3

1.9K 95 1
                                    

Sela's POV

Nakaupo ako sa may table habang nag lalaptop ng biglang pumasok si Dad na nakapamewang sa harapan ko.

"Nabalitaan ko may sinapak ka na classmate mo. Talaga bang balak mong maforced kick out sa university na pinapasokan mo?"

Sa akin ba talaga siya concern o sa kumpare niya dahil yun ang may ari ng University.

"She's insulting me dad, ano gusto mo na pabayaan ko lang na apak apakan ako?" Sagot ko sa kanya at sinarado ko ang laptop ko at inikot ang chair ko para tumingin kay dad.

"Marsela, Ano ba talaga gusto mong mangyare hindi nanamin alam ng mommy mo ang gagawin namin" Lumapit naman sakin si dad.

"Daddy please, transfer me to another school mas mapapanatag ang loob ko kung aalis ako sa pinapasokan kong university" Sagot ko sa kanya nagulat naman si Daddy sa sinagot ko.

Mahal ko ang Saphire University pero ang mga nag aaral doon hindi dahil puro pang jujudge lang ang binibigay nila sakin.

"So my princess where do you want?" Mabilis na tanong sakin ni Daddy.

alam ko din naman na hindi ito makakahindi sakin. Ang swerte ko dahil napaka understandable ng parents ko kahit kailan.

"Sa university mo Dad"

"Marsela, Hindi ito katulad ng University pinapasokan mo baka mahirapan kang mag adjust"

Mukhang pinaparating ni Daddy yung mga student na puro scholar lang naman. Nagbibigay si Daddy ng Scholarship tapos pinapasok niya sa university na binuo niya.

"I know dad na hindi mga rich ang tao doon pero mas gusto kong mapalayo sa ginagalawan ko. I know Saphire University ang nagpatanyag sa pangalan na meron ako. Pero yung S.U din ang nagpapabagsak sakin Dad hirap na hirap nako marinig ang paulit ulit nilang sinasabi sakin"

Napaiyak nalang ako sa harapan ni Dad, Iyak ko lang ang maririnig sa buong kwarto ko.

"My Princess don't cry, Tomorrow gagawa ako ng paraan para makapasok ka agad sa university na gusto mong mapasokan" Nakangiting sabi ni Dad at yinakap ako yinakap ko naman ang daddy ko.

Simula ng kumalat ang issue samin ni Gia. Nilayoan nako ng lahat pati kaibigan ko lumayo na sakin nandidiri sila sa perspective na meron ako.

Buti nalang talaga nandiyan ang parents ko na handa akong supportahan at nagpapatahan sakin tuwing umiiyak ako.

--

Abby's POV

"Abby Table no.8 daw" Napalingon ako sa manager ng bar ng biglang tawagin ako nito.

"Nga pala abby dalhin mo to sakanila, Mukha naman type ka nung lalake na yun napaka gwapo niya Abby!" saad nito at binigay sakin ang isang tray na may laman ng Vodka drinks.

"Pero Manager Sumasayaw at nag aabot lang ak---"

"Hindi bat gusto mong kumita ng malaking pera ngayong gabi? Ito na pagkakataon mo mukha naman mayaman at desinte yung lalaki!" Napabuntong hininga nalang ako at sinunod ang manager ng bar.

Naglakad ako patungo sa dalawang lalaki, Ang gwapo nila napaka mestiso nilang dalawa. Napatingin naman sakin yung isa nitong katabi.

"Ayan napala yung gusto mong babae, Miguel"

Nilapag ko naman sa lamesa nila ang tray na hawak ko. Aalis na sana ako ng hawakan ako ng isang kasama nito.

"Dito ka muna Ms. Problematic kasi tong kaibigan ko dahil sa kapatid niya okay lang naman diba? Hindi naman kami yung taong pagsasamantalahan ka" Saad nito tumango nalang ako at tumabi sa kaibigan niya.

Baka may tip pako makuha sayang yung pera dagdag ipon din ito.

"By the way My name is Miguel Dela Cruz, And you are?" tanong sakin ni Miguel ng makaupo ako sa tabi nito.

"Abby" Maikling sagot ko nginitian naman niya ako inabotan ako ng Drinks.

"Don't worry ako na magbabayad ng iinomin natin" Naramdaman ko naman yung kamay niya ay nasa bandang hita ko. Pinilit ko nalang na kumalma kahit na nandidiri ako sa ginagawa niya.

"Pare kamusta na pala yung kapatid mo na babae? Ayos lang ba siya nalaman ko sa kapatid ko na hindi okay ang image niya ngayon" Rinig kong sabi ng kasama nito.

"Ayon umiiyak lagi sa kwarto niya. Dude hindi na namin alam ang gagawin sa kanya kung pano siya papatahanin. Akalain mo yun tatlong araw hindi umuwi sa bahay at makikita ko sa may kalsada naglalakad na parang lutang, miss ko na yung dating kapatid ko" Nararamdaman ko ang lungkot niya sabagay kapag kapatid na ang usapan ibibigay mo talaga ang lahat para mapabuti to.

Bigla naman tumunog ang phone nito at agad napabaling ang tingin niya sa phone niya.

"Andrei, I need to go pinapatawag nanaman ako ni Mom. Mukhang about nanaman to sa kapatid ko hays sumasakit na ang ulo ko sa babaeng yun" Bago siya umalis nag lapag naman siya ng pera sa table.

Pagkatapos nilang makaalis ay agad kong binilang pera na inabot nito. Ten thousands para sa pang hihipo niya nakakadiri man ang gawain ko pero kailangan ko pang mas makaipon ng pera.

--

Into You Where stories live. Discover now