KABANATA 7:

63 21 0
                                    

Girlfriend

I heard the two gasped.

"Anong klaseng relasyon 'yon?" Tanong ni Shy.

"That's it. Take it, or leave it." I said, feeling impatient.

"N-No... I mean of course I'd take it!" Natataranta niyang sagot.

"Oh? Ba't nasa harap pa kita?" Seryosong tanong ko.

Nataranta naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang hawak na rosas.

"Sayo na 'yan, girlfriend. Ayon 'yong lunch mo sa paper bag. Ito naman 'yong tubig para sa practice mo mamaya." He pointed the brown paper bag sitting on the bench and handed me a navy blue tumbler with slices of lemon, cucumbers and carrots. Hinalughog niya bigla ang bag niya kaya na ngunot ang noo ko. "This one is also for your practice later. May extrang t-shirt sa loob at bimpo para sa pawis mo. Huwag kang magpapatuyo ng pawis ah. Ingat ka, girlfriend." He handed me a pouch. He then waved his hand and left.

"Oy, kilig 'yan." Shy teased she's even poking the side of my waist.

"You're endearment ay 'girlfriend-boyfriend'? Ew. Sobrang not creative!" Rei said. 'Yon talaga ang napansin. Tsk.

"Siguro naman titigilan na 'ko no'n." Naiinis kong ani.

"Ayieee, dalaga na siya. May first boyfriend na." Pang-aasar ni Rei at sinundot ulit ang tagiliran ko.

"Tss. Not today, I'm still pissed." Sabi ko at umakyat na sa puno papuntang duyan ko. Not even minding my school uniform.

Pagsapit ng uwian ay pupunta muna sana ako sa field pero na realize ko na hindi nga pala muna ako maglalaro.

"Oh aga mo yata, baby kong Sekreto." Puna ni Mamang pagkarating ko sa bahay. Hindi kalakihan ang apartment namin dito. Sakto lang para sa aming apat. May dalawang kwarto, isang banyo, maluwag na sala, at simpleng kusina. "Nga pala nasaan na ang tupperware na ginamit mo noong isang araw?" Naniningkit ang mga mata niya.

Napaisip naman ako.

Geezing Neptunes! Nawala ko yata ang pinakamamahal na tupperware ni mamangs.

"E kasi... uh.." 'Di ko na natapos ang sasabihin dahil ihinampas niya sa ulo ko ang isa sa tupperware na hawak niya. Nagbibilang yata kaya nahalatang kulang.

"Nawala mo nanaman?! Aba, mauubos mo na yata ang tupperware ko rito sa bahay! Naku! Naku! Hindi ko na talaga ipapagamit sa'yo ang mga tupperware ko." Pinaningkitan niya ako ng mga mata. At tumalikod na para ayusin ang pagkakalagay ng mga tupperware niya.

Napakamot ako sa noo ko.

Mas mahal pa nga yata niya iyang mga tupperware niya kaysa sa amin e.

I sighed. Umikot ang paningin ko. May hinihintay.

Maaga nga ako, wala pa si Lia e.

" 'Yong kapatid mong makulit ba?" Mamangs read my mind. "Naku wala pa, mamayang alas kwatro y medya pa ang labas no'n. Sunduin mo kaya, tutal nandito ka rin naman 'saka galit pa ako!" Mamangs said, still pissed about the tupperware I lost.

Nagkakamot na tumango lang ako at pumasok na para magbihis.

Nakagayak na ako ng itim na jogging pants at navy blue'ng hoodie. Sanay ako sa sapatos kaya sinuot ko ang navy blue ko'ng running shoes.

"Alis ka na?" Tanong ni Mamangs.

"Hindi Mangs, susubokan ko lang tumambay dito sa loob na nakasapatos." Pambabara ko sa kaniya. Sumimangot naman siya at ngumuso. "Ako na maghuhugas mamaya."

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now