WAKAS:

156 21 7
                                    

I Love You

"Happy Anniversary!" We greeted my parents as I hand them my gift.

It's an oil painting of them.

"Naku, nagabala pa ang baby Toto ko." She pinched my cheeks like how she did when we were little.

Gusto ko sanang umalma sa tawag niya sa akin pero hinayaan ko na. Pamilya yata kami ng matitigas ang ulo.

"Happy 365 days of love to you, mom and dad." Lin handed them a box while grinning sheepishly.

I leaned closer to dad to whisper.

"Pampalakas 'yan dad. Gusto ko ng lalaki ah." I winked at dad to tease him.

His face turned crimson na nagpatawa sa amin ni Lincoln. Sa pagtawa namin ay nahagip ng mga mata ko ang bagong pasok sa bulwagan ng mansyon. Palinga-linga ito, animo'y may hinahanap. Sa kanang kamay ay hawak ang isang bata.

"Cyrill!" Agaw pansin ko sa kaniya at bahagyang kumaway pa. Lumiwanag naman ang mukha nito.

Lumapit siya sa amin at ngumiti kay dad at mamangs. Mangs knows her, minsan na rin kasi itong nakapunta sa bahay. Tsaka pumupunta rin naman si mamangs sa orphanage noon.

"Asikasuhin mo muna ang ibang bisita roon dahil busy ako sa maganda kong bisita." I heard mangs pushing dad away. Nakangusong umalis naman ito kasama ang asawa kong tumatawa.

"Naku, ang sosyal naman ng party niyo tita, nakakahiya." She said. While handing out a gift. "Happy anniversary po!"

"Ay! Nagabala ka pa. Dapat itong si Mon-mon na lang ang ibinalot mo e." Mangs giggled while pinching the cheeks of Cyrill's five-year-old son.

Sumimangot naman ang bata at humalukipkip pa.

"Pasensya na tita. Bugnutin dahil sa byahe. 'Di sanay sa eroplano e." Bahagya pa siyang kumakamot sa noo niya.

"Geez, it's fine Cy. Sanay si mamangs sa ganiyan e pagkasungit-sungit ba naman ni Apple." Tumawa pa ako habang sinasabi iyon.

"Ganon ba? Hindi ko pa kasi nakikita ang kambal niyo sa personal e."

I can't help but to feel nostalgic with her soft voice. Noon pa man ay talagang ganito na siya magsalita. Napakahin-hin at parang hindi sumisigaw.

"Ay 'sus teka." Luminga si mamangs. "Art, Apple, 'li kayo may bisita tayo."

Patakbong lumapit si Levi habang marahan naman ang bawat hakbang ni Apple.

"Oh my! Teacher-tita!" She ran to Cyrill at parang matsing na naglambitin dito.

Lagi silang nakakapagusap noon sa telepono. She enjoy's talking with Cy lalo na't tungkol sa mga itinuturo ni Cyrill ang lagi nilang topic.

"You've grown so big!" Natatawang ani Cyrill pagkabuhat kay Levi.

"That's because I ate a lot of carbohydrates!" She shouted excitedly. "And veggies! Even broccoli! Even though it's so yucky!"

Napatawa kami sa kakulitan ni Levi.

Natigil ito nang may tumawag kay mamangs. One of her friends.

"Oh dear. Puntahan ko muna ang ibang bisita. Feel at home, Cyrill and enjoy the rest of the evening." She said. Nakangiting tumango naman si Cy rito.

All of a sudden I felt Apple tugging my slacks.

"Mummy, who is he?" He pointed Vermont who was just holding on to his mothers dress.

Dahil sa tanong ni Apple ay napatingin din si Levi kay Vermont at nagpababa na kay Cyrill.

"Oh, this is my son." Si Cyrill na ang nagpakilala kay Vermont— na parang wala namang pakialam.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now