KABANATA 16:

55 21 0
                                    

Consciousness

I felt the warm ray of the rising ball of fire. My brain is really telling me to get up and be productive, but hell my body just won't cooperate!

I snuggled on my bed and comforter more. Ah! What a great way to start my day. To not start the day at all.

Halos mahulog pa ako sa kama dahil sa mabilisan kong pagbangon. Ang lakas naman kasi ng tunog ng cellphone ko.

"What? Ang aga-aga e!" I shouted not even looking at the caller's id.

"Ang aga-aga ang sungit-sungit mo, baby Sekreto ko."

Napamulagat ang papikit-pikit kong mata nang marinig si mamangs sa kabilang linya.

"Kasi naman mangs gusto ko pang matulog." Pag-ungot ko pa.

"Aba! Anong oras na oh! Alas dyes na! Ano 'di ka na uuwi dito?!" Aniya.

Minsan talaga gusto ko na lang na tapalan ng tape ang bunganga ni mamangs. 'Apaka ingay!

"Uuwi, mangs." Mahina kong sagot. Baka kasi pag-ginalit ko, kurot sa singit ang isalubong sa akin.

"Mabuti naman at naisip mo pa 'yan. Napanuod kita sa tv! Congrats, Baby ko! Magpa-pizza ka pag-uwi mo ah." Ani Mamangs, natawa na lang ako sa kaniya. "Ma, can I talk to ate?" I heard Lia's voice on the background.

Nagkaroon naman ng mga kaluskos na tila ipinasa ang cellphone at nahawakan ang microphone kaya tumutunog.

"Ate, I miss you." She started. Tumawa ako para hindi matuloy ang alam kong akmang pag-iyak niya.

"Parang hindi naman." I joked, kahit halata naman ang panginginig sa boses niya. I sensed that she's pouting the reason why the other line went silent. "Don't worry, ate's already going home. Baka bukas ay nariyan na ako."

"Really? Yey! Ate's coming home! Did you hear that mama? She's coming home!" Pagkausap niya kay mamangs. Naging magulo naman ang tunog na narinig ko.

"Anong oras ba ang flight niyo? Nang masundo ka namin." Tanong niya nang maayos na ang mga pangyayari sa kabilang linya.

" Baka hapon na, gusto pa kasi nila ng road trip. We're using a yatch to Baybay City then land trip to Tacloban City, at doon na kami mage-eroplano. Magkakaroon kasi ng yacht party as celebration. Mga pakulo ng mga mayayaman." I answered.

"Sige. Sige. Basta ingat ka ah."

"Yes, commander." Natatawa kong ani.

"Baliw." She said while laughing. "Bye na nga baby Sekreto ko, ingat lagi."

"Opo, kayo rin." And with that I ended the call.

Dahil nagising na nga ako ay 'walang choice' na bumangon na lamang ako

When I looked at my cellular phone, I noticed that I have unread messages.

Puro galing kay Ramirez. I read some. Most are greetings like "good night" from last night and some random reminders.

I read his latest message.

From: Ramirez

Good morning, girlfriend! I hope you had a great sleep.

My phone vibrated again.

From: Ramirez

Are you an array of numeric data that has transformed into the frequency domain by the FFT algorithm?

My forehead creased. Anong trip niya? Is this a pick up line again?

To: Ramirez

No.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now