Chapter 7

2.6K 67 19
                                    


Chapter 7

Pain. 

Someone said that pain makes us stronger. It makes us to be a better person. Some bring us new lessons, yet it's slowly breaking us through the process. No pain, no gain? But there are different kinds of pain. It depends on a person how he/she could handle such pain. 

In my situation right now, I can't describe how pained I am. On how tolerable this is for me. On how I can handle this. On how long I can stay with this. Simula pa lang pero bakit parang pasuko na ako? Ganito ba ako kahina?

I know that he's doing this on purpose. Para masaktan ako. Kasi ako pa rin yung sinisisi niya kung bakit siya pinagkasundo sa akin. Kung bakit kailangan niyang makasal at makulong sa isang gaya ko. At kung bakit hindi niya magawang mahalin ng malaya ang taong mahal niya.

Pero deserve ko ba to? Dapat ba ganito?

"Ahh- Hayes!" I heard a long moan.

Again. 

Isang linggo na matapos ang pagpunta ko sa birthday party ni Levi. Isang linggo simula nung dito na ulit umuuwi si Hayes. At isang linggo na niya tong ginagawa sa akin. Uuwi na may kasamang babae at gagawa ng milagro sa kwarto niya. Naririnig ko dahil hindi naman soundproof ang kwarto namin. Iba't ibang babae pa ang dinadala niya. 

Pero bakit? Kung ginagawa niya ito para masaktan ako, pano naman si Dahlia? Hindi ba niya man lang naisip kung anong mararamdaman ni Dahlia kung sakaling malaman itong ginagawa niya?

Kahit anong pilit kong matulog, hindi ako pinapatulog ng mga ungol nila. Takpan ko man ang tenga ko ng sandamakmak na unan wala pa din epekto. At kung tapos na sila sa ginagawa, paulit-ulit ko pa rin naririnig ang bawat ungol nila na parang naka record na iyon sa tainga ko. 

I wiped my tears. Hindi ako kailanman masasanay sa ganito. Ayokong masanay sa sitwasyong ito. I stood up as their moans stop. The moment I stepped out of my room, their clothes were scattered on the floor. Hindi na ba talagang kayang paabutin sa kwarto niya? Kailangan dito pa ikalat ang mga damit nila? Gaya ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw ay nilalagpasan ko nalang iyong na parang walang nakita.

I am drinking milk, hoping that it can make me sleep. It's 3 in the morning and I still have 4 hours to sleep. I breathed heavily and bow my head on the table. I don't have enough sleep for a week now. I'm tired from school and I can't fully rest here.

I heard footsteps approaching. It might be the girl. Ang iba kasi ay umuuwi agad pagkatapos nilang gawin pero ang iba ay dito na nagpapalipas ng gabi at inaabot na ng umaga.

"Why are you still awake?" 

Umahon ako mula sa pagbow ng head at nakita siyang nagsasalin ng tubig sa baso. Nakasuot siya ng boxer shorts at puting sando pang itaas. Gulo-gulo ang buhok na halatang may ginawang milagro pero kung kausapin ako ay parang wala lang iyon.

"I can't sleep." 

"Don't you have classes later?"

Tinitigan ko siyang maigi. Bakit ganito siya? Ito ba talaga yung lalaking mahal ko?

"I have. But your moans were too loud, it was disturbing." I honestly said.

Nakita ko ang medyo pag kagulat niya dahil sa diretsong sinabi ko pero agad din niya iyong binawi.

"It's your problem not mine. We can bring whoever we want here, right?" sambit niya.

"Yeah. But I didn't expect that you'd go this far." I answered.

His jaw clenched. Galit nanaman. Tumayo na ako dahil ayoko ng diskusyon sakanya at sa ganitong oras pa. Ang tanging gusto ko nalang ngayon ay magpahinga at makatulog ng payapa.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now