KABANATA 3:

108 21 0
                                    

Midnight Lotus

The leaves dance together with the wind. The birds were sweetly chirping near me. I felt the soft touch of the cold breeze, as I rested on this swing which I made myself. As I swing myself together with the rhythm of the cold breeze, I felt the warm kiss from the rays of the scorching sun. I moved my arm to cover my eyes.

Ahh peace.

"Ibinigay mo nalang kasi para matapos na ito!" A loud baby baritone voice ruined the mood I had.

Yeah baby baritone. Iyong boses na pilit pinapalalim na nagiging tunog pusang naghihingalo dahil sa pagkaipit. Kadalasang gamit ng mga lalaking trying hard maging malalim ang boses para 'raw' maging 'sexy' pakinggan at para raw 'intimidating'.

Tsk! They're hopeless.

"Ano na, Ramirez? Ibigay mo na!" Sigaw ulit ng isa pang baby baritone. 

"Ugh! This is taking much of my time!" Aba't may kasama pang baby bra!

Napatingin ako sa ibaba. Nakaupo na sa lapag ang lampang si Lincoln Ramirez habang may tatlong lalaki at isang babae sa harap niya. Maiinit talaga siya sa mata ng mga bully.

Ay naku! College na siya ah nabu-bully pa?! Tsaka college na sila 'di pa rin tumatanda mga utak. Asal bata, utak isda pa rin ah.

Napa tingin ulit ako. Ah Letche! talaga bang lalampa-lampa nalang siya buong buhay niya?

"Matigas ka pala ah." Hambog na sabi ng isa at akmang susuntukin si Ramirez.

Letche! Ang iingay pa!

Tinalon ko ang distansya mula sa itaas ng narra na pinagtalian ko ng duyan hanggang sa baba kung saan may maiingay na mga baby baritone at baby bra.

"Ang ingay niyo," Panimula ko at sinalo ang kamao niyang umaambang manapak.

"C-cap!" He said. I stared at him blankly. Kaya pala ang lakas ng loob mang bully.

Ivan Santos, anak ng isang senador at myembro ng basketball varsity.

Marahas kong binitawan ang kamao niya at pinagpag ang mga kamay sa isa't isa.

"Wala ka na bang ibang magawa, Santos? Talagang papatulan mo ang mga walang laban sa iyo?" Ani ko at naglakad palapit sa kaniya.

Mapaglaro kong pinagpagan ang kwelyo ni Santos habang nakangisi.

"You are out of this, Prodigy." Napatigil ako sa aking ginagawa. I tilted my head a bit, I angled it perfectly enough to look at this baby bra.

Oh! literal na baby. Babylyn Fuentabella, COO Child Of the Owner. Tsk! Note the sarcasm. The Heiress of the Lá Bèlla a known fine dining restaurant.

"Oh Baby..." sinadya kong bitinin. "Bra!" I sneered at her and smirked afterwards. Namula naman ito at tumingin pa sa kanyang hinaharap. Napatingin din ako.

Hmm not bad.

I smirked once again while rolling my eyes. "Oh well, the weakest animals prey on the animals their level. Don't worry 'di ako tulad niyo. Hindi ako lumalampaso ng mga taong alam kong walang panama sa'kin." Ibinalik ko ang aking titig kay Santos.

I looked him in the eyes with a serious facade. Ang mahihina kong pag-pagpag sa kwelyo niya ay natigil.

Hinawakan ko ang kwelyo niya nang mapaatras ito. I moved closer to his ear to whisper. "Lapitan mo pa siya at mawawalan ka ng panga. Subukan mo siyang sapakin at mawawalan ka ng kaluluwa." I moved away from him and smiled innocently . I gently tapped his shoulders as if removing possible dirt. "Okay?" Nakangiti kong sabi.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now