12

1.6K 90 3
                                    

Abby's POV

Incoming call..094********

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ng marinig konh may tumatawag sakin. Tinignan ko naman ang orasan na malapit sakin 5:50Am palang ah. isturbo naman nito.

"HELLO!" Pasigaw na sabi ko, panira ng panaginip eh.

"Magkita Tayo sa tapat ng University" Napatingin naman ako sa number ng tumawag sakin.

Unknown number?

"Ha Sin----" Hindi manlang ako pinatapos dahil agad niyang binaba ang tawag.

--

Nagmamadali akong sumakay ng tricycle papunta sa University kahit hindi ako sure kung sino ang tumawag sakin.

"Kuya diyan nalang po sa tabi" Sabi ko bago bumaba ng Tricycle binayadan ko na din si kuyang driver.

Pagkababa ko napakamot nalang ako sa ulo ko ng maalalang wala nga palang pasok at nakasara yung gate.

"Abby"

Napalingon naman ako sa likodan ko ng marinig ko ang boses ni Sela, Nakadress to na white habang nakatingin sakin.

"G-Guia, ikaw yung tumawag sakin?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya, Mukha talaga siyang Anghel kailan ewan ko ba anlakas ng tama ko pag nakikita ko siya.

Lagi nalang bumibilis tibok ng puso ko pag nasa paligid ko siya.

"Anong klaseng suot yan?" Nakataas kilay na sabi nito habang nakatingin sa suot ko.

Naka Jeans at T-shirt na white lang naman ako.

"Masama ba?" Tanong ko sa kanya, agad naman niya ako hinila papasok ng van.

"Manong paandarin mo na malalate na kami sa pupuntahan namin" Saad nito.

Pinaandar naman ng Driver ni Sela ang sasakyan habang ako ay clueless pa din na nakatingin sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?" Sa halip na sagotin niya ako, katabi ko lang siya habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ineexpect ko na ganyan ang suot mo pero ang worst ha" Sabi nito at binaba niya ang hawak niyang phone. Tumagilid to para matignan ako nagulat ako ng hawakan ng ang bewang ko.

"H-hoy G-Guia!" saad ko at inalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

"Anliit ng waistline mo, Pero mukhang sasakto naman yung binili ko sayo" Sabi nito at may kunuha siya sa gilid niya na paper bag at inabot sakin.

"A-ano yan?" Nauutal na tanong ko, hindi ko alam kung nakailang lunok nako eh sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"Maghubad kana" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at napayakap sa sarili ko.

"Anong maghubad!?" Sigaw ko inirapan naman ako nito.

"Magpalit kana, Hindi ka makakapasok kung ganyan lang ang suot mo doon" Sabi nito habang nakatingin sakin.

"D-dito talaga?"

"Oo, Gusto mo ba ako na magpalit sayo ng damit? Pwede din" Lalo naman ako namula sa sinabi nito at nginisian ako nito.

"E-eh n-nandiyan yung driver paghuhubadin mo ko?" Tanong ko sa kanya.

"Manong stop mo nga muna at lumabas kanang kotse" Sabi ni Sela sa Driver niya agad naman tinabi nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumabas.

Napatingin naman ako kay Sela, wala ba siyang balak lumabas?

"I-ikaw?" Turo ko sa kanya.

"Oh?"

"Hindi kaba lalabas? Magpapalit ako" Saad ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hindi na kailangan' Magpalit kana sinasayang mo ang oras" Sagot nito at tinuon nalang ang pansin niya sa cellphone niya.

Napahinga naman ako ng malalim bago ko hubadin ang T-shirt ko at pantalon ko.

"Need Help?" nagulat naman ako ng makita ko si Sela na nakatingin sakin.

"G-GUIA! TUMALIKOD KA NGA BAKIT KABA NAKATIN---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hagisan ako ni Sela ng Red dress.

"Suotin mo na, Pinaglihi kaba sa pwet ng manok? ang ingay mo abby" Malamig na sabi nito habang nakatingin pa din sakin agad ko naman tinakpan ang dibdib ko dahil nakatingin sya rito.

"Hoy! Yung tingin mo!?"

"Duh, Whatever bilisan mo na" Saad nito bago lumabas sa sasakyan.

Sumilip naman ako sa bintana at nakita kong kinakausap niya ang driver niya. Dali dali ko naman sinuot ang inabot niyang dress sakin. Paano niya nalaman na mahilig ako sa Red? Niresearch niya ba? Wow baka nagkataon lang.

Natapos na ako magpalit. Unang pumasok ang Driver ni Sela.

Pagkapasok naman ni Sela ay tumabi to sakin at tumingin sakin.

"Not bad huh" Saad nito at tumingin nalang sa bintana. Bago paandarin yun sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, napalingon to sa gawi ko.

"Birthday party" Walang ganang sabi nito.

"Ako talaga sinama mo?" Natatawang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"Seriously abby? Anong klaseng babae ka di ka manlang marunong magmake up sa sarili mo. Daig mo pa yung bangkay sa sobrang puti ng mukha mo para kang si Michael Jackson" Sabi nito at Inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Grabe amoy na amoy ko yung hininga ni Sela ang bango.....

"Haist, Hindi ko alam pati make up mo proproblemahin ko pa" Iritang sabi niya at naglabas siya ng make up kit. Napanganga nalang ako sa nakita ko.

Seryoso talaga siya na aayusan niya ako?

"Ilapit mo nga mukha mo sakin. Anlayo mo ano ako pa mag adjust?" Sinunod ko nalang ang gusto niya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Habang inaayosan niya ako ay nakatitig lang ako sa mukha niya buong oras. Ang ganda naman niya sa kanya lang talaga ako pinaka nagagandahan. Kahit na nakakatakot yung ugali niya hindi mo maipagkakaila na pag nakita mo siya. Mabibighani ka sa kagandahan niya lalo na nung makita kong Nginitian niya yung matanda lagi ko nalang nakikita yung ngiti niya sa isip ko.

Hayts Sela ano ba ginawa mo sakin?

Sa pagkakaalam ko Straight ako, Pero simula ng makita kita bumaluktod nalang ako bigla.

--


Into You Where stories live. Discover now