KABANATA 10:

66 22 0
                                    

Boyfriend

"Hayy, nakakapagod." I mumbled. Unexpectedly, pinabalik ako sa pagpa-practice. Kadalasan kasi ay busy si coach at walang magsu-supervise sa Northern Spades kaya balik ulit ako.

"Ito naman si boss-cap, buti ka nga may pahinga e!" Ani Zander. Tinignan ko siya ng masama. Umakto naman ang baliw na parang izini-zipper ang mga labi.

Naalala ko nanaman ang hambog na si Marques. Kahit 'di na kami maglaro, sapakan nalang!

"Balik na sa field, tama na ang water break!" Sigaw ko kaya nagsitayuan agad sila.

Ako ang kaisa-isa at kauna-unahang babaeng myembro ng Northern Spades. Kahit na babae ako ay walang pinagkaiba ang training ko. Kung ano ang kanila ay iyon din ang akin. Kung hard training, ganon din ang akin. Walang favoritism, na ayos lang din sa akin dahil ganon naman talaga dapat.

Babae ako ngunit hindi babae lang.

"Today is friday, so as always sa training grounds tayo!" Coach announced kaya nagsitango kami at sumunod. "Agility test!" Anunsyo niya ulit kaya pumila na kami.

Ako sana ang unang tatakbo at sasabak nang biglang tumunog ang speaker sa buong campus.

"Good afternoon everyone!" One of the campus journalists greeted. They are the ones in charge on delivering  announcements through the campus speakers. "Paging. Paging... Paging miss Secret Knyazeiva Abadiano please proceed to the Dean's office now. Again miss Secret Knyazeiva Abadiano please proceed to the Dean's office now. That is all thank you." Pagtatapos nito.

"Ayy!" Naiinis kong ginulo ang buhok ko. That Morales, mukhang nagsumbong nga iyon!

"Hala, Cap! patay ka, may nilampaso ka nanaman 'no?" Pang-aasar ni Drake. Inakbayan naman siya ng ulol na si Zander.

"May ginulpi 'yan kaya pinapatawag ni Dean! Cap, ipapatawag na si tita Nica n'yan!" Dagdag na asar ni Mike.

"Mga ulol!" Ani ko at binato sila ng bola. "Paps alis muna ako, suki na 'ko." Natatawa kong paalam sa coach naming kararating lang.

Lumapit si coach sa akin. Seryoso ang mukha.  "Ayusin mo ito, Zei. I don't want to lose a great captain." He said then tapped my shoulders. Ngumiti lang ako at tumango 'saka naglakad na palayo sa kanila.

"Miss Abadiano kanina ka pa hinihintay ni Dean." Sabi ni miss Joyce, the Dean's secretary. I smiled then nod at her worried face.

Three slow knocks then I opened the door.

"Miss Abadiano, take a seat." She seriously said.

I sat on the chair in front  of her table.

"I heard about the incident with miss Blaire Castro, and to tell you frankly I don't like what you did." Madame started. So hindi pala ang High Flyers ang nagsumbong, kun'di ang baby bra'ng si Blaire Castro pala. Hmm mukhang na tauhan yata, ang mga ulol na 'yon, sa sinabi ko.

Aba, dapat lang talaga!

"To tell you honestly Madame, I did not do anything wrong." I said.

"Miss Abadiano, ang sabi ni miss Castro ay nagbigay ka raw ng threat sa kaniya. You know that bullying is a major offense and is punishable by the school heads in this uni, right? and your scholarship can be terminated, if ever." Mahaba niyang ani at sinipat ako ng seryosong tingin.

"Ramirez was hospitalized." I said seriously.

"I'm sorry, what?" She asked looking so confused.

"You said that bullying is a major offense. But how come that Lincoln Ramirez was beaten 'till black and blue inside the premises and no one was charged for the offense. While me, that all I did was tell her to slap me and I'll give her a comeback, was charged of something I did not do!" I said, anger dripped like hot acid from every word I say. I can't help but to raise my voice.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon