KABANATA 41:

70 21 5
                                    

Rude

"Ay ewan! Ang gulo-gulo na nga ng isip ko e." Pagmamaktol ko sa harap ni Rei. We're in the mansion and we're getting ready for the party tonight.

"You just did the next right thing. You're helping him with his project." She rolled her eyes at me.

Napatampal ako sa aking noo. Hindi ko mapigilang maalala ang ginawa kong pagsusungit sa harap ng lalaking 'yon.

"Sister I'll go ahead." I excused myself.

"Naku narito na itong boyfriend mo. Mag-usap muna kayo." She held my hand. "Mukhang may alitan kayo ah mabuti pa't ayusin niyo na iyan ngayon bago pa lumala." Pagpapayo niya. Naku sister! Kung alam niya lang, walang aayusin kasi tapos na.

"Ah sister may gagawin pa kasi ako. I'll help them over there marami-rami rin kasi iyon." Tinuro ko ang tatlong madre na nagtatawanan habang ibinababa ang mga laruan. I looked at him for a second before turning my back.

Hindi na naman nila ako pinigilan bagkus ay hinayan nila ako. Nagpatuloy ang program na ginawa namin ni Rei. I also heard that Lin's constructing a pre-school in Shy's honor. Ito raw kasi ang gusto ni Shy.

We played, read them stories, and gave them toys. It was tiring but worth it. Nakikipaglaro pa rin ako nang may bagong sasakyan na pumarada sa labas. Nangunot ang noo ko nang lumabas ang babaeng 'yon.

Oh yeah! Where the boyfriend goes the girlfriend follows.

Gumulong ang mga mata ko sa kaartehan niya nang makita ang putik sa dadaanan niya. Umulan kasi kaya medyo maputik.

"Hello, everyone!" She shouted to get everyone's attention. Nangunot ang noo ng mga bata.

"Sino siya ate sungit?" Tanong sa akin ni Merc.

"Girlfriend siya ni Lincoln." I smiled at them and looked at Blaire. Napasunod ang tingin ng mga bata sa tinitingnan ko.

"E 'di ba po boypren mo si kuya Lin?" Tanong ni Ara. I smiled at her.

"Hindi na." I pinched her cheeks.

"Ay bakit po? Mas maganda ka naman, mas matangkad lang siya. Magsuot nalang po kayo ng mataas na sapatos tapos magbalikan na po kayo." Napangiwi ako sa suhestyon ni Troy pero ngumiti kalaunan.

"Hindi gano'n iyon e." I smiled at them again at nilingon si Blaire na yumakap at humalik sa pisngi ni Lin.

"Hey, See look oh!" Biglang sumulpot si Rei at inginuso ang dalawa. Iginaya ni Lin si Blaire sa buffet at siya pa ang kumuha ng plato para rito.

"Ano naman ngayon?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Nothing, gusto lang kitang saktan." She giggled. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Kidding! Gusto mo hindi ko siya pakainin sa buffet mo?" She suggested.

"Baliw." I laughed with her. Hindi nalang namin pinansin ang paglalampungan nila.

Natigil ulit ang pakikipaglaro namin nang may humahangos na lalaking lumapit sa dalawang naglalampungan.

Dahil hindi naman sila masyadong malayo kaya rinig na rinig ko sila.

"Sir Khib 'yong si Engineer Herardo itinakbo ang pera niyo." Mabilis ang pagkakasabi nong lalaki. Napataas ang kilay ko sa itinawag nito kay Lin.

Khib huh.

"What?!" Tumayo si Lin at agad may tinawagan. Nagkagulo sila kaya naramdaman ko ang takot sa mga bata.

I asked Hani and Candy to bring the children inside. I still can't believe that Candy Madrigal wants to be a nun.

Nakamasid lang kami ni Rei sa pagkakagulo nang biglang magsalita si sister Nelsa.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora