KABANATA 19:

58 20 0
                                    

Remind

Drops of dextrose. Wheeled beds. Fruits.

The mixture of different medicines filled my nostrils every time I inhale.

"Can I?" I asked mamangs. Nagpapaalam kung pwede ko na bang bisitahin si Lin.

Sa loob ng tatlong araw ay hindi ko siya nakita. Nag-aalala lang ako na baka masama pa rin ang lagay niya.

"Yes, ate you can." Lia giggled. Pinangunahan niya na si mamangs. She's been telling me that if I will be a good girl and recover fast she will allow me to visit Lin.

"Sige na nga." Napabuntong hininga si mamangs. "Bakit ba gustong-gusto mong puntahan iyon kapartner mo?"

"Kasi nga he helped me. Gusto ko lang siguraduhin na ayos na ang kalagayan niya." I answered.

"Oh, okay. Teka teka he?!" She exaggeratedly shouted. Natatawang napa-tango naman ako. "Akala ko ba ay Lyn ang pangalan?"

Napatawa naman ako. "Oo nga mangs. Lin as in Lincoln. Teka akala ko ba ay nanuod ka?"

"Ikaw lang naman pinanuod ko." Ngumuso pa siya. 'Apaka isip bata talaga ng nanay ko. "Oo na. Sige na nga e. Lumayas ka na dito." Deri-deritsong sabi niya.

'Apaka pikonin talaga!

Hindi naman ako injured. I just had to be admitted in a hospital for further check ups and because I was dehydrated.

While Lin, ang alam ko ay narito pa siya. I'm just worried 'cuz the last time I saw him he was not in good shape.

I inhaled and exhaled before I knocked on the door in front of me.

Room 274

I read the numbers on top. I sighed and waited for awhile.

Biglang pumihit ang seradura kaya bahagya pa akong napa-atras.

I saw a pair of brown shiny leather shoes. As I looked up I saw how expensive his suit is. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"T-Tito Knight!" I said looking so surprised, while he was just there, smiling at me.

"Are you visiting my son?" He asked. Nanlaki lalo ang mga mata ko.

Siya ang tatay ni Lin?

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Tulad ng kung mayaman sila bakit sa ganoong lugar naka tira si Lin? Why is he living with his grand mother? Wala bang supporta galing sa mga magulang niya?

Lahat ng bakit at paano na itanong ko na sa sarili ko.

"Secret!" He snapped in front of me. "You're spacing out. Sabi ko pasok ka," Aniya at inilahad ang loob ng kwarto.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Sinabi ko pa naman na baka isa sa mga natalo namin ang anak niya. 'Yon pala 'yong kapares ko ang anak niya.

Nakakahiya!

Kahit naguguluhan ay pumasok ako. I saw Lin sleeping on a hospital bed with dextrose on his left hand.

"Is he okay?" I asked tito Knight.

From the back he held my shoulders and slowly step forward—in front of me.

"He's fine, he's just resting." He assured me and tapped my shoulders. "Have a sit. I want to know my soon to be daughter-in-law." His baritone voice chuckled.

I don't know but I felt weird. The thought of him being fine with his son being together with an average person like me makes my heart flatter. From the looks of it, they looked really rich. The kind of rich that would surely won't accept rags like me inside their mansion.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now