KABANATA 5:

74 22 0
                                    

Her Journey

Ang plano kong umuwi ng maaga ay hindi natuloy.

Half day lang kami ngayon dahil may emergency meeting ang mga professors kasama ang principal.

Sayang uuwi na sana ako, kaso may practice pala kami ngayon kaya field muna.

"Cap! Simulan na natin ito nang malampaso na natin ang mga bakulaw na iyon!" Sigaw ni Zander, pagkatapak ko sa field, tinutukoy 'yong mga hambog na taga-kabilang school na siyang pagpapractice-an namin.

"Ang yayabang e puro lang naman salita," Dagdag pa ni Anton, na siyang pinakabata sa amin at ang keeper.

"Hayaan niyo." Simpleng sagot ko.

"Oh andyan na pala captain little niyo! Laro na! nang makita ko kayong magsisigaw na parang mga ulol sa buong field!" Mayabang na sabi ni Marques, ang captain ng kabila. Puro lang naman 'to salita, lakas lang mang trash talk pero noob naman sa laro. Siguro ay nakipagpustahan nanaman ang mga baliw kong team mates.

Nginisian ko lang siya. I tied my hair in a bun.

"Oh! Nagtali na si cap!" Natawang ani Mike.

"She's scary when she does that." Drake said with a chuckle.

I tie my hair when I feel fueled. A good kick from me is expected when I does that.

"Oh inyo na unang bola. Baka kasi ma-bokya kayo e." Mapang-asar kong sambit at sinipa ang bola papunta sa kanila.

Mukhang na inis naman ito pero sinipa na lang din ang bola.

Nagsimula ang laro na puro trash talk ang maririnig mula sa mga baby rabies na ito. Mga asal at isip bata kasing mga ulol, kaya mga baby rabies 'yang mga 'yan. Chill lang ako sa laro walang pake sa pinagsasabi ng mga baby rabies.

Sinipa ni Neil ang bola papunta sa akin itinakbo ko naman ito. Saktong ang lider ng mga baby rabies ang dumepensa sa akin kaya naka-ngising napailing-iling lamang ako.

"Hindi talaga ako makapaniwala na isang katulad mong babae lang ang naging captain ng mga bata mo. Mukhang kasing hina ng mga tuhod mo ang mga bata mo ah." Sabi ni Marques, ngumisi lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ingat-ingat baby baka malampaso namin kayo. Pero pwede ka naman samin e, hmm, pwede ka nang muse." Ngumisi pa ang manyak.

Natawa naman ako at sinipa na ang bola sa goal. Kasabay ng pagsipa ko ang pagsiko ko sa kaniya dahilan para madapa siya.

"Goal!" Sigawan ng mga ka-myembro ko.

Nakangising pinagpag ko naman ang kamay ko.

"Ulol! 'Di mo 'ko baby, at oo babae ako pero hindi ako babae lang. And what? lalampasuhin mo kami? paki-check nga ulit ng score." Mapang-asar akong lumapit sa kaniya at bumulong. "Just to remind you, bokya pa rin kayo." I mocked and playfully tapped his left cheek.

Tumakbo na ako sa gitna at nakipag-apir sa team mates ko. Asar na asar naman ang captain ng Blazing Leos.

Sunod-sunod pa ang naging goal namin kaya lalo lamang na badtrip ang captain nila.

Pikon tsk!

"Tangina! Break muna!" Naiinis niyang ani at sinipa ang bola sa kung saan.

"Aray!" Daing ng kung sino kaya napalingon ako sa benches malapit sa field.

Anong ginagawa ni Ramirez dito?

"Hey four eyes! Ibili mo nga ako ng tubig!" Sigaw ni Marques kay Ramirez. Hinihimas pa nito ang nuo niyang natamaan yata ng bola. Mabuti at hindi na sira ang eye glasses niya, kahit paano ay malakas din sumipa ang gagong iyon.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now