KABANATA 4:

86 21 5
                                    

Friends

"Mangs, alis na kami!" Sigaw ko habang tinatapos ang pagsuot ng sapatos kong hindi naman school shoes, kun'di rubber shoes na nike at kulay navy blue. Aba! Pakialam nila kung hindi school shoes, sapakin ko kaya sila isa-isa.

"Letche ba't ba ang iksi ng uniform! Ano kami? High School? Cheer dance?!" Naiinis kong bulong habang pilit na ibinababa ang maiksing saya ng uniporme namin. Mahigit tatlong taon ko na itong problema.

Sa huli ay dinala ko nalang ang varsity jacket ko at itinali sa baywang. Ako lang yata ang nagrereklamo sa kaiksian ng uniform, mukhang ayos lang din naman sa iba e.

"Tara na sisteret! Mother Witch bye!" Promise said and kissed Mamangs' right cheek. Humalik din ako bago lumakad na.

Hindi naman malayo ang school. Isang sakay lang ng jeep at lalakarin na namin ang papasok. Maluwag kasi ang field ng SIU kaya may mga sasakyan din sa loob tulad ng mga golf cart. Ang aarte kasi nila kaya ayaw sa jeep.

"Manong dalawa, estudyante ah!" Sigaw ko pa. Para klarong-klaro, may bente porsyentong discount dapat kami dahil mga estudyante. Wala pa kaming sweldo kaya magsitahimik sila!

Nakaamoy ako ng yosi kaya na iinis na nagpalinga-linga ako sa kung sino man ang hinayupak na humihithit ng utot d'yan. Dinadamay niya pa kami sa kagustuhan niyang mamatay ng maaga.

Pagkalingon ko ay nakita ko si...

Lincoln Ramirez ba 'yon?

At the far side of the jeepney sat a guy with think glasses.

Ngumiti siya sa akin at bahagya pang kumaway. Nang wala akong naging reaksyon ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay at hilaw na napangiti. Yumuko ulit ito at tila kinakabahan pa dahil kinakagat nito ang kaniyang hinlalaki.

"Tss." Bulong ko at tinakpan nalang ang ilong ko't bibig para 'di maamoy ang usok ng yosi ng katabi ko.

So 'di talaga siya mayaman? Nagdi-dyip e, maaarte naman ang mga mayayaman. Nunkang sasakay sa dyip, kahit nga yata sa mga airconditioned na bus ay 'di sasakay e.

Pagkababa namin ay lumakad na kami. Itinapat ko ang bar code ng id namin sa scanner. Nang magkulay berde ito ay nakapasok ako. Nagflash pa ang mukha ko sa screen sa taas at narecord ang pagpasok ko.

Since I'm an engineering student and Promise is taking up BS Bio, for his pre-med course, ay nasa kabilang building pa ang sa kanila.

"Twin sister, I'll get going na!" Paalam niya at nagtatakbong pumunta sa building nila.

Napailing nalang ako. Hahakbang na sana ako nang may pumigil sa akin.

"S-Secret..." Nauutal na sabi ni Ramirez habang hawak ang isang braso ko.

'He's stuttering again.' Sabi ko sa aking isip.

"What?" I stared at him coldly.

"Uh...f-...for you." He said, even cleared his throat to stop himself from stuttering.

I looked at the bouquet of red roses he's holding.

Wait, wala iyon kanina ah.

There was, I think more than ten roses that was simply tide with a pink ribbon to group them together. They all looked freshly picked. Hindi ako mahilig sa bulaklak pero magaganda itong bigay niya at mukhang siya lang din ang nagaayos.

At saang bakuran niya naman na nakaw ito?

Sa isip ko'y napatawa ako. Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko?

I stared at him. Seriously hindi siya mukhang magnanakaw. Hacker baka pwede pa. Sa kapal ba naman ng salamin at sa mangilan-ngilan niyang tigyawat. Mukha siyang laging puyat.

Interdicted Passion: The Nerd's Prodigy (AGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon