KABANATA 6:

70 22 0
                                    

In a Relationship?

"Lia, anong nangyari?" I asked seriously. I looked at mamangs, her hair was disheveled — not in a good way. She got scratches on her arms and a tiny bruise at the corner of her lips.

"Ate, si mama kasi nakipag-away doon sa mga chismosa nating kapit bahay." Tila nag-aalala ito habang hinahagod ang likod ni mamangs para pakalmahin.

I sneered at our good-for-nothing neighbors who knows nothing else but to backchat.

Inaya ko si mamangs sa loob para doon na kami mag-usap.

"Mangs, 'bat mo pinatulan?" I asked controlling my temper. I know my mother, she won't just squabble. She won't throw rocks if you won't cross the line.

"E kasi nakakabwesit 'yong kapit bahay nating si Delia, pagkachismo-chismosa nga naman. Calling me a slut or a whore for being a single mother is fine, you know me I can take words! Pero ang isali kayo ay hindi na okay! She just called you bastards! Putok sa buho!" She nagged even moving her hands while explaining. Lumalaki-laki pa ang butas ng ilong niya at mata.

"And worst she even said that the only reason why you're studying in a prestigious school is to get a rich partner! 'Di man niya sinabi directly pero alam kong sinasabi niya nang gold digger kayo! Hindi naman marunong mag-english 'yon kaya gold dragger ang nasabi. Bwesit siya! Alam kong mahirap lang tayo pero.... argh! Bwesit talaga! Bwesit niya lang. Malutong na pakyu talaga sa kaniya." She finally ended her nagging monologue. Humihingal pa siya.

"Aba! Wala talaga siyang karapatan na sabihin yun! Nasaan na ang Aling Delia na 'yon nang makatikim sa akin!" Galit na sabi ni Promise na palingon-lingon pa.

Tss. Talagang wala silang karapatan. Their wrong judgement won't lift them up. Pulling people down just to raise yourself up is just disgusting. If you're good then so be it, you don't need to step on people just to rise.

Hinawakan ko ang kamay ni Promise no'ng akmang aalis siya.

"Don't." I said in a cold voice. " 'Wag kang bumaba para lang matapatan ang lebel nila."

"Hayaan mo na mangs. One day I'll slap then with my success." I said while gritting my teeth. I left them afterwards.

Nakakapanginit ng ulo ang mga chismosa.

Hanggang kinabukasan ay bad trip pa rin ako kaya dumiresto ako sa field para magpa-pawis at mawala ang kabad-tripan ko.

Pero lalo lang akong na inis nang lumapit ang mga baseball player na nag-aasaran pa.

Letche, ang ingay! Aalis nalang sana ako kaso nagpinting ang tenga ko sa sinabi ng isa sa kanila.

"Oh Captain Abadiano, bumaba na ba ang standards mo at sa mahirap na lampa ka na pumatol." Napaharap naman ako at nanlilisik ang matang napatingin sa kanila isa-isa.

Lampa siya, oo, pero ano naman ang masama sa pagiging mahirap? Was it our choice to be born not as fortunate as them? Kasalanan ba naming ipinanganak kaming walang gintong kutsara sa bibig?

I'm already ill-tempered, I know that, but now that I'm pissed and this jerk is just adding feul to the fire. I held on his collar.

"Repeat," I hissed. Mukhang natakot ang iba pero itong hawak ko ay ngumisi lang.

"You know, matagal na akong nanliligaw sa'yo, matagal na kitang hinahabol-habol but we never had an intimate date. Habang 'yong lalaking apat ang mata e kinakausap mo! ni wala pa nga sa kalingkingan ko iyon!" He ranted. Even looked me in the eye.

I was playing with my tongue on the insides of my cheek while smirking. My smirk turned into a sarcastic laugh. Another love-sick dog.

Then I looked at him seriously, with cold eyes. "Sorry, 'di ako pumapatol sa aso." I smirked and let go of his collar.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Where stories live. Discover now