog" Saad ni Sela at inirapan ako.

"Abby naman talaga Name ko, pinagsasabi mo ba?" Tanong ko sa kanya nag unat unat naman si Sela bago niya sagotin ang sinabi ko.

"Sige sabihin na natin ikaw si Abby...Sino naman si Abelaine Trinidad ikaw din yun diba?" Napakunot noo naman ako sa sinabi nito "Abelaine Trinidad"?

"Sa pagkatanda ko Sela, Ang pina register na pangalan ng Parents ko ay Abby Trinidad hindi Abelaine Trinidad" Sagot ko sa kanya.

"Nevermind na nga lang may sasabihin nga pala ako sayo kaya nagpunta ako dito" Bigla naman ng slowmo ang lahat ng nakita kong ngumiti to sakin.

"I want to help you....Alam ko naman na Scholar kana ni Dad pero i guess sagot lang naman niya ang pang aral mo pero hindi ang pang araw araw mo diba?"

"Oo?" Hindi siguradong sabi ko kay Sela, mukha talagang walang sinasabi si Tito na kung ano ano kay Sela.

"Dito kaba nakatira?" Tanong ni Sela nilibot niya ang paningin niya. Nasa labas kasi kami ng bahay sadyang tumambay lang talaga kami dito nila Kyla.

"Oo" Maikling sagot ko.

"What if sa amin kanalang tumira?"

Napaubo naman ako sa biglang sinabi ni Sela sakin. Seryoso ba talaga siya at doon ang naisip niya?

--

A/N: Bukas ulet o di kaya mamaya.

Into You Where stories live. Discover now